HSC Chapter 31

204 9 0
                                    

Her Stupid Cupid
Chapter 31- Ang nauna

Minho's POV

"Hello? Siga?",sabi ko. Binabaan nya na pala ako. Ano bang problema nya at naninigaw na naman sya? Tawagan ko kaya ulit. Kaya dinial ko yung number nya pero di na sya ma contact.

Akala ko ba may lakad sila ni Nich ngayon kaya nga niyaya ko na lang si Vic para di na magtaka at di na rin kawawa. Hayy. Di ko talaga ma gets tong si Yuri. Sabi nya dapat lagi kong kasama si Vic tapos ngayon parang galit naman sya. Ayy ewan.

"Tara na.",yaya ni Vic. Kaya lumakad na kami. Sa may malapit na kainan lang kami nagpunta.

Habang naghihintay kami sa order namin ay sinimulan ko na ang gusto kong gawin at ang rason ko kung bat ko sya inaya ngayon.

"Vic.",panimula ko. Napatingin sya sakin agad.

"Ilang taon na kayo magkakilala ni Yuri?",tanong ko. Nag isip muna sya.

"More than ten years na.",sagot nya.

Matagal na pala talaga silang magkaibigan ni Yuri kaya pala ayaw na ayaw ni Yuri na masaktan si Vic.

"Kapatid na ang turing naming dalawa. Mahal na mahal ko si Yuri. Mahalaga sya sakin. Sya yung taong gusto kong andyan sa lahat ng parte ng buhay ko. Kahit ganun ang dating nya na parang walang paki at siga alam ko at ramdam kong mahal nya rin ako. Lagi syang andyan para sakin. Walang palya.",sabi nya at ngumiti.

Pero pano kung malaman mong may ginagawang di maganda si Yuri sayo?

"Vic pano kung may nagawang kasalanan sayo si Yuri. Mapapatawad mo ba sya?",tanong ko. Nakatitig sya sakin na para bang nag iisip ng isasagot.

"Depende.",sagot nya. Napatulala ako.

"Pero syempre di naman gagawa ng isang bagay si Yuri na ikakasakit ko kasi mahal ako nun. Di nya ako ilalagay sa kapahamakan.",dagdag nya.

Nakokonsensya ako sa ginagawa namin. Alam kong ginagawa lang naman namin ang tama pero tama pa nga ba ang lahat kung sa proseso ay may masasaktan? Ang mas masakit pa nyan kahit saang anggulo tingnan si Yuri ang magiging masama sa lahat.

"Vic.",tawag ko ulit at hinawakan ang isa nyang kamay.

Nagtataka sya sa ginawa ko.

"Ipangako mo sakin na kahit anong mangyari mananatili ka sa tabi ni Yuri. Alagaan at mahalin mo sya. Wag kang magsasawang intindihin sya kahit minsan ang labo labo nya na. Suportahan mo sya lagi. At sana wag na wag mong hahayaang malungkot sya ng napakatagal. Ayos lang syang umiyak ng isang magdamag pag lumampas na di na yun pwede.",sabi ko at pinipigilan ang sariling maiyak.

Iniisip ko pa lang na malapit na akong umalis parang mawawasak na ang buong pagkatao ko.

"Teka bat mo to sinasabi sa akin? Aalis ka ba? Malayo ba? Kelan ka babalik?",naguguluhang tanong nya. Ngumiti ako ng pilit.

"Di ko alam kung makakabalik pa ako. Basta ipangako mo sakin ha?",sabi ko.

Huminga sya ng malalim. Kitang kita ko ang kalungkutan sa mga mata nya.

"Alam nya na ba?",tanong nya.

"Oo alam nya ng aalis ako.",sagot ko.

"Hindi yun. Alam nya bang mahal mo sya?",tanong nya.

Napatigil ako. Mahal ko si Yuri? Bigla kong naalala yung mga panahong magkasama kami. Ang pagturo nya sakin ng sayaw. Ang panonood namin ng mga bituin. Ang makasama sya sa pagtulog. Ang paghintay ko sa theme park. Ang mga yakap at masasayang alaala na sya ang may gawa. Ang mga bagay na di ko malilimutan.

Akala ko gusto ko lang sya. Pero pagmamahal na pala ang tawag dun. Tama mahal ko si Yuri. Pero mali ang nararamdaman ko.

"Di nya na kelangan pang malaman ang nararamdaman ko.",sagot ko.

Masisira ang lahat pag nalaman nya ang nararamdaman ko. Tiyak kong maguguluhan sya. May mga bagay na dapat nalang panatilihing lihim para di na magkagulo pa. Isa ang damdamin ko sa mga bagay na yun.

**

Nakatitig ako sa kanya. Nakasimangot na naman sya. Pero kahit ano namang itsura nya sya pa rin ang Sigang Yuri ko. Ang pinakamagandang nilalang sa lahat.

"Kain tayo Siga! Libre ko.",sabi ko kasi hapunan na. Gusto ko rin kasing sulitin ang huling isang linggo ko dito sa mundo nila. Diba yun naman ang pinag usapan namin na sa loob ng dalawang linggo makakabalik na ako sa pagiging cupid. Ang bilis lang pala ng dalawang linggo akala ko mahabang panahon yun.

Nakatingin sya sakin ng masama tapos biglang ngumisi. May pakiramdam ako na may binabalak na naman tong kababalaghan. Teka nga bat ba kasi sya galit sakin?

Kinuha nya ang cellphone nya at nag dial. Ewan ko ba kung bakit andito pa rin ako naghihintay sa susunod nyang gagawin. Kasi nga di pa nya pa pala ako sinasagot sa aya ko.

"Hello. Nich?",si Yuri.

Nanlaki ang mga mata ko at parang nang init ang mga tenga ko. Bat nya ba tinatawagan si Nich?

"Pwede ka ba ngayon? Di pa ako nagdidinner.",si Yuri.

Wala na, parang naiinis ako na ang sarap kunin ng cellphone nya at ihagis pero di ko yun gagawin kasi wala naman akong dahilan. Ah! Meron nga pala akong rason kasi nga ako yung nag aya tapos nagyaya naman sya ng iba. Hayy. Ewan ko sa kanya.

Tumalikod na ako at lumabas ng kwarto nya nang padabog. Bat ba ako nagkakaganto? Ito na ba yung tinatawag nilang selos? Bat pa nga ba ako magtataka kung inamin ko na sa sarili kong mahal ko na sya. Normal lang naman to. Pero para sakin hindi. Kaya di maaari. Dapat pigilan.

"Hoy Minho!",sigaw ng nasa likod ko kaya napatigil ako. Kahit nakasigaw sya ayos lang basta pinapansin nya ako. Para namang akong sira na para bang nawala lahat ng inis ko na kanina lang ay umaapoy.

"Oh ano?!",sigaw ko rin habang nakatalikod pa rin ako. Ang sunod ko nalang nalaman ay nasa harapan ko na sya. Wow. Ang bilis talaga nito.

"Teka! Sinisigawan mo ba ako?! Aba! Sumosobra ka na ah!",sigaw nya. Ano nalang ang itatawag ko sa ginagawa nya? Diba sigaw din yun?! Tsk.

"Ikaw ang sumosobra! Ako yung nag aya tapos ikaw magyayaya ng iba?! Sinong di maiinis ha?!",sigaw ko. Kami na ang nagsisigawan. Buti na lang at may lakad ang mga kapatid nya ngayon at kami lang dalawa ang nandito.

"Eh ikaw naman nagsimula ah! Kanina yayayain na sana kita tapos bigla mo na lang tinawag si Vic at niyaya syang mag lunch. Sinong di maiinis ha?! Pakisagot nga!",sya na grabe ang galit kasi pulang pula na ang mukha nya. Kung di lang sya seryoso baka tumawa na ako kasu para syang kamatis sa pula.

So galit sya dahil dun? Wala naman kaming ginawa ah. Pinagbilin pa nga kita sa bestfriend mo. Pero bakit parang masaya pa ako ngayong galit sya sakin dahil sa rason nya.

"Yun lang pala eh! Anong kinagagalit mo?!",tanong ko.

Nanlaki ang mga mata nya. Iniinis ko lang naman sya.

"Yun lang?! Wow grabe ka ha! O sige aamin na ako. Nagseselos ako.",sabi nya. Napangiti ako ng bahagya at kinuha yung kamay nya. Tinulak ko sya papunta sakin at niyakap.

Wala akong pakielam kung bakit sya nagseselos dahil ba natatakot sya mawalan ng kaibigan o kung ano pa man. Basta alam ko mahalaga ako sa kanya. Di ka naman magseselos kung di mahalaga ang tao sya diba?

"Wala ka namang dapat ikaselos eh. Ikaw pa rin naman ang pinakamahalaga para sakin."

Her Stupid Cupid(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon