To talk much and arrive nowhere is the same as climbing a tree to catch a fish.
-Chinese Proverb
Chapter 25
Bubuksan ko na sana ang mensaheng kanina ko pa inaasahan nang magsalita si Valmont sa aking tabi. Agad kong itinago ang aking cellphone sa bulsa ng aking coat.
"Queen Callisha?"
Napalingon ako kay Valmont, hindi siya makatingin sa akin nang diretso. Ever since I announced my marriage with McAkiro, he seemed... distant.
"What is it, Valmont?" Pormal kong tanong, hinuhuli ang kaniyang tingun ngunit siya'y nag-iiwas.
"Les Libar is dead."
~*~~**~*~
"How did he die?"
"He was poisoned even before you caught him. That's the result my forensics team got."
Binigay sa akin ni Mr. Salvador ang isang folder na naglalaman ng resulta ng mga tests na kanilang ginawa.
"The Lurid and Vermilion used him as a bait?" Hindi makapaniwala kong tanong. "I know they used him as a bait pero hindi ko alam na papatayin talaga nila ang sarili nilang miyembro. I thought after they used him as a bait, they would plan to save him."
"Maybe they know that you'll question Les Libar once you catch him, and the best way to keep Les Libar quiet is by poisoning him."
Kaya pala nang pinainterrogate ko kay Agent Hilton at Agent Damien si Les Libar ay halos hindi nito magalaw ang kaniyang dila. I thought he was just acting, that we needed to torture him to speak. Iyon naman pala ay nilason na siya ng kaniyang sariling palasyo. What kind of creatures were they?
Sa araw na iyon ay hindi lang bangkay ni Les Libar ang ineksamina ni Mr. Salvador. Ipinakita niya sa akin ang mga resulta ng dalawang bangkay: Kay Agent Yan Santiago at Agent Lee Corpuz.
Nakita ang putol-putol na katawan ni Agent Lee sa loob ng washing machine. Ang katawan naman ni Agent Yan ay duguan sa kaniyang bathroom.
Buong araw ay masakit ang aking ulo. Minsan ay bumibisita rin ang mga Morgan sa palasyo, binigyan ko sila ng sariling kwarto rito.
Kinabukasan ay sumabay muli akong kumain ng umagahan sa aking mga miyembro. Naupo ako sa kabisera ng mahabang lamesa. Laking gulat ko nang sa isang dulo ng kabisera ay nakaupo na roon si McAkiro Morgan. Mahaba ang lamesa, naupo ako sa kabilang dulo kaya malayo ang aming agwat.
He was wearing that crumpled black shirt again, black boots and black jeans. Magulo ang pagkakaayos ng kaniyang buhok, komportableng nakapatong ang kaniyang mga braso sa armchair ng upuan.
He was the king of Safronov, that was why no one dared to question him when he sat on that chair. Wala pa mang nakakakumpirma doon, hindi pa napag-uusapan iyon ng pormal, ngunit kung asawa niya ang reyna, siya nga ang hari.
"Good morning Queen Callisha!" Masigla niyang bati na tinanguan ko lang. Dumiretso na ako sa kabisera at nagtaas ng kilay.
"Oh.. ang sungit." Maligaya niyang sabi tapos ay humalakhak. "Di yata maganda ang gising ng asawa ko ah."
Matalim ko siyang tinignan ngunit tumatawa lamang siya. Tahimik lang ang mga miyembro ko sa gilid, nagkukunwari na walang naririnig. Matalim ang tingin sa akin ni Agent Eve. Naupo si Agent Hilton sa aking gilid, habang sa isa ko pang gilid naupo si Valmont.
"Do you have missions today, your majesty?" Tanong ni Valmont sa akin, nag-iiwas siya ng tingin.
"Wala Valmont. Magkukulong ako sa opisina ngayon. Marami akong tatapusin. The dirty works will be given to Agent Damien and Agent Eve at the moment."
BINABASA MO ANG
The Queen's Biggest Mistake
ActionTRAITORS are not the ones who confront you in the face and point a gun right at your head. No. They are the ones who give you the brightest of smiles and they'll treat you the way you want to be treated. Cursed and blessed with power and responsibil...