Chapter Five

32 1 0
                                    

"Hindi pwede," sabi ni mom kinagabihan nang tanungin ko ang parents ko kung pwede ba akong manghingi ng perang pambili ng mga bagong damit. "Ang dami mo ng bagong damit nitong summer."

        "Pero hindi ko pwedeng isuot yung mga summer clothes ko ngayon," sabi ko. Duh. "At tsaka wala naman talaga akong matinong damit na pang-school." Sinubukan kong i-arte ang "wala akong maisusuot sa school" angle, at naisip kong mas magandang pakinggan ang "bagong damit pang-school" kaysa sa "bagong damit para kumbinsihin ang mga taong sikat ako".

        "Ano ba talaga'ng kailangan mo, Stef," tanong ni dad, na nasa kitchen table, kung saan siya nagbabasa ng diyaryo. Nakaupo si Trixie sa tabi niya, na nagdo-drawing naman ng isang soccer player.

        "Henry!" sabi ni mom. Kumuha siya ng mga plato sa cabinet, at inilapag  ito sa lamesa para sa hapunan. "Ang dami na niyang mga bagong damit noong summer."

        "Alam ko," sabi ni dad. "Pero hindi niya yun masusuot ngayon." Sumimangot si mom, at nagsimula na akong mag-alala. Kung mag-aaway ang parents ko dahil lang dito, wala na rin 'tong kwenta. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling pag-aaway nila, pero natatandaan ko na madalas silang mag-away bago kami umalis ni Trixie noong summer. At ayoko nang balikan yun. "Magkasundo na lang tayo," sabi ni dad, at nakapag-relax ako. Parang iyon ang pinakamalaking parte ng counseling appointments nila. Ang pagkakasundo.

                “Opo,” sabi ko. “Magkasundo tayo.” Kinindatan ako ni dad sa diyaryo niya, at kinindatan ko rin siya.

                “Anong klaseng pagkakasundo?” tanong ni mom. Inayos niya ang mga plato sa lamesa.

                “Well,” sabi ni dad, na itinupi ang diyaryo niya at tumayo. “Pwede nating payagan si Stefanie na makuha ang ilang bagay na gusto niya, basta hindi lang siya gagastos ng masyadong malaking pera. Walang dahilan para gumastos siya nang malaki tulad ng ginawa niya noong summer, pero makukuha niya ang mga kailangan niya.” Kumuha siya ng mga silverware sa silverware drawer.

                “Well,” sabi ni mom, na mukhang nag-aalala.

                “Moom,” sabi ko. “Sige naaa. Binantayan ko naman si Trixie kagabi eh.” Hindi naman sa ngumungulngol ako.

                “Oo,” sabi ni mom, “pero umalis ka.”

                “So?” sabi ko. “Wala naman po kaming ginawang masama ah. Nagpunta lang kami ng mall.”

                “We played DDR,” sabi ni Trixie mula sa kinalalagyan niya sa kitchen table.

                “Anong DDR?” tanong ni mom, na nagsuspetsa ang mga mata. Alas-quatro araw-araw, nagbi-break si mom sa trabaho niya at nauupo sa couch ng living room na may kasamang isang tasa ng tsaa para manood ng Oprah at Dr. Phil. Dahil dito, alam niya ang tungkol sa lahat ng scary teen trends na ginagawa ng mga middle-class teenagers at dahil doon ay kinakabahan siya sa tuwing makakarinig siya ng mga term na hindi niya alam ang ibig sabihin.

                “Wala yun,” sabi ko, na pinipigilang paikutin ang mga mata ko. “Laro lang yun sa arcade do’n.”

                “Yes.” Tumango si Trixie sa pagsang-ayon. “It’s like a dance game.”

                “Well, never ko pa yung narinig,” sabi ni mom, na nakatinging malapit sa akin. Probably for signs na hindi talaga iyon dance game kundi ibang bagay, something na kinasasangkutan ng mga internet predators o mga street gangs.

A Liar's IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon