HSC Chapter 28

202 10 0
                                    

Short update lang po to.

Her Stupid Cupid
Chapter 28-First Sign

Minho's POV

Nasa kwarto ako ni Siga at pinapatulog sya.

"Matulog ka na. Masyado kang napagod ngayong araw na to.",sabi ko. Ang alam ko kasi nag usap sila ni Vic kanina. Sa tingin ko hirap na hirap na sya pero wala akong magawa kasi yun ang dapat nyang gawin.

Nakatingin lang sya sakin habang nakahiga na at ako naman ay nakaupo sa upuang nakaharap sa kanya.

"Si Vic sya yung taong di ako iniwan kahit kelan. Nung di ko pa kilala yung mga kapatid ko sya lang yung meron ako. Pero kung malalaman nya ang lahat ng to iiwan nya ako. Lalayo sya sakin.",sabi nya at kitang kita ko ang takot sa mga mata nya.

"Pag nalaman to ng mga kapatid ko sigurado akong magagalit din sila. Iiwan din nila ako.",patuloy nya. Hinawakan ko yung kamay nya.

"Ikaw kapag natapos na rin lahat iiwan mo rin ako. Wala ng matitira sakin.",sabi nya.

Gusto kong sabihing di ko sya iiwan kahit anong mangyari. Gusto kong malaman nyang di sya mag iisa kasi nandito naman ako para sa kanya. Pero sinampal ako ng katotohanang di yun mangyayari. Tama ang sinabi nya iiwan ko rin sya. Masakit pero yun ang totoo.

"Hanggang nandito ako di ka mag iisa. Nandito lang ako sa tabi mo. Sige na matulog ka na di kita iiwan.",sabi ko sa kanya.

Ito lang ang kaya kong gawin ang panandaliang samahan ka.

Nagpakawala sya ng isang ngiti.

"Salamat Minho.",sabi nya at pinikit ang mga mata nya. Hawak ko pa rin ang kamay nyang hawak nya rin pala.

Pinagmamasdan ko sya. Ayoko pang umalis sa tabi mo pero habang tumatagal mas lalong lalala ang sitwasyon. Mas magiging komplikado ang mga bagay.

Akala ko dati madali lang ang bagay na to. Na matatapos ko sya ng matiwasay pero alam mo bang naging mahirap ang lahat para sakin ng hinayaan kong maramdaman ang mga emosyon na para lamang sa mga tao. Sinubukan kong layuan kita pero mas naging mahirap sakin yun kasi mas iniisip kita.

Akala ko alam ko na ang lahat tungkol sa pag ibig kasi nga cupid ako yun ang trabaho ko pero ibang iba pala kung ikaw yung nasa sitwasyon. Di mo na to kelangan pang malaman kasi nasa proseso na ako ng pagpatay sa damdaming ito.

Binatawan ko na ang kamay nya. Darating din yung panahon kung kelan kelangan ko ring bitawan ang kamay mo panghabambuhay.

Tumayo ako at inaayos ang kumot nya. Napansin kong may tumulo sa gilid ng mga mata nya.

"Matapang ka naman diba? Kakayanin mo kahit mawala ako sa tabi mo.",sabi ko at pinahiran ang tumulong luha nya.

Aalis na sana ako ng may mapansin ako sa inupaun kong upuan kanina. Isang pirasong balahibo ng pakpak ng isang anghel. Kinuha ko ito at napaisip kung pano to napunta dito.

Awtomatiko akong napalingon kay Yuri. Ibig bang sabihin nito ay nangyayari na? Nagsisimula na nga ba? Umalis na ako ng tuluyan sa kwarto nya at pinagpatuloy ang pag iisip sa kwarto ko.

Hawak hawak ko pa rin ang balahibo. Dapat maging masaya ako ngayon kasi sa wakas may sinyales ng lumalabas. Pero bakit ang bigat bigat? Parang di ako makahinga sa ideyang nagugustuhan na ni Yuri si Nich.

Pero ito naman yung gusto ko diba? Pero bakit di ako masaya?

Her Stupid Cupid(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon