HSC Chapter 34

218 7 1
                                    

Sorry po sa maikling update. Babawi po ako promise! :) Sana po magustuhan nyo.

Her Stupid Cupid
Chapter 34-Pamamaalam

Yuri's POV

Nakasakay na kami sa bus na papauwi ng Maynila. Tapos na ang limang araw na pagtakas namin sa realidad. Limang araw na para bang limang oras lang. Bat ang bilis ng oras pag nag eenjoy ka?

Kahit saglit lang ang limang araw ay masayang masaya ako dahil kasama ko sya. Dahil nagawa namin ang mga bagay na di pa nya nagagawa. Nakakatawa nga kasi takot na takot syang sumakay ng kabayo pero sa huli napilit ko pa rin sya. Kumain din kami ng ice cream kahit malamig na malamig ang panahon. Naghabulan sa fog. Masayang masaya ako. Dahil ako yung kasama nya sa mga gantong pagkakataon.

Napatingin ako sa kanya. Tahimik lang sya. Ano kayang iniisip nya? Huminga ako ng malalim.

"Nag enjoy ka ba sa bakasyon natin?",tanong ko. Tinitigan nya ako at ngumiti.

"Salamat sa mga magagandang alaala.",sagot nya.

Bat ba ako nalulungkot? Dapat nga masaya ako diba dahil nag enjoy sya? Pero bakit parang ang bigat bigat sa pakiramdam?

Nginitian ko sya kahit pilit lang. Gusto ko kasing maparamdam sa kanyang ayos lang ako. Na di ako apektado. Na masaya akong babalik na sya sa pagiging cupid.

"Buti naman para may mabaon kang maganda galing sa mundo namin.",sabi ko.

Nagkatitigan kami. Marami akong gustong sabihin pero di ko kayang simulan. Di ko kayang pakawalan mula sa bibig ko.

Hinawakan nya ang kamay ko.

"Maraming maraming salamat Yuri. Masayang masaya akong nakasama ka. Sorry kung naging sakit ako ng ulo mo at nakagulo ako.",sabi nya.

Nagsisimula na ba syang magpaalam sakin? Di ko makayanang makipagtitigan ng matagalan sa kanya. Kaya napayuko ako baka kasi bigla nalang tumulo ang mga luha ko.

"Alagaan mo ang sarili mo ha. Di dahil siga ka di mo na kelangan ang tulong ng iba. Ang tunay na matapang ay yung kayang makisama sa iba. Kelangan mong makabuo ng isang pangkat ng mandirigma na sasamahan ka sa araw araw mong pakikibaka. Dahil ang tunay na laban ay ang araw araw mong pamumuhay. Pwede kang magtiwala sa mga taong nakapaligid sayo. Di mo makukuha ang kaligayahan ng mag isa.",sabi nya.

Di ko masyadong ma gets ang lahat ng sinabi nya. Basta ang naintindihan ko lang ay ang makisama ako. Na pagkatiwalaan ko ang mga kapatid at kaibigan ko dahil sila lang ang maasahan ko.

Tumango ako at nginitian sya. Kahit aalis na sya ako pa rin ang iniisip nya. Nakakalungkot kasi na hinayaan kong masanay yung sarili ko sa mga bagay na di naman talaga magtatagal.

"Masaya ka ba dahil bukas babalik ka na?",tanong ko.

Sumeryoso ang itsura nya.

"May mga bagay na dapat mangyari kahit di mo man ito ikasasaya. May mga bagay na kelangan mangyari para mabalik lahat sa ayos. Masaya man ako o hindi, di na yun mahalaga sa ngayon dahil ang tanging mahalaga ay ang mabalik sa dati at tama ang lahat.",sagot nya sakin.

Diba ang mahalaga naman talaga sa lahat ay ang maging masaya? Yun naman talaga kasi ang gustong ma achieve ng lahat ng tao. Oo nga naman pala nakalimutan kong di naman pala sya tao.

"Basta ako masayang masaya ako sa mga sandaling kasama kita Minho. Masaya akong tulungan ka.",sabi ko at nginitian sya.

Ngumiti sya at ginulo ang buhok ko. Mula nun di na kami nagsalita pa. Mahabang mahaba ang byahe papauwi pero kahit ni isang sandali di ako nakaramdam ng pagod. Ayokong ipikit ang mga mata ko kasi feeling ko sa mga sandaling to di dapat sinasayang. Nilingon ko si Minho. Napagod ata sya at nakaidlip na.

Kinuha ko yung ulo nya at sinandal sa balikat ko. Napatingin ako sa mga kamay naming magkahawak pa rin. Bukas di ko na to mahahawakan pa. Wala ng mga kamay na handa akong saluhin pag natutumba o nahuhulog ako. Wala ng mga kamay na hihilahin ako at bibigyan ng mahigpit na mga yakap.

Bukas maraming mangyayari. Bukas haharapin ko na ang realidad. Bukas matutupad ko na ang gustong mangyari ni Minho.

At simula bukas haharapin ko ang mundo na walang Minho sa tabi ko.

Her Stupid Cupid(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon