HSC Epilogue

477 10 2
                                    

Unang-una sa lahat gusto kong magpasalamat sa lahat ng suporta. Kahit na grabe ang delay ko sa pag ud sinuportahan nyo pa rin ako. Pangalawa ay sana irecommend nyo to sa mga friends nyo kung feel nyo naman. Pangatlo sana mag comment at vote kayo. Pang apat basahin hanggang sa huli. Labyu ♡♥♡

Her Stupid Cupid
Epilogue

Yuri's POV

Pilit kong minumulat ang mga mata ko. Tumambad sa akin ang nakakasilaw na kulay puti at ilaw sa paligid ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Nasan ba ako?

Igagalaw ko na sana ang kanang kamay ko nang maramdaman kong may kung anong nakakonekta dito.

"Siga?",si Tiffany.

Di pa rin magawang masanay ang mata ko sa nakakabulag na ilaw. Feeling ko matagal akong nakapikit kaya nakakapanibago.

Napansin kong nandito rin ang mga kapatid ko at natutulog. Bumangon ako at umupo.

"Nasan ako?",tanong ko.

"Nasa ospital tayo. Dalawang araw ka ng walang malay. Nag-alala nga kami sayo kasi kahit anong gising namin sayo di ka magising kaya dinala ka namin dito.",si Jessica.

Dalawang araw? Ganun katagal? Si Minho?!

"Si Minho? Nasan si Minho?",tanong ko. Kinakabahan ako sa magiging sagot nila. Bat di mo ko ginising Minho?!

Nagkatinginan silang dalawa.

"Sinong Minho?",takang tanong nila.

Puno ako ng pagtataka. Anong ibig sabihin nito?

May biglang pumasok si Vic at Nich. Sila baka alam nila kung nasan si Minho.

"Buti na lang at gising ka na.",sabi ni Vic. Tinanggal ko yung mga nakakabit sakin at nilapitan silang dalawa.

"Dahan dahan lang baka mapano ka.",saway sakin ni Nich nang muntikan akong mawalan ng balanse.

"Nasan si Minho? Nakita nyo ba sya?",tanong ko.

Nagkatitigan silang apat. Napakamot sa ulo si Nich.

"Sino ba yang hinahanap mo? May atraso ba yan sayo?",si Nich.

Nanlumo ako sa sinagot nya. Bat di nila maalala si Minho?! Nakakainis.

May biglang pumasok. Di ko sya kilala.

"Oh tanungin mo yang boyfriend mo baka alam nya kung sino yang hinahanap mo.",si Vic.

Boyfriend?! Lalong sumasakit ang ulo ko at sumisikip ang dibdib ko sa mga pangyayari. Di ko maintindihan. Wala akong maintindihan.

Papalapit na sya sa akin at niyakap ako.

"Buti na lang at nagising ka na.",sabi nya habang hinigpitan pa ang pagkakayakap.

Tinulak ko sya. Si Minho lang ang pwedeng yumakap sa akin.

"Sino ka ba?!",asar kong tanong. Nanlaki ang mga mata nya at parang namutla.

"Ako to si Kurt. Si Kurt na nagpalambot sa puso ng Sigang si Yuri.",sabi nya at ngumiti.

Parang umiikot ang mundo ko. Ano ba talagang nangyayari?!

"Kanina pa yan. Ang weird.",si Jessica.

"Aalis muna ako. Vic pahiram ng kotse.",sabi ko at inabot nya naman ang susi kahit naguguluhan sya. Sa tono pa lang kasi ng pananalita ko ay malalaman ng seryoso ako.

Wala na akong paki kung naka hospital gown ako at nakapaa lang. Tinakbo ko na ang papuntang parking lot.

Habang nagda-drive ako ang dami kong tanong. Pero nangingibabaw dun ang tanong kung nasan na ba si Minho? Ang stupid cupid kong minahal. Habang iniisip sya at ang mga alaala namin ay hindi maiwasang tumulo ang mga luha ko.

"Hintayin mo ko Minho.",sabi ko habang binibilisan ang pagdadrive.

Ilang minuto pa ay narating ko na ang bahay. Walang tao kasi nasa ospital lahat. Umakyat na ako sa kwarto ko. Pero walang Minho na naghihintay sa akin.

Naupo ako sa kama at umiyak nang umiyak.

"Nasan ka na?! Sabi mo gigisingin mo ko?! Diba 5 minutes lang ako dapat matulog?!",sabi ko habang patuloy sa pag-iyak.

"Alam mo bang di ko pa nasasabi sayong mahal na mahal na mahal na mahal kita. Na kahit na natatakot akong mawala ka isang ngiti mo lang nawawala yung takot na yun. At kahit na alam kong masasaktan ako sa huli sinugal ko pa rin ang puso ko. Mahal na mahal na mahal kita, Minho!",sigaw ko.

"Naririnig mo ba ako?! Sabi ko mahal na mahal na mahal kita! Magpakita ka naman oh!",dagdag ko pa habang nakatingin sa itaas.

"Makalimutan ka man nila wag kang mag-alala di kita kahit kelanman makakalimutan.",sabi ko habang umiiyak.

Natapat ang mga mata ko sa malaking teddy bear na binigay nya sa akin. Nilapitan ko ito at kinuha. May nalaglag na kung ano kaya pinulot ko.

Isang card na may letter sa loob. Nakita kong nandito ang litrato namin ni Minho. Galing to sa kanya! Binasa ko agad. Sa bawat salita ay parang hinihiwa ang puso ko. Kusang umagos ang mga magagandang alaala naming dalawa. Napatakip ako nang labi dahil nanginginig na ako sa kaiiyak.

Biglang may pumasok sa kwarto ko. Sa mukha pa lang nya ay alam kong nag-aalala sya sa akin. Dali-dali nya akong nilapitan at niyakap kaya nabitawan ko ang sulat. Wala akong magawa kasi sa pagkakataong ito kelangan kong may magsilbing suporta sa akin kasi di ko kaya.

"Di mo ba talaga ako maalala? Ako to si Kurt.",sabi nya habang nakayakap sa akin.

Mas lalo akong napaluha. Ano bang nangyayari sa buhay ko? Ito na ba yung parusa?!

**
Minho's letter:

Siga. Mahal kong siga. Aking sigang Yuri. Yuri ko. Ang sarap pakinggan diba lalo na kung galing sa akin. Mahal na mahal na mahal kita. Di ko man nasabi sayo pero pinakita at pinadama ko naman sayo. Sa bawat yakap, hawak-kamay at pagsalo ko sayo ay pinadama ko kung gaano kita kamahal.

Dati di ko maintindihan ang mga tao kung bakit sila nagpapakabaliw sa pag-ibig. Nang dahil sa pagmamahal ay nakakagawa sila ng mali. Pero ngayon naiintindihan ko na. Kasi sa maling yun naging masaya ako.

Kung binabasa mo na to ngayon siguradong wala na ako sa tabi mo. Di ko alam kung anong mangyayari. Di ko alam kung maalala mo pa ba ako o hindi. Di ko alam kung makakabalik pa ba ako o hindi. Pero sana tandaan mo na kahit anumang mangyari minahal, minamahal at mamahalin ka ng isang cupid na tulad ko. Walang katiyakan ang lahat kaya sana wag mo na lamang akong hintayin. Buhayin mo na lang ako sa alaala mo yun lang sapat na.

Kumain ka ng marami. Alagaan mo ang sarili mo. Wag kang magpapagod. At sana wag kang iiyak dahil wala na ako para punasan ang mga luha mo.

Salamat sa mga magagandang alaala.

-Minho

END OF BOOK 1

Happy Holidays!

And yes. May book 2 sya at next week ko na sisimulan.

Her Stupid Cupid(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon