2- ENTRY 1

246 40 20
                                    

Grade 1


July 10, 1996

Nalulungkot ako at naiinis! Paano may isang batang bwisit, hindi na nga niya pinirmahan ‘yong booklet ko hindi pa nag-sorry noong natalsikan ako ng tubig na laman ng timba niya! Mamaya madumi iyon!

**********

Natawa ako.

At naaalala ko pa talaga ang itsura ng batang ‘yon.

Sobrang puti na parang ‘di nasisinagan ng araw.

Kung hindi ako nagkakamali ito iyong unang beses na lumayo ako sa mama at papa ko dahil may camping ang girl and boy scouts. Dalawang araw din ‘yon ‘no! At tsaka Grade-1 pa lang ako nito.

Nakita ko ‘yong batang ‘yon tumatakbo ng may dalang timba pa’no late na siya sa flag ceremony namin at hindi pa yata tapos maligo.

Mabilis siyang dumaan sa may gilid ko tapos walang ingat na ibinaba ‘yong timba kaya tumalsik ‘yong laman!

Natatandaan ko nabasa niya talaga ‘yong shorts ko at hindi ako nanalong  pinaka pala-kaibigan dahil nagkulang ng isa ‘yong pirma sa booklet ko. Sayang!

Thank you sa papa ko! Sa kanyang contribution itong paglalagay ko ng date sa mga sinusulat ko. Bata pa ako natuto na talaga akong maglagay ng petsa sa mga sinusulat ko dahil noon, tuwing umuuwi kami ng kuya ko galing sa school laging may inspection si papa!

Lagi niyang tinitingnan lahat ng notebooks namin para malaman niya kung nagsusulat ba kami kapag nasa school.

Oo. Required kaming maglagay ng dates para mamonitor kung pumapasok ba kami at nagsusulat dahil kung hindi, naku isang damakmak na tanong ang matatanggap namin at paulit-ulit na pangaral tungkol sa kahalagahan ng edukasyon.

Love @ 12th Sight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon