HSC Chapter 9

495 9 16
                                    

Her Stupid Cupid

Chapter 9

Minho's POV

Nakatingin ako sa kanya ngayon. Ewan ba parang di ako komportable.

"Kinakabahan ka?",tanong nya habang nasa daan pa rin yung tingin. Nagmamaneho kasi sya.

Napayuko ako. Nagdadalawang isip kasi ako kung ano ang kakalabasan nitong mission namin. 

"Madami pa tayong back up plan. Wag kang mag alala.",sabi nya.

Napangiti ako. Kahit naman ganyan sya katigas kung tingnan malambot pa rin naman sya. Inaalala yung nararamdaman ng iba. Tumango lang ako.

Tinuon ko na lang ang mga mata ko sa labas ng bintana. Napansin ko ang mga taong nagmamadali. Lagi silang may hinahabol na deadline. Kaya minsan di nila napapansin ang ganda ng buhay. Lagi silang nagrereklamo sa mga pangit na bagay pero di naman nila hinahayaang makita yung mga magaganda. 

Mahirap maging tao. Masyadong komplikado. Pinikit ko ang mga mata ko iniisip ko lang kung pano kung tao talaga ako. Posibleng magmahal din ako? Posibleng ako ang pinapana ngayon? At ano naman ang magiging buhay ko? 

Hayy. Nahahawa na ako sa mga tao. Ayy oo nga pala tao pala ako ngayon.

"Mabait si Vic.",sabi nya. Napalingon naman agad ako. Sa tono ng pananalita nya parang pinapagaan nya ang loob ko. 

"Di tulad ko masyadong harsh.",dagdag nya.

Nakatitig lang ako sa kanya. Di naman sya masama. Mabait naman talaga sya di nya lang pinapakita. 

"Oh baka matunaw ako nyan ha.",sabi nya habang lumingon ng bahagya at ngumiti ng nang aasar.

Ang init ata ng mukha ko. Lumingon agad ako sa bintana. Paglingon ko sa salamin ay nakita kong namula yung mukha ko. Hala pano yan? Puputok ba ako? Bat ako namumula? May sakit ba ako? Tanong ko sa sarili habang hawak hawak ang pisngi ko.

"Normal lang yan.",sabi nya.

Hayy. Salamat naman. Sorry naman po kasi nga di ako sanay eh. 

Hininto nya ang kotse. Oh ngayon alam ko na ang tawag dyan. Improving diba?

"Nandito na tayo.",sabi nya. Huminga muna ako ng malalim. Heto na mag uumpisa na ang kalbaryo namin.

Nauna syang bumaba kaya bumaba na rin ako. Naabutan ko syang kausap si Victoria. 

"May lakad ka ba?",si Yuri.

Nasa likod lang ako ni Yuri.

"Ah. Sana. Bakit siga?",si Vic at nag wave sakin ng mapansing nandito ako. Nginitian ko sya. 

Her Stupid Cupid(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon