HSC Chapter 17

281 9 1
                                    

Vote and comment kung deerve naman po :)

Her Stupid Cupid

Chapter 17-What If

Minho's POV

Nasa sasakyan na ako at papauwi na rin. Nagpasundo na kasi ako kay Siga. Nakatingin lang ako sa labas kasi iniisip ko pa rin ang nangyari kahapon.

"Uy ang tahimik mo. Mag report ka na dali.",sabi niya.

Yan na nga ba ang sinasabi ko eh kaya ayokong magsalita pa muna. Kasi naman di pa ako handang ikwento sa kanya lahat.

"Inaantok na ako. Tulog muna ako ha.",sabi ko at nagkunwaring naghihikab. Pinikit ko agad ang mga mata at nagtulog tulugan. Hayy. Makasalanan na ako nito.

Habang nakapikit ako di ko pa rin maalis sa utak ko yung eksenang naglapat yung mga labi namin. Kasi naman di ko na talaga alam ang gagawin ko para makalma sya tapos bumalik yung lagnat nya kasi ang init init nya. May mga sinasabi sya di ko naman naiintindihan at umiiyak pa sya. Kaya nagawa ko yun.

Pagkatapos nun parang naging mas tahimik kami. May distansya na kung kumilos. Mali ba yung ginawa ko? Ewan ko baka nga mali. Pero nang tumagal naman ay nawala rin yung tinatawag nilang awkwardness. Nakipagkwentuhan na sya sakin at gumaling na sya. Nagpasalamat sya kasi inalagaan ko sya. Nang papaalis nako may sinabi sya sakin.

"Minho. Sana satin na lang yung nangyari kahapon. Ayokong bigyan ng malisya yung nangyari. Wala lang naman yun diba? Baka kasi ma misinterpret ng iba pag nalaman nila. Thanks.",sabi nya at ngumiti. Tumango na lang ako.

Kaya ngayon nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba kay Yuri o hindi. Pero dapat ko namang sabihin lahat diba? Hayy. Naguguluhan ako. Kung sasabihin ko ba kay Yuri matutuwa ba sya o magagalit. At kung magagalit sya bakit naman?

Ayoko kasing magalit si Yuri kasi nakakatakot syang magalit. Di nya ako kinakausap pag galit sya sakin. Ayoko namang magkagalit kami ng alaga ko diba?

Yuri's POV

Naninibago ako sa taong to. May tinatago to eh! Ramdam ko yun. Kanina nya pa ako iniiwasan pag tinatanong ko sya. Kanina ng nakauwi na kami tinanong ko sya kung anong nangyari. Sinabi nya yung mga ginawa nya. Pinahiran nya raw ng bimpo, sinubuan, pinainom ng gamot at inalagaan si Vic kaya raw gumaling agad. Feeling nya rin na mas naging close sila. Good news naman yun eh. Pero weird lang talaga tong si Minho.

Pero bahala na nga di naman yun marunong magsinungaling eh kaya may tiwala ako sa kanya. Nakatingin ako sa kanya nang biglang mag ring yung phone ko. Kumakain kasi kaming dalawa.

Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Natigilan ako at kinakabahan na naman. Shete. Si Nichkhun kasi ang tumatawag. Pag narinig ko lang ang pangalan nya o naiisip ko sya para ng hihiwalay tong leche kong puso sa katawan ko. Nak ng tinapang kabayo naman oh!

"Sagutin mo na. Sino ba yan?",si Minho. Ayy oo nga pala kanina pa nagriring pero di ko pa sinasagot.

Her Stupid Cupid(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon