7- ENTRY 6

185 33 17
                                    


4th Year HS


August 26, 2005


Today, unexpectedly, I won the Lakan at Lakambini ng Kalikasan pageant!

Unexpected kasi panakip butas lang naman talaga ako dito, si Eirrah talaga dapat ang ilalaban, kaso na-sprain siya kaya hindi siya nakasali.

Hindi naman talaga malakihan at pormal na pageant ito. Just a part of the program sa isang camp. Pero super proud ako dahil ito ang unang pageant na sinalihan ko.

Hindi talaga ako prepared tapos ayaw ko na sanang tanggapin ang kaso graduating student ako, ayaw ko namang mapag-initan ng mga teacher na kasama namin. So tinanggap ko pa rin kahit bwisit talaga ako kasi ‘di naman ako mahilig umawra sa harap ng maraming tao at ang short notice pa. Nawalan lang talaga ako ng choice. Basta ang hirap i-explain!

Unfortunately, hindi nanalo ‘yung lakan na partner ko na galing din sa school namin, 3rd runner up lang siya. ‘Yung nakapartner kong lakan ay nanggaling sa rival school namin.

Habang nag-aannounce feeling ko sasabog ako sa kaba. Tapos noong narinig ko na yung pangalan ng school namin, parang na-blangko na lahat. Wala na akong naririnig sa sobrang saya.

Ki-nongratulate ako nung nanalong lakan. Binati ko rin naman siya ‘di ko lang siya masyadong pinag tuonan ng pansin kasi I am very happy! At least ‘di napahiya ‘yung school ko kahit half day lang ako nag-aral ng pang talent portion at rampa, pasok pa rin sa banga!


At ngayon, while I’m writing this I realized something… Kamukha niya yung nakasayaw kong nag-gate crash sa prom namin!

Siya kaya ‘yun? Ang powerful kasi talaga ng make up. ‘Di ko tuloy sigurado.

Basta ang mahalaga, I won!

Congratulations to meeee!

**********

Ang lupet! Nagpageant nga pala ako!

Putek! ‘Di ko na ma-imagine sarili ko.

Ako ba ‘to?! HAHAHAHA!

Parang feeling ko kinabog ko iyong mga nag-mi-Miss U ah!

Pero pramis sa naaalala ko, I tried my very best! Ayaw ko rin namang mangamote sa harap ng madlang people ano.

Love @ 12th Sight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon