HSC Chapter 1

1.6K 43 7
                                    

Her Stupid Cupid

Chapter 1-Goodbye Heaven,Welcome to Tondo?!

 

Agape's POV

Ba't ang init?At ang ingay pa.Teka, dahan dahn kong minulat ang mga mata ko.At bumungad sa akin ang marumi at maingay na lugar na ito.

Ito siguro yung sinasabi nilang Tondo.Eh ba't dito ako naglanding?!Diba wala na dito si Yuri?!Pano ko mauumpisahan tong misyon ko?!Pinagmasdan ko ang sarili ko.Kinapa kapa ko yung mga parte ng katawan ko.Teka ba't sumasakit ang tiyan ko?!Anong nangyayari?!

Burffffffffffffffffffffffffffffff~

At tumunog pa?!Ano yun sasabog ba ang tiyan ko?!Natataranta na ako.Naglakad lakad ako.Nang sa kalalakad ko ay may nakita akong importante sa misyon ko.At wala na ngang iba kundi si Yuri.Tumalon ako para lumipad na.Ayy, oo nga pala wala na akong pakpak kaya ang landing ko ay sa putik. -_____________-

Kasali ba to sa parusa?!Yung mga kamalasan?!O shunga lang talaga ako?!Kaya tumakbo na lang ako.Aray.Teka ang sakit ng paa ko.Pagtingin ko ay wala pala akong suot ng katulad nila na pang paa.Tsk.Tsk.Talaga tong si Lord hindi na lang kinompleto ang get up ko.Kahit lubak lubak ay tumakbo pa rin ako.

"Yuri!", sigaw ko.

At lumingon siya.

Hala ba't ganun siya makatingin.Yung parang nanakot?!

Yuri's POV

Napasyal ako dito sa Tondo ngayon.Kinakamusta ko yung mga ka tropa ko kung may nanakaw ba sila.Eh joke lang.Syempre nagbagong buhay yung master edi magbabagong buhay din yung mga alalay.Chinecheck ko lang kung nakakadelehensya sila kahit papano.Mabait naman ako kahit papano.May concern ako sa kanila.Sila kaya yung naging pamilya ko ng hinid ko pa nakikilala yung mga kapatid ko.

Papauwi na ako ng biglang may tumawag sa akin.

"Yuri!", sigaw niya.

Nilingon ko naman agad.

Tiningnan ko siya na napakaangas.Sino ba tong alien na to?!Parang galing sa mental yung suot.Yung all white.Anong kelangan nito sa akin?

"Oh anong kelangan mo?! Magpapa autograph ka ba sakin?!", tanong ko habang nakapamewang sa kanya.

"Huh?!Anong autograph?!",tanong niya.

O_______________O

WOW!Autograph, di alam?!Eh anong kelangan nito?Baka manlilimos.

Her Stupid Cupid(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon