HSC Chapter 19

248 8 3
                                    

Hi po mga pips. Sa mga readers nga pala ng IRH available na po ang angg BOOK 2 nito- Just His Girl. Paki click ng external link o punta sa profile ko bilis! Thanks. Vote at comment din.

Her Stupid Cupid

Chapter 19-Tampo ako

 

Minho's POV

 

"Eh bakit ba di mo ko pinapansin ha?",tanong nya at pinisil yung ilong ko. Nabigla ako syempre at napayuko ako kasi umiinit na naman ang mukha ko. Baka kasi namumula ako. Pag kasama ko talaga tong si Siga namumula ako. Bat kaya?

"Kasi.",sabi ko. Pano ko ba sasabihin? Bakit nga ba ako nga inarte kanina? Minsan kasi para akong ewan. Hayy. Sya naman kasi eh di nya kinain yung nilagay ko sa plato nya. Tsk.

"Kasi?",sya na naman. Magsasabi na nga lang ako kasi alam ko namang mananalo sya sa usapang ito. Kasi nga ayoko namang magalit sya sakin kaya lagi syang panalo.

"Kasi.. ayaw mong kainin yung..yung nilagay ko sa plato mo..nung tinawagan ka ni Nich kanina.",nasabi ko na. Pero heto parin ako kinakabahan.

Tumawa sya ng malakas. Napatingin tuloy ako sa kanya. Ngayon ko lang sya nakitang tumawa ng ganto. Ang sarap pakinggan ng tawa nya. Lalo syang gumanda. Napansin nyang nakatingin lang ako sa kanya kaya nahinto sya.

"Yun lang?",sabi nya at natatawa pa rin pero pinipigilan nya lang.

Yun lang? Nakakainis sya. Di nya ba alam na nag effort akong lutuin yun kahit mahirap nagpaturo talaga ako kay Tiffany at Jessica. Sumeryoso ako.

"Kasi luto ko yun.",sabi ko at nilampasan na sya. Lumabas na ako ng kwarto nya at dumiretso na sa kwarto ko. Hinubad ko ang pakpak at nilagay yung yakult sa mesa. Humiga na ako sa kama.

Nararamdaman ko na talaga ang pagiging tao ko. Yung paiba iba ng emosyon yung kanina lang masaya tapos mayamaya magagalit tapos malulungkot at magiging masaya na naman. Napakakomplikado.

Kanina kasi sumama lang talaga yung loob ko ng di man lang nya tinikman yung hinain ko sa kanya kanina. Pinaghirapan ko pa naman yung lutuin. Tiningnan ko naman agad yung isa kong daliri na may band aid na ito yung katibayan na sineryoso ko yung pagluluto.

Pero parang nakonsensya rin ako ng di ko man lang sya pinansin ng nagpaalam syang aalis na. Kaya gunawa na lang ako ng paraan para masorpresa sya. Nagpatulong ako kay Yoona at Seohyun kaya naging ganun kaganda ang resulta. Tiningnan ko naman yung isa ko pang daliri na may band aid ulit kasi nahiwa ng gunting matulis kasi. Bale nasa isa kong kamay lang lahat ng sugat ko.

Tapos tinawanan nya lang ako. Ayos na sana kasi may pasalubong sya tapos masayang masaya na ako nun. Pero nawala lahat ng tinawanan nya ako. Sana pala di na lang ako nag effort.

Yuri's POV

"Kasi luto ko yun.",sabi nya at nilampasan ako. Lumabas na sya ng tuluyan sa kwarto ko. Nalungkot naman agad ako bigla. Nakakakonsensya naman kasi kahit naman ganto ako kasiga na a-appreciate ko rin naman ang mga ginagawa ng mga tao para sakin.

Naging harsh na naman siguro ako. Nak ng di ko naman kasi alam na sya ang nagluto nun. Pano na yan galit na talaga sya sakin. Tsk. Ano bang paki kung magalit sya sakin?

Humiga ako sa kama ko. Itutulog ko na lang muna to at bukas ko na lang hahanapan ng solution yung kay Minho. Masyado ng maraming nangyari ngayong araw. Pinikit ko na ang mga mata ko. Dinilat ko ulit at nakita ko ang mga bituin na pinaghirapan ni Minho ,ang cupid ko.

Napabangon ulit ako. Di to pwede kelangan ko tong ayusin ngayon agad kasi di rin naman ako makakatulog kung ipagpapabukas ko pa. Lumabas na ako ng kwarto ko at nagmadaling naglakad papunta sa kwarto nya. Nasa mismong harap na ako ng pinto nya. Tae. Sa totoo lang di ko naman talaga ugali ang umamin ng kamalian at humingi ng tawad. Pero iba kasi ngayon eh kay Minho ako may kasalanan.

Huminga muna ako ng malalim. Di naman naglolock si Minho ng pinto kaya di nya ko pwedeng ipagtabuyan at magkunwaring natutulog. Binuksan ko na at pumasok na rin. Ni lock ko yung pinto para walang istorbo. Walang istorbo sa paghingi ko ng sorry. Hayy. Tae. Di ako sanay.

Nakahiga na sya. Nakapikit yung mga mata nya. Tulog na pala sya? Agad? Pero bahala na alam kong magigising din sya mamaya sa gagawin ko. Ano bang nangyayari sakin? Ang weird ko.

Humiga ako. Medyo ramdam kong nagulat sya pero nakapikit pa rin yung mga mata nya. Huli ka! Ako pang lolokohin mo ha.

Magkatabi nga kami ngayon. Teka di ba parang ang awkward naman. Pero wala man lang akong ma feel na awkwardness. Feel ko nga na safe na safe ako sa tabi nya.

"Alam kong gising ka. Di ako aalis hangga't di ka nagsasalita.",sabi ko.

Ano na naman bang kapraningan ang pumasok sa utak ko? Pahamak talaga. Di pa rin sya umiimik.

"Sorry na. Di ko naman kasi alam eh. Galit ka pa ba? Uy. Thanks nga pala ang ganda ng ginawa mo sa kwarto ko.",sabi ko.

Di pa rin sya umimik. Babangon na sana ako nang bigla nya akong pigilan. Kinabahan naman po ako. Ano ba yan baka atakihin na ako sa puso dahil sa ka abnormalan ng pagtibok nito ha?!

Hinawakan nya yung kamay ko kaya nanatili akong nakahiga. Di pa rin sya umiimik. Galit pa rin ba sya?

"Magsalita ka naman.",sabi ko at humarap sa kanya. So nakaharap nga ako sa side nya.

"Tanggap mo na ang sorry ko?",asar kong tanong. Bigla syang humarap sakin. Nagkatitigan kami. Napalunok akonng wala sa oras.

"Oo na. Basta dito ka matutulog ha.",sabi nya at ngumiti. At para akong asong tumango. Magkaharap pa rin kami at kinumutan nya ako.

"Bat di ka nagsasalita kanina pa?",tanong ko.

Ramdam ko ang paghinga nya. Lahat ba ng cupids at angels ay gwapo at maganda? Ang hirap huminga.

"Kasi sabi mo pag di ako nagsalita di ka aalis. Ayokong umalis ka kaya di ako nagsalita."

Her Stupid Cupid(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon