Matagal bago ko nakumbinsi ang parents ko sa idea na isama si Trixie sa labas ng bahay. Actually, no’ng una sinubukan kong kumbinsihin si mom na ‘wag na lang akong magbantay at umalis na lang mag-isa, pero ayaw niya. Sabi niya ito ay dahil daw “nakagawa na ako ng commitment” sa kanya sa pagsasabing magbabantay ako sa kapatid ko, pero nonsense rin ito, dahil ginawa ko ang commitment fifteen minutes ago, so sa tingin ko hindi dapat iyon kasali.
Umarte si dad na parang ayos lang kung umalis ako (although sa tingin ko ito ay dahil gusto niya lang umi-skip ng therapy—suspetsa ko, palihim na naniniwala si dad na ang therapy ay hindi importante, at ginagawa lang ito para pasayahin si mom).
Anyway, nagkasundo kami, at sabi ni mom pwede kong isama si Trixie sa mall, pero hindi ako makapagpasya kung magandang bagay ba yun o hindi, because on the one hand, nangangahulugan itong makakaalis ako, but on the other hand, nangangahulugan itong kasama rin si Trixie, which was, alam mo na, hindi cool. Pero ano bang magagawa ko? Hindi ko pwedeng i-risk na mag-isa lang sina Claire at Tristan sa isa’t isa.
So iyan ang nangyari kung bakit nakaupo ako ngayon sa likod ng van ng mommy ni Claire, kasama si Trixie na nakaupo sa tabi ko.
“So, girls, ano bang gagawin n’yo sa mall?” tanong ni Mrs. Abecilla, na nakatingin sa rearview mirror para makita kami ni Trixie. Suot ni Trixie ang kanyang napakaliit na pink tutu na nasa ibabaw ng kanyang heavy blue tights. Apparently, “skating warm-up” outfit niya iyon. Kalimitan, hindi ko siya pinapayagang umalis sa bahay nang naka-gano’n, pero nakaalis na ang parents ko bago pa dumating ang mom ni Claire at ayaw makinig ni Trixie sa akin. Naisip kong mas maganda na ang magkaroon ng ice-skating-warm-up-outfit-clad Trixie kesa sa pitching-a-fit-and-screaming Trixie. Besides, meron akong mas malalaking problema, gaya ng:
(a) Ano ang iisipin ng A-list kung ako ay magpapakita sa pagtitipon nila kung ako ay:
(1) Hindi invited
(2) May kasamang maliit na kapatid
(b) Paano ko kukumbinsihin si Claire na ako at si Tristan ay nagdi-date kung si Tristan, si Claire, at ako ay nasa iisang lugar.
“Makikipagkita po sa ilang tao from school,” sabi ni Claire. Pinitik niya pababa ang visor doon sa passenger seat at pinag-aralan ang repleksyon niya sa salamin. Ngumiti siya sa sarili niya, chineck ang braces niya para sa pagkain, at maingat na naglagay ng lip gloss.
“Boys?” tanong ng mom ni Claire, na parang natuwa. Hindi ko talaga sinabi kay mom na makikipagkita kami sa ilang lalaki sa mall. At kung gagawin ko yun, hindi siya matutuwa. Tatanungin niya pa ako ng three million questions, tungkol sa kung sino ba itong mga lalaking ito, at kung gaano ko sila kakilala. Pero ibang-iba ang mom ni Claire kay mom. Laging naka-makeup ang mommy ni Claire, at ipinagma-match niya ang purse niya sa outfit niya. Hinahayaan niya rin si Claire na gawin ang halos lahat ng magustuhan nito. “Yes, mom,” sabi ni Claire, at huminga nang malalim. Inabot niya ang maliit na purple bag sa kandungan niya at naglabas ng isang brush at nagsimulang magsuklay.
Sinundot ako ni Trixie sa braso. “I have to go to the bathroom,” sabi niya.
“Not now,” sabi ko sa kanya. “Pagdating na natin sa mall.”
Tumingin ulit sa amin si Mrs. Abecilla sa salamin, at nginitian ko siya sa paraang nagbibigay-tiwala.
“So, Tiffanie, sabi ni Claire sa akin busy daw ang parents mo tonight?” tanong ng mom ni Claire. Sa tingin ko mainit ang ulo niya na kailangan niya pa kaming ihatid at sunduin. Pero pupunta ang parents ko sa counseling, at mukhang hindi naman nila iyon ika-cancel para lang ipag-drive ako papuntang mall.
BINABASA MO ANG
A Liar's Identity
FanfictionSabi ni mom ang karma ay laging umaali-aligid para lapitan ka, at sa tingin ko ay totoo iyon. Dahil last summer, naging ganap na sinungaling ako, at ngayon, sa gitna ng third-period math class ni Mr. Princillo, ang buong mundo ko ay magsisimula nang...