2nd Year HSOctober 22, 2003
Yes! Today nagstart ang intercollegiate sports sa school!Grabe ang daming cute at poging players galing sa ibang schools! Nakaka-star struck lalo na kapag in action na sa games!
First time kong nakita iyong star player ng volleyball ng rival school namin. Grabeeee! Napaka guwapo parang college na ang itsura kahit 4th year pa lang siya. At take note, nalaman ko pa na siya pala iyong previous gold medalist ng long jump! Ang astig niya!
Todo tambay kami ng friends ko kaninang lunch time sa canteen. Siyempre pinapanood namin ‘yong mga players at nagpapapansin na din ng kaunti.
Oh my gosh! Ang dami kong crush sa araw na ‘to!
Well, habang kumakain kami at pinapantasya ‘yung mga volleyball players may dumating na isa pang group ng mga lalaking players. Sa itsura nila, mga soccer players iyon… In fairness, may mga itsura rin ah! Pero siyempre, bias ko na ang volleyball players.
At bago ko makalimutan, may isa akong nakita sa mga soccer player.
Ang familiar ng face niya. ‘di ko lang matandaan kung saan ko siya nakita pero sure ako nakita ko na siya. Hindi siya maputi, hindi rin maitim, sakto lang ang pagiging kayumanggi, matangkad tapos super payat parang pinagutuman ng nanay. Oh well, marami naman talaga kaming nakakasalamuha so maybe nakita ko na nga siya.
Basta ang focus ko ngayon ay si Vince!Sobrang sikat nya! Star player ba naman kasi at ang pogi pa! Medyo kahawig siya ni Robi, yung dati kong crush pero mas ma-appeal si Vince!
**********
‘Di ko na kinakaya ‘to!
Puro landi ba ang inaatupag ko nung nag-aaral pa ako? Nakakaloka ah!
Well, ang guwapo naman talaga nung Vince. Ang dami pa nga laging mga girls noon na susunod sunod sa kanya e. At hindi lang siya sa mga palaro i-dinadayo, pati sa mga acad related na competition. Lagi ko siya inaabangan noon pag may mga paganap ang school. Kailangan nang sulitin kasi 4th year na siya…
Si Robi, ito iyong crush ko dati na niligawan ako noong nalaman niyang crush ko siya, siyempre si ate mo masyadong kerengkeng, sige entertain ako. Naka-ilang labas din kami niyan tapos mga ilang buwang ligawan when suddenly, I saw him with another girl. Naglalakad sila sa may park!
Hindi pa ako nagpakamalisyosa noon. Hinayaan ko lang… After a week nakita ko na naman siya na may kasamang babae pero hindi iyon kasama niya noong una ko syang nakita. So, si ako hindi pa rin nagpadala kasi naisip ko magkaibang babae naman so baka friends niya lang.
Sinasabi pa ng mga friends ko noon na nakikita nila madalas si Robi na may kasamang ibang babae pero hindi pa rin ako nag-bibigay ng malisya kasi nga tanga talaga ako e. Ewan ko ba.
Tapos one day, nakita ko si Robi sa sinehan may kasamang girl at nag-lalambotchingan sila habang nanonood. E siyempre nung mga panahon na iyon, demure pa dapat ang babae, bawal gumawa ng eskandalo. Kaya ang ginawa ko, malamang tinapos ko iyong movie no, sayang bayad at popcorn. Tapos noong tapos na, dumaan ako sa harap nila then ina-eye to eye ko siya.
Siyempre shookt si Robi. After nun ‘di na kami nagpansinang dalawa.
Iyong nakita kong familiar face, hindi ko talaga siya matandaan kung saan ko nakita so never mind na ang peg ko noon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love @ 12th Sight (COMPLETED)
Short StorySabi nila, dito raw sa mundo palaging may nakalaan para sa isang tao. Nasa iyo na iyon kung maniniwala ka o hindi. Basta ako naniniwala ako. Bakit? Dahil sa akin mismo nangyari ang noo'y "pantasya lang walang personalan" na natuloy sa matamis na to...