3- ENTRY 2

226 35 20
                                    

Grade 3

December 5, 1998

Ang saya ko noon kasi ako ang napili para i-dayo sa contest kaso saglit lang pala ‘yon. Hindi naman ako ang nanalo. Sa sobrang bwisit ko parang tumahimik lahat habang nag-aannounce na ng mga nanalo. ‘Di ko tuloy nalaman iyong pangalan ng nanalo. Matatalo rin kita batang labanos.

**********

Sobrang natatandaan ko itong araw na ‘to.

Ito iyong unang pagkakataon na nakatanggap ako ng pagkatalo. Well not necessarily talong talo. I got the second place pero nasanay kasi ako na lagi akong nanalo kaya feeling ko ng mga oras na iyon ay talong talo ako.

News writing in English ang nilabanan ko at ang nanalo ay lalaking taga ibang school.

Inis na inis ako noon sa kanya at habang nag-aaward sa stage ay ‘di ko mapigilang titigan siya at tingnan ng masama. Napaka competitive ko rin pala!

Sa sobrang inis ko talaga noon ay wala na akong ibang naririnig sa paligid. Nalungkot din kasi ako dahil pinaghandaan ko talaga ‘yong contest na ‘yun at gusto ko talagang mai-uwi ‘yong medal para sa school namin at siyempre para sa mama at papa ko. Kaso ayun, bigo.

After ng awarding na ‘yun natatandaan ko lumapit sa akin ‘yung batang lalaki na nanalo tapos ki-nongratulate ako. Nakakaloka! Nek! Nek! Niya!

Mas lalo akong nainis kasi feeling ko iyong ngiti niya sa akin ay inaasar niya ako pero siyempre nag-bait-baitan naman ako noon. Ngumiti ako pero tandang tanda kong ngiting plastik iyon!

Diyos ko napakabata ko pa pala napaka mahadera ko na!

Sa totoo lang nakakatuwa ito a. Feeling ko bumabata ako ulit sa pagbabasa nitong mga “diary entry” ko.


Love @ 12th Sight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon