“Wala naman siyang parte do’n eh,” sabi ni Claire kinagabihan sa phone, nang itanong ko kung pwede bang isama si Ella kila Tristan para gumawa ng project.
“Baka pwede natin yung magawan ng paraan,” sabi ko. “Pwede siya sa camera.”
“Si Neil ang sa camera,” punto niya.
“Well, baka pwedeng maghawak si Ella ng mga cue cards or something.” Eh ‘di ba halos limang milyong katao ang nagtutulung-tulong para gumawa ng mga movies? Pa’nong walang kahit isang trabaho ang pwede kay Ella?
“Wala tayong cue cards,” sabi ni Claire, na mukhang naiinis na sa ‘kin. “Besides, sa tingin ko hindi magandang ideya kung nando’n s’ya.”
“Ba’t naman?”
“Well, una sa lahat, halata namang ‘di s’ya kaibigan ng lahat pwera lang sa ‘yo.” Uh-oh. “Ang totoo n’yan, ni hindi nga alam ni Chelsea ang pangalan niya.” Bumuntong-hininga si Claire.
“Well, kaibigan ko nga talaga siya,” maingat kong pagkakasabi. “Hindi s’ya ka-close ng iba. Mahiyain kasi siya.”
“Tapos,” pagpapatuloy ni Claire, “hindi ko rin alam kung magandang ideya ba na nasa paligid s’ya ni Tristan. Dagdag stress lang s’ya sa relasyon ninyo.”
“Relasyon nino?”
“Sa inyo ni Tristan.” Talaga?
“Ba’t mo naman nasabi ‘yan?”
“Parang hindi na kasi kayo magkasundo nitong huli.” Hindi na?
“Hindi na?”
“Hindi,” sabi niya. “Ni hindi ka na nga n’ya matingnan eh, at siguro dahil yun sa palaging nakapaligid si Ella.” Actually, bihira na ngang umaligid si Ella, at bihira naman akong tingnan ni Tristan kasi hindi ko naman talaga siya boyfriend. Pero ‘di ko yun sasabihin. Natural. “Besides,” pagpapatuloy niya. “Nakapag-hung out man lang ba kayo ni Tristan simula no’ng pumunta tayong lahat sa mall?”
Simula no’ng nagpunta kaming mall? Ilang araw pa lang yung nakakalipas ah. Sinubukan kong alalahanin kung ano yung mga nabanggit ko kay Claire noong summer tungkol sa kung ga’no kami kadalas lumabas ni Tristan. Sa tingin ko ang dami nun. Crap. Sinubukan ko agad mag-isip ng oras na ka-hung out ko si Tristan kung kailan hindi ko ka-hang out, ka-IM, at kausap sa telepono si Claire. “Syempre naman nag-hung out kami,” sabi ko.
“Kailan?” tanong niya. “Kailan kayo nag-hung out?”
“Um, no’ng isang araw.”
“Pero ‘di ba may practice s’ya nun?”
“Practice saan?” tanong ko bago pa ako makapag-isip.
“Sa soccer,” sabi niya, na bumuntong-hininga. “Sa liga niya!”
Naglalaro si Tristan sa liga? “Um, lumabas kami pagkatapos nun.” Hindi ‘to maganda. Anyway, at kailan pa naging dalubhasa ‘tong si Claire sa pag-alam ng schedule ni Tristan?
“Well, whatever,” sabi ni Claire. “Ang sinasabi ko lang naman kasi dito, dagdag sakit pa sa inyong dalawa kung nakapaligid si Ella. At tulad ng sinabi ko kanina, hindi s’ya kaibigan ng lahat.”
BINABASA MO ANG
A Liar's Identity
FanfictionSabi ni mom ang karma ay laging umaali-aligid para lapitan ka, at sa tingin ko ay totoo iyon. Dahil last summer, naging ganap na sinungaling ako, at ngayon, sa gitna ng third-period math class ni Mr. Princillo, ang buong mundo ko ay magsisimula nang...