HSC Chapter 27

219 10 1
                                    

Her Stupid Cupid
Chapter 27-Vic

Yuri's POV

"Siga tulala ka. Nakakatakot ka na.",si Vic. Napatingin ako sa kanya. Nag aya kasi syang magkita kami sa coffee shop. Namiss nya na raw kasi ako.

Sa tuwing tinititigan ko ang mga mata nya ay kinakain ako ng konsensya. May nagsasabing ang kapal kapal ko at ang sama sama ko sa bestfriend ko dito sa loob ng pagkatao ko.

"Ah. Vic pano mo malalaman kung mahal mo ang isang tao?",tanong ko na lang. Ngumiti sya.

"Uyy. Lovelife is coming!",masayang sabi nya. Nalulungkot ako ng konti kasi di nya alam na ang boyfriend nya ang tinutukoy ko. Sorry Vic dapat ko lang talaga tong gawin.

Tumikhim muna sya bago nagsalita ulit.

"Ano. Malalaman mong mahal mo na ang isang tao kung lahat ng di mo ginagawa ay nagagawa mo pag sya na ang pinag uusapan. Tapos kahit mali gagawin mo para sa kanya. Masaya ka pag kasama mo sya. At wala kang di kayang gawin para sa kanya kahit may masaktan ka pa basta para sa kanya gagawin mo.",sabi nya.

Mahal ko na nga ba si Nich? Kaya kong magsinungaling kay Vic para makasama sya. Kahit alam kong mali ginagawa ko pa ring makipag date sa kanya. Masaya ako pag kasama ko sya. Pero sapat na ba yun? Para kasing may kulang.

"Vic pano kung pinagpatuloy ko to at may masasaktan na di ko naman talaga gustong masaktan?",tanong ko. Uminom muna sya ng milk tea nya.

"Ang tanong kelangan ba talaga nyang masaktan?",tanong nya sakin.

Oo Vic bago ko mabawi si Nich kelangan mo munang masaktan. Walang ibang simpleng paraan.

"Normal lang bang maging selfish pag nagmamahal Vic?",tanong ko.

Napatameme sya. Nakatingin lang sya sakin at huminga ng malalim.

"Sa totoo lang Siga di ko alam kung tama ang maging selfish pero normal lang yun. Normal lang na makasakit ka ng iba at normal lang ang masaktan ka.",sagot nya.

Nasasabi mo lang yan kasi di mo pa alam ang nagawa ko sayo Vic. Kalmado lang tayo kung makapagbitaw ng mga salita kung wala naman tayo sa mismong sitwasyon.

"Vic pano kung may nagawang kasalanan sayo si Nich? Like may iba syang babae?",sabi ko.

Kinakabahan ako pero di ko pinapahalata. Ano nga bang gagawin mo? Gusto kong malaman Vic.

"Ano ka ba kilala mo si Nich hindi sya ganyan. Hindi nya ako kayang lokohin. Mahal na mahal ako nun.",sabi nya sabay ngiti.

Nagawa nya na Vic. Sorry dahil ako yung babae nya. Ang sakit palang makita syang parang tangang umaasa sa isang bagay na sirang sira na pala.

"Pano nga kung ganun ang mangyari Vic?",tanong ko. Seryoso ako kasi ako ang nagsimula ng gulong to.

Tinitigan nya ako. Seryoso na rin sya.

"Wag naman sana. Di ko kakayanin baka ikamatay ko.",sagot nya.

Kinabahan ako. Tae. Tama ba tong iniisip ko? Na pag nalaman nyang niloloko sya ni Nich ay magpapakamatay sya?

"Hoy! Vic magpapakamatay ka dahil sa lalaking yan? Ano ka ba?! Walang perfect na relationship. Walang perfect couple. Nasa realidad tayo pwedeng mangyari lahat.",sabi ko.

Kasi natatakot ako sa iniisip nya. Di ko kakayanin na maging rason kung bakit nya wawakasan ang buhay nya. Hinawakan nya ang kamay ko at pilit na ngumiti. Nakakamatay ang mga totoo nyang ngiti. Pinapatay ako ng konsensya ko.

"Kaya nga di yun magagawa ni Nich.",sabi nya.

Ano ba tong pinasok ko?

**

Umuwi ako sa bahay na iniisip pa rin ang pag uusap namin ni Vic. Paulit ulit sa utak ko ang mga huling sinabi nya. Naiipit ako sa sitwasyon. Parang kahit saang anggulo ako yung mali. Wala akong takas at wala akong malalabasan.

Naabutan ko si Minho na nakaupo sa sofa at umiinom ng yakult. Tinitigan ko sya. Bakit ko nga ba to ginagawa lahat? Para lang ba to sakin? Dahil gusto kong itama yung pagkakamali nya? O dahil gusto kong matulungan sya?

Alam mo kung ano ang pinakamahirap sa paggawa ng isang bagay? Yun yung di mo alam ang totoong dahilan kung bakit mo gingawa ito. Kaya minsan nakakapraning at nakakalito.

"Uy siga! Gusto mo?",aya nya sakin. Lumapit ako sa kanya at tumabi.

Tahimik lang ako kasi ayokong mag open ng topic na may kinalaman sa lecheng mission na yan.

"Sorry kung na pre-pressure kita.",sabi nya. Tahimik pa rin ako. Sa ngayon wala akong gustong isipin maliban sa kung pano ko di masasaktan si Vic. Ayokong makasakit di dahil yun ang tama. Kelan ba ako naging tama? Wala akong paki sa tama at mali dahil konsepto lang naman sila gawa gawa lang ng tao. Ayoko syang masaktan dahil mahal ko si Vic. Kapatid na ang turing ko sa kanya.

"Ipangako mong lagi kang nasa tabi ni Vic sa mga susunod na mga araw. Ayokong malaman nya. Ayokong masaktan sya. Gagawa ako ng paraan para matapos ang mission ng di nya nalalamang ako ang may gawa.",sabi ko.

Pano ko nga ba yun gagawin ng di nalalaman ni Vic? Gulong gulo ako. Sa sobrang gulo kulang nalang magkabuhol buhol ang brain tissues ko kung meron mang ganun.

Hinawakan ni Minho ang magkabilang side ng pisngi ko at hinarap nya ako sa kanya. Nginitian nya ako.

"Magkasangga tayo dito Yuri. Haharapin natin to ng magkasama. Di ko alam ang iniisip mo pero ramdam na ramdam kong gulong gulo ka na. Kaya sana tandaan mong nandito ako.",sabi nya at hinalikan ako sa noo.

Napapikit ako at palihim na napangiti dahil alam kong nabawasan ang pasan ko.

Niyakap nya ako ng napakahigpit. Feeling ko nawala lahat ng iniisip ko at ramdam kong safe na safe ako sa yakap nya. Alam nya talaga kung paano ako pakakalmahin. Ngayon alam ko na kung bakit ko to ginagawa.

**

Comments and votes are highly appreciated :)

Her Stupid Cupid(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon