2nd Year College
June 4, 2007
Kanina, nanggaling ako doon sa bagong university na papasukan ko.
Ang hassle! Lumipat kasi kami ng bahay kaya lumipat na rin ako ng university kasi iyon ‘yong mas malapit sa bago naming bahay.
Nagpunta ako sa admin para magbayad ng tuition tapos may nakita akong lalaki. Moreno. Matangkad. Maskulado ang katawan pero iyong sakto lang. Hindi iyong nakakatakot na pag nasagi ka madudurog ka. Basta alam mo lang na batak siya.Nagbabayad rin siya ng tuition pero sure akong doon na siya nag-aaral before kasi naka-varsity shirt siya ng school. May logo kaya ko nalaman.
Nauna akong makatapos magbayad sa kanya. I’m writing this kasi I felt weird noong nakita ko iyong guy. Ang familiar ng face niya e. Saan ko kaya nakita ‘yon?
Well, kung saan man, I don’t care. Basta alam ko, I’ve seen him before.
Anyway, nakita ko si Larra at Harry.
Doon din pala sila nag-aaral! Buti na lang. At least I won’t feel alone.
Kumain kami sa labas tapos inilibot nila ako sa campus. Tinulungan na rin nila akong hanapin iyong mga classrooms ko para hindi na ako tatanga-tanga sa first day of school.
Ang suwerte ko talaga sa mga kaibigan ko! Sana hindi sila magsawa sa akin.Okay na rin siguro na lumipat na ako para makalimutan ko na si Kenson.
Ligaw ligaw kasi pa-fall lang pala.
Kainis. Napaka gullible ko kasi bwiset.
Kamalas malasan man sa love, I know I have true friends so bawi rin.
Maybe hanggang pantasya na lang talaga iyong pangarap kong makilala si Mr. Right na para sa akin. Ang tagal ko nang panstasya iyan e, grade school pa.
Tatanda ba akong dalaga?
HUHUHUHU!
**********
Nakakatawa naman iyong crisis ko dito! Akala mo naman ang tanda tanda na! Bata ka pa oy!
Pero seriously pakiramdam ko noon wala talagang lalaking bet seryosohin ako.
Paano, lahat ng nanligaw sa akin niloko lang ako. Kamusta naman iyon?
BINABASA MO ANG
Love @ 12th Sight (COMPLETED)
Krótkie OpowiadaniaSabi nila, dito raw sa mundo palaging may nakalaan para sa isang tao. Nasa iyo na iyon kung maniniwala ka o hindi. Basta ako naniniwala ako. Bakit? Dahil sa akin mismo nangyari ang noo'y "pantasya lang walang personalan" na natuloy sa matamis na to...