HSC Chapter 24

213 6 0
                                    

Sinong exostans dito? Promote ko to ha?! Nabasa ko lang maganda kasi eh! Bakit Kris? yung title. Try mo. O click mo na lang yung external link hihi. Thanks!

Her Stupid Cupid

Chapter 24-Sino nga ba?

 

Minho's POV

"Congrats Min. And here's your first ever salary.",masayang sabi ni Vic at inabot sakin ang sobre. Kinuha ko naman agad yung sobre.

"Sige. See you tomorrow.",sabi nya at umalis na kasi may meeting pa raw sya. Naiwan naman ako ditong nakatitig pa rin sa sobre. Wow. Ang sarap sa feeling na ginawa mo yung best mo para magkapera. Pinaghirapan ko kaya to. Dalawang linggo na rin akong nagtatrabaho.

Lumabas na ako at pumunta sa kalapit na mall. May bibilhin kasi ako gamit tong pera ko. Sana nandito pa yun. Matagal tagal ko ring hinintay na magkapera ako para lang dun. Pagdating ko sa mismong tindahan ay nakita ko sya agad. Nagningning naman agad yung mga mata ko.

Mabibili na rin kita sa wakas. Nilapitan ko na agad at binili. Masayang masaya ako. Walang mapaglagyan eh.

"Para po ba to sa girlfriend nyo sir?",tanong nung babae sa counter. Tumango na lang ako. Parang kinilig ata sya. Napailing na lang ako.

Sana magustuhan nya. Sya kasi yung unang pumasok sa utak ko nung sinabi kahapon na ngayon ang sweldo ko. Sa di kalayuan naman nitong mall ay may theme park. Gustong gusto ko talagang makapasok dyan pero syempre kasama sya. Kaya bumili ako ng dalawang ride-all-you-can tickets para mamayang gabi.

Umuwi na ako para makapag ayos pa naman. Excited na ako para mamayang gabi. Ang una kong ginawa ng makauwi na ako ay ang ilagay ang teddy bear na binili ko sa kwarto nya. Oo si Yuring Siga nga ang tinutukoy ko. Miss na miss ko na rin sya eh. Sya lang naman ang naiisip ko kahit di ko sya pinapansin.

Gusto ko lang namang magkaroon kami ng gap. Ayoko ng magkamali pa baka kasi makalimutan ko kung ano talaga ang pinunta ko dito. Kasi kapag kasama ko sya parang nawawala ako sa sarili. Kaya iniiwasan ko sya para matapos na rin yung mission ko pero di ibig sabihin nun ayoko syang makasama.

Wala lang talaga akong karapatang maramdaman ang mga damdamin ng isang tao. Ganun na rin wala akong karapatang magustuhan ang sinuman. Dahil pag natapos naman ang lahat babalik din ako sa pagiging cupid ko.

Nasa loob na ako ng kwarto nya. Matagal tagal na rin pala yung last na pasok ko dito. Nandito pa rin pala yung mga bituin na nilagay ko sa kisame nya akala ko kasi tinanggal nya na. Wala namang nagbago sa kwarto nya maliban nalang sa mga bulaklak na nasa vase. Bigay siguro ni Nich. Lagi kai syang may dalang bulaklak pag umuuwi. Nilapag ko na sa kama yung cute na teddy bear at inipit sa kamay nya ang ticket.

Huminga ako ng malalim lumabas na ng kwarto. May isang oras pa ako bago mag alas sais. Hihintayin ko na lang sya dun sa labas ng theme park mamaya. Sa ngayon aayusin ko muna tong itsura ko para naman kaayaaya pa rin naman tingnan mamaya.

Yuri's POV

Kakauwi ko lang galing ng pictorials. Pagod na pagod na talaga ako kaya wala akong ganang kahit kumain man lang. Gusto ko lang mahiga sa kama ko at matulog. Nagpunta agad ako ng kwarto ko.

Nang mailawan ko na ay bumungad sakin ang isang malaking cute na teddy bear na nakaupo sa kama ko. Ano na naman bang pakulo ni Nich? Pero ang cute at medyo kinikilig na rin ako.

Kinuha ko yung teddy bear at niyakap. Ang lambot lambot nya. Teka may napansin akong parang papel na karton kaya kinuha ko.

Ride-all-you-can ticket ng isang theme park. At may isa pang kapiraso ng papel na nakatiklop kaya binuklat ko at binasa.

*Punta ka ha. Alas sais. Maghihintay ako.

-Minho**

Nang mabasa ko ay biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Kinakabahan yata ako ng masyado. Pasmado na ba tong puso ko? Shete.

Akala ko si Nich ang may gawa nito. Di ko talagang inaasahan na manggagaling to sa kanya. Kinakabahan ako kasi ito yung unang beses na magkikita at magpapansinan kami ulit pag pumunta ako.

Nag ring yung phone ko kaya kinuha ko agad.

One New Message Received

Sender: Nich

"Let's date. I'll fetch you."

Nak ng! Bat timing pa talaga tong dalawang magyaya. Anong oras na ba? 6:30. Shete. 

Her Stupid Cupid(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon