3rd Year College
August 31, 2008
Inaya ako nina Larra manood ng pa-concert sa university. Sumama naman ako. Ang daming nagperform na banda!
Tamang tama itong event na ‘to. Nakakatanggal stress! Nakakaloka na kasi ang acads ginagawa na akong modem ng wifi, 24/7.
Grabe napa-wild naman kami ng kaunti noong biglang tumugtog na iyong paborito naming banda! Talon talon galore kami, sigaw-sigaw and all. Grabe ang saya talaga. Ito na ang bagong definition ng walwal sa akin.
Okay na sana e, kaso na-activate na naman ang kampon ng kabalbalan sa paligid. May matangkad na mama ba namang sumingit sa harap namin nina Larra, ayun tuloy hindi na namin makita iyong mga nagpeperform sa stage. Hindi na rin naman kami makalipat kasi sobrang crowded ng lugar.
Kapag nagsisigawan at nagtatalunan sinisimplehan naming itulak si kuya para naman makakita kami no. Kaso grabe iyong pagkit powers ng sapatos niya sa lupa. Aba! Ayaw matinag! Nakakaloka.
So ayun, kami na nina Larra ang nagparaya. Gentle woman naman kami. Tsaka strong independent man… Badtrip!
Pinilit ko pang sipatin talaga iyong pagmumukha ng kuyang iyon kasi pag nakita ko talaga siya sa daan sisipain ko siya ng pabalik-balik!
Kaso, dahil crowded, madilim, at nasa harapan pa namin siya at hindi lumilingon sa likuran niya, hindi namin nakita iyong makapal na mukha ng lalaking iyon. So after nung event na iyon deadma na kami kasi wala nang way para malaman kung sino iyon. Ang bilis niya pang nawala noong natapos ang kantahan. Puro batok nya lang talaga ang nakita namin. Hay!
May araw rin siya.
On the other hand. Happy pa rin naman kami. Kumain pa kami nina Larra tapos nagkuwentuhan. Hay ang sarap ng walang iniisip. How I wish high school na lang ako ulit.**********
Ang saya nga ng gabi na iyon. Sobrang relieved ako. Hindi ko talaga kayang mabuhay ng walang kaibigan. Ang daldal ko pa naman.
Napaka-imature ng simpleng panunulak pero wagi pa rin sa akin iyon.
Sana nakita talaga namin iyong mukha ni kuya. I wonder kung anong reaction niya sa mga ginawa namin sa kanya noon. HAHA!
BINABASA MO ANG
Love @ 12th Sight (COMPLETED)
NouvellesSabi nila, dito raw sa mundo palaging may nakalaan para sa isang tao. Nasa iyo na iyon kung maniniwala ka o hindi. Basta ako naniniwala ako. Bakit? Dahil sa akin mismo nangyari ang noo'y "pantasya lang walang personalan" na natuloy sa matamis na to...