HSC Chapter 23

236 8 1
                                    

Her Stupid Cupid

Chapter 23-Together

 

Nich's POV

"Let's date. Exclusively.",sabi ko. Nanlaki ang mga mata nya.

"I mean let's just date secretly. Then evaluate our feelings.",paglilinaw ko. Di kasi talaga ako matahimik sa tanong nya kahapon. Kung ibang tao yung nagtanong syempre wala lang yun sakin pero dahil siya mismo ang nagtanong sakin kaya naging komplikado para sakin ang lahat.

"Pagtataksilan natin si Vic? Are you crazy?",sabi nya habang tumatayo kaya napatayo na rin ako. Sabi ko na nga ba at ito ang iisipin nya.

"It's not like that Yuri. You will help us to make our relationship stronger after all. Kelangan kong maging hundred percent sure sa nararamdaman ko bago kami ikasal. Ayokong magdusa sya at magkalabuan pag kasal na kami.",sagot ko.

Gusto ko kasing pag kasal na ako si Vic lang talaga yung mahal ko at wala ng iba. Gusto kong malaman na rin kung may feelings pa rin ba ako para kay Yuri.

"Please Yuri. Let's just try.",dagdag ko. Para akong baliw na nagmamakaawang patulan ako ng isang babae para pagtaksilan ang girlfriend ko. Pero para rin sa amin to ni Vic.

"Okay. Pero pano kung pagkatapos nitong gagawin natin maprove mong ako ang mahal mo. Anong gagawin mo? Anong kaya mong gawin para sakin?",tanong nya. Napahinto ako sa sinabi nya. Tama ano nga ba ang gagawin ko pag nalaman kong mas mahal ko sya? Wala pa akong plano.

"See. Di mo nga alam ang gagawin mo.",sabi nya at aalis na sana pero pinigilan ko sya. Hinawakan ko ang kanang kamay nya.

"I'll do the right thing.",sabi ko. Do the right thing? Sounds crazy di ko nga alam kung ano na ang tama sa mali. Shit. Nangyayari lang to pag patungkol kay Yuri. Do I still love her? How about Vic?

Yuri's POV

Isang linggo. Eksaktong isang linggo na ang nakalipas ng mag usap kami ni Nich. Araw araw nya na akong tinetext,tinatawagan at pinupuntahan. Lagi kaming magkasama. Oo. Pumayag ako pabor naman yun sakin. Mas mapapabilis ang pagtapos namin nito.

Isang linggo na rin at di pa rin kami nag uusap o nagpapansinan ni Minho. Bahala sya sa buhay nya basta ginagawa ko yung part ko. Nagtataka na ang mga tao sa bahay kung bakit walang pansinang nagaganap samin. Di na lang ako sumasagot. Halos di na rin kami nagkikita kasi nga may trabaho na sya at laging kasama si Vic.

Kahit malabo sakin ang pagiging cold nya bigla sakin ay di ko na tinangka pang magtanong sa kanya. Kapagod ding magpakababa ng pride ha. Di ko yun ugali pero nagawa ko yun sa kanya. Tama na yun. Once is enough.

Nasa labas ako ng building ng Entertainment na pinagtatrabahuan ko. Papauwi na rin ako pero nga lang magcocomute lang muna ako kasi nasira yung sasakyan ko.

Naghihintay na lang ako dito na may maligaw na taxi nang may huminto mismo sa harapan ko.

Napangiti ako kasi alam na alam ko naman kung sino to. Binaba nya ang bintana. Bumungad agad sakin ang gwapo nyang mukha. Yung di na kelangan pa ng kaartehan sa katawan kasi mata at ngiti pa lang nya ayos na. Nag wave sya. Sumakay naman agad ako. Nagiging easy to get yata ako ngayong mga nakaraang araw. Aishh. Bahala na sasakyan ko na lang ang trip nya kasi yun din naman ang trip ko.

"San tayo?",sabi ko.

"Secret.",sagot nya. Tss. May pa secret secret pa syang nalalaman. Bilib din ako sa cheating skills nitong lalaking to kasi kahit magkasama kami palagi eh di naman napapansin ni Vic na may nangyayari ng mali.

"Di ba nagdududa si Vic?",tanong ko.

"Thanks to Minho. Busy sya sa trabaho nya kasama yung friend mo.",sabi nya habang nasa daan pa rin ang mga mata.

Napatingin ako sa bintana. Oo nga pala si Minho. Ginagawa nya talaga ng mabuti ang part nya. Tama lang naman yun kasi sya naman ang may kasalanan ng lahat ng to. Perobakit nalulungkot ako na kasama nya si Vic? Na ginagawa nya ang lahat para makabalik agad sa pagiging cupid.

Nang masabi nya yun di na ako nagsalita pa. Naging tahimik na rin ang atmosphere hanggang sa makarating na kami sa destination namin. Nauna syang bumaba para pagbuksan ako. Gentleman talaga sya kaya di ko maiwasang kiligin ng konti.

"Date ulit?",sabi ko ng makitang nasa isa kaming exclusive garden tapos may nakitang table na nakaset up na pang date sa may parang stage na bato. Nung isang araw lang kasi nag date rin kami.

"Yes. I wanna date you everyday. Di ko nga lang magawa kaya every other day lang.",sabi nya at ngumiti.

Tiningnan ko ang paligid. Maganda sya. Mahilig syang gunastos ng malaki para lang sa mga gantong date. Nung isang araw sa isang five star hotel naman kami nag date. Mahal sya magmahal.

Hinawakan nya ang kamay ko. Kaya napatingin ako sa kanya.

"Let's walk together. From now on."

Her Stupid Cupid(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon