HSC Chapter 21

227 6 0
                                    

Her Stupid Cupid

Chapter 21-Crush

 

Vic's POV

"Hi Vic. Nandito na ako. I-welcome mo naman ang bisita mo.",nakangiting sabi ni Minho. Natatawa naman akong lumapit sa kanya.

"Welcome po visitor. Halika pasok ka.",sabi ko sa kanya habang natatawa.

Naka sweatshirt sya at naka jeans lang tapos sneakers pero bakit ang gwapo nya pa ring tingnan. Para ang effortless lang pati yung buhok nyang medyo messy masyadong nagpapagwapo sa kanya.

Tama nga ako sa pagpili ko sa kanya. Sana naman pumayag sya. Kasi gusto ko talagang makabawi sa kanya. Ang bait bait nya kasi sakin kahit na bago ko pa sya nakilala. Para syang angel, hulog ng langit.

"Upo ka.",sabi ko habang nakangiti at nauna ng maupo.

Umupo naman sya.

"Pinapunta nga kasi kita dito dahil may io-offer ako sayo.",sabi ko.

Tumango tango naman sya.

"Kukunin kitang model. Sana. Diba wala ka namang work?",sabi ko.

Napakunot noo sya. Teka na insulto ko ba sya? Nakaka offend ba yung sinabi ko? Hala patay.

"Anong model?",tanong nya. At take note seryoso sya. So di sya nainsulto? Di nya lang talaga alam kung ano ang model. Matatawa sana ako pero pinipigilan ko talaga. Ang sakit na nga ng tyan at lalamunan ko sa kakapigil eh.

"Model. Parang yung ginagawa ng mga ito.",sabi ko sa kanya at inabot sa kanya ang isang magazine. Napayuko ako kasi baka matawa na talaga ako.

Binuklat buklat nya yung magazine. Manghang mangha talaga sya. Seriously, ngayon lang sya nakakita ng magazine? Ang cute.

Napapangiti ako habang sumusulyap sa kanya.

"Aayusan kita at magpopose ka lang. Yun may sweldo ka na. Madali lang naman. Kasama mo naman ako palagi eh.",sabi ko.

"Kasama ka palagi?",tanong nya.

Nabigla naman ako sa tanong nya. Hala baka ayaw nya kasi baka magselos si Yuri. Hayy. Di naman yun ang ibig kong sabihin eh. Magsasalita na sana ako nang magsalita sya ulit.

"Sige payag ako. Basta lagi kitang kasama ayos na ayos sakin.",sabi niya at ngumiti.

Napatameme ako sa sinabi nya. Ayoko sanang bigyan ng meaning pero OMG kinikilig ata ako. Shett. Behave Vic nakakahiya ka may fiance kang tao! Pero kasi naman galing sa isang Minho yung mga words na yun eh! Isang taong parang angel sa bait at gwapo. Shett. Basta naman loyal ako kay Nich. Humahanga lang talaga ako kay Minho.

Crush nga ika nila.

Minho's POV

Makakasama ko sya araw araw. Nagiging madali sakin ang mission ko. Kelangan ko na kasi matapos to para makabalik na agad ako sa pagiging cupid. Alam kong pag nandito pa ko sa mundo nila mas maguguluhan ako. Mas magkakaroon ng mga damdaming di naman ako pamilyar.

"Sige. Sunduin kita bukas ha Min?",sabi nya sakin. May tawag na sya sakin so ibig sabihin kaibigan na talaga ang tingin nya sakin.

"Sige kita na lang tayo bukas.",sabi ko at nginitian sya. Umalis na rin ako. Tapos ko na rin pirmahan yung sinasabi nyang kontrata.

Ayoko pang umuwi kaya nagpunta muna ako sa malapit na park. Umupo ako sa isang bench. Wala lang naman akong ginagawa pinagmamasdan lang yung mga taong nagdadaan.

Sa totoo lang masarap maging tao kasi may kalayaan kang pumili at may karapatang magkamali. Kasi nga walang perpektong tao kaya ayos lang magkamali may natutunan naman. Pero kapag paulit ulit mo nang ginagawa yung parehong pagkakamali, katangahan na ang tawag dun.

May biglang lumaput saking matanda.

"Miguel. Miguel. Ikaw nga!",sabi nya habang pinagmamasdan ako ng mabuti. Naguguluhan ako. May bigla namang lumpait saming babae.

Napatayo ako. Namumukhaan ko sya.

"Ah sorry po sa abala. Lola lika na po. Uuwi na tayo.",sabi nya. Parang di pa nya ako namumukhaan. Nang makatingin na sya sakin ng mabuti ay parang naaalala nya na.

"Hala ikaw yun sa mall diba?",sabi nya at namula agad.

Napangiti ako.

"Sorry nga pala nun ha. Nag away pa ata kayo ng girlfriend mo nun. Shane nga pala.",sabi nya at naglahad ng kamay. Tinanggap ko naman agad.

"Minho. Ah ayos lang.",sabi ko.

"Ah sige mauna na kami. Pasensya na sa lola ko.",sabi nya at tumalikod na.

"Si Miguel nga yun. Bat iniiwan natin si Miguel?",sabi pa rin ng matanda.

Pinagmamasdan ko pa rin silang nakalayo na. Ano kayang ibig sabihin nito? Pangatlong beses ko na syang nakita. Ano kayang papel nya sa buhay namin o sa mission namin ni Yuri. 

Her Stupid Cupid(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon