12- ENTRY 11

174 35 23
                                    

A Year After College Graduation

February 25, 2011

Finally! Natuloy rin ang pagkikita namin nina Larra at Harry!

Ang saya ko kasi hindi na kami nakapagkita mula noong graduation. Naging busy kasi kami sa kanya kanyang exam at career e. Ito na iyong araw at oras na pinaka libre kami.

Like the old days, nanood kami ng sine, kumain, namasyal at kumain ulit habang nag-kukuwentuhan ng mga ganap sa buhay namin.

Nagkuwento na rin si Larra sa naging break up nila ni Gab. Akala ko dati sila na talaga ang meant for each other. Hindi pa rin pala. But she said, she moved on and now she’s okay and I’m happy for her.

Si Harry naman, ayun kinukwento ang kanyang special someone.

Mukhang glowing at happy naman si Harry kaya susuportahan ko siya sa kung anong gusto niya.

Ang dami nang nagyari sa friends ko pero ako eto. Nga-nga pa rin sa love life. Bokyang bokya mga day!

Parang nauubusan na ako ng oras ah!

Baka matuyo na matres ko! LOL. Well 22 pa lang naman ako. Kaya pa’to! Iiyak na lang ako kapag 25 na ako at wala pa rin akong boylet. Delikado na iyon. Syempre may ligawan pang magaganap and etc. Baka mabulok na egg cells ko Lord!

‘Nga pala mukhang may bagong prospect itong si Larra. May nag-walk in kasi na very hot guy tapos lumapit sa table naming. Sabi niya…

“Hi! It’s you!” – Guy

“Oh yeah! I remember you… How are you?” – Larra

Then binigyan namin ng time ni Harry na mag-usap iyong dalawa pero we did not leave our table. Gumawa lang kami ng sarili naming conversation while they’re talking.

“And by the way, these are my dear friends… Max and Harry.” – Larra

Siyempre ngumiti kami ni Harry doon sa “friend” niya.

“Hello… I’m Rye… Rye Alcantara.” – Guy

And yeah, we just gave him a glance and smile.

“It was nice seeing you again.” – Guy
After that umalis na si kuya.

Siyempre hi-not seat namin si Larra but she told us na she knew the guy a long time ago. And pinaniniwalaan naman namin siya. Wala namang dahilan para maglihim pa sa amin iyang si Larra.

**********

Wait… Did I just read “mabubulok na egg cells ko”?! By 22 years old? Are you kidding me?! Oh my God my 22-year-old self napaka paranoid mo!

This is funny.

I remembered Larra saying that I was rude. I was a bit confused because I do not know why she told me that until she spoke up.

Sabi niya, sa akin daw nakatingin iyong Rye when he said “It was nice seeing you again” when in fact I really don’t know him so bakit gagawin ni Rye iyon?

Napatanong tuloy ako noon kay Larra and Harry “Kilala ba ako nun?”

Nagkibit balikat lang iyong dalawa noong tinanong ko iyon tapos ngumisi sila sa isa’t isa na talagang nagbibigay ng question marks sa ulo ko.

I just dropped that incident and went back to what we were talking about before that “Rye” interrupted us.

Love @ 12th Sight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon