“Kailangan mong kumain,” sabi ni Ella sa lunch. Nasa caf kami ngayon sa sarili naming lamesa—ako, si Ella, at si Claire. Although tumatayo pa rin minsan si Claire para maupo kasama ni Tristan at ng A-list (kasama si Rence), and although inimbitahan niya kami ni Ella na maupo do’n, umayaw ako.
“Fine,” sabi ko. Kumuha ako ng french fry sa tray ko, sinubsob ito sa ketchup, tsaka ko ‘to pinasok sa bunganga ko. “Happy?”
“Isa pa,” utos niya. Kaya ginawa ko.
“Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw mong makipag-usap sa kanya,” sabi ni Claire. Kinuha niya yung salamin niya sa purse niya at nag-ayos siya ng buhok.
“Kasi nga ‘di rin naman siya makikinig sa ‘kin,” sabi ko. “Galit siya sa ‘kin.”
“Hindi siya galit sa ‘yo,” sabi ni Claire, na nagpaikot ng mga mata niya.
“Kailangan mo lang siyang kausapin,” sabi ni Ella.
“Ginawa ko na ‘yan,” sabi ko.
“Pero sinabi mo na ba sa kanya na gustong, gustong, gusto mo talaga siya?” tanong ni Claire.
“Hindi,” pag-amin ko.
“Pwes gawin mo,” sabi ni Ella, at tumango naman si Claire.
“Pero ayoko nang mapahiya,” pagngawa ko.
“’And the trouble is, if you risk nothing, you risk even more,’” sabi ni Claire. Napatingin kami ni Ella sa kanya sa gulat. “Ano?” sabi niya. “Sikat na quote yun.” Kumain pa ‘ko ng isa pang fry. At isa pa. “Hey, gusto niyong maghang out after school? Tatawagan ko si mom para pumayag siyang papuntahin kayo sa bahay.”
“Sure,” sabi ni Ella. “Pero may gagawin pa kasi ako sa English pag-uwi ko eh. Alam mo, last week nakakuha ako ng C minus sa poetry quiz ko. Nakaka—” Nagkaroon ng weird look sa mukha niya, tumigil siya sa pagsasalita, at lumapit siya sa ‘kin.
“Bakit?” tanong ko. Sumubo pa ulit ako ng isa pang fry.
“’Wag kang magugulat,” sabi niya, “pero palapit dito si Rence.”
Nagulat ako. “Ano?” sabi ko. Nalunok ko agad yung fry ko. “Sure ka? Ba’t naman siya—”
“Hey,” sabi ng boses sa likod ko. Tumalikod ako. Si Rence. “Pwede ba kitang makausap?”
“Sure,” sabi ko, na sinusubukang maging kalmado ang boses ko. Tiningnan ko sina Claire at Ella para itanong kung ano’ng dapat kong gawin nang walang kahit anong binabanggit.
Sinundan ko siya sa labas ng cafeteria, at sumandal kami sa pader. “Makinig ka, patapos na yung project natin. Bibigyan na lang kita ng write-up sa social studies para makita mo, pero sa tingin ko ayos na yun.”
“Oh,” sabi ko. “Okay.” So si Rence pala ang mag-isang tumapos ng project namin. Umaasa pa naman ako na magkasama namin yung gagawin, tapos nasa paligid ko siya para makita niya kung ga’no ako ka-cool, at, alam mo na, hindi siya magagalit sa ‘kin. Umasa rin ako na sana ang gustong pag-usapan ni Rence ay yung tungkol sa aming dalawa, at hindi ang tungkol sa bwiset na project na ‘to. Pero sa tingin ko ito na ang huling beses na mapipilitan siyang kausapin ako, at ngayon gusto na niyang matapos sa ‘kin. “Salamat pinaalam mo,” sabi ko, sabay talikod para bumalik sa cafeteria.
“Stef,” sabi niya, nang hawakan niya ang braso ko.
“Oh?” sabi ko, pagkaharap ko sa kanya.
“Makinig ka, nakausap ko si Claire kaninang umaga.” Sumandal siya sa pader at bumuntong-hininga. “Sabi niya naging crush mo raw si Tristan last year, pero hindi mo siya nagustuhan tulad ng pagkakagusto mo sa ‘kin. Totoo ba ‘yon?”
“Oo,” sabi ko. “Totoo ‘yon.”
“Sinabi niya rin sa ‘kin lahat. Yung totoo, pati yung mga ginagawa sa ‘yo ni Chelsea.”
“Oh,” sabi ko.
“Sorry sa ginawa ko sa ‘yo nu’ng Sabado,” sabi niya. “Akala ko lang kasi gusto mo ‘ko, tapos gustung-gusto kita, tapos malalaman ko na lang na gusto mo si Tristan, tapos… ewan, nagalit ako.”
“Pero hindi ko gusto si Tristan,” sabi ko. Bumilis nang sobra yung tibok ng puso ko. Lumunok ako tsaka tumuloy. “Gusto kita.”
“Alam ko na ‘yan ngayon,” sabi niya. Lumalapit siya sa ‘kin. O imagination ko lang ‘to. Hindi eh, lumalapit talaga siya sa ‘kin, kaso mabagal. Naaamoy ko na nga yung Rence smell niya eh.
“Sorry na nagsinungaling ako sa ‘yo. Ano lang kasi—”
“Okay na,” sabi niya, nang ilagay niya yung daliri niya sa labi ko. Bigla siyang yumuko at hinaplos niya yung labi niya sa labi ko. Ang lambot nila, at naramdaman kong humaplos sa ‘kin yung pisngi niya nang lumayo siya. Oh My God. Hinalikan ako ni Rence. Hinalikan ako! Ang first kiss ko!
“Oh,” sabi ko. Yun lang ang masabi ko. Oh lang.
“Tiffanie!” sigaw ni Claire sa likod ko. “Ano’ng nangyayari rito?” Nakatayo siya sa doorway ng cafeteria, at nakapamaywang. “Ohmigod, naghahalikan kayo! Sabi ko na nga ba eh! Sabi ko na nga ba magiging kayo na! Sabi ni Ella, ‘Ba’t ang tagal nila,’ tapos ako naman, ‘Malamang sila na.’”
Naihilamos ni Ella yung palad niya sa mukha niya. “Okay lang ba kayo?” tanong niya. “Gusto lang naman kasi namin kayong i-check.”
“Oo,” sabi ko, habang tumatawa. “Ayos lang kami.”
“Buti naman,” sabi ni Ella. “Tara na, Claire.” Tumingin siya sa ‘kin. “Sige, babalik na kami sa caf. Pero, uh, tawagin niyo lang kami kung kailangan niyo kami.”
“Oo, tawagin niyo lang kami kung kailangan niyo kami,” pagsang-ayon ni Claire, habang tumatango. Medyo disappointed siya, na parang gusto niya pa kaming bantayan, pero hinila na siya ni Ella pabalik sa cafeteria.
“Mga sira,” sabi ko, habang tumatawa.
“Nah,” sabi ni Rence. “Nag-aalala lang sila sa ‘yo.”
“Alam ko,” sabi ko. “Pero hindi na kailangan.” At hinalikan ko ulit si Rence, sa labas mismo ng cafeteria.
☻Ladies and gentleguys, thanks for reading. Sana nagustuhan niyo. Sorry sa mga errors. Next time ulit. ☻
BINABASA MO ANG
A Liar's Identity
FanfictionSabi ni mom ang karma ay laging umaali-aligid para lapitan ka, at sa tingin ko ay totoo iyon. Dahil last summer, naging ganap na sinungaling ako, at ngayon, sa gitna ng third-period math class ni Mr. Princillo, ang buong mundo ko ay magsisimula nang...