Ako si Maxim Garcia. Max na lang for short.
Twenty eight years old na ako ngayon. At sa araw na ito, inaayos ko na ang mga gamit ko dahil finally, bubukod na ako sa pamilya ko!
Ang exciting 'di ba?!
Pero, may mas nakaka-excite pa pala kaysa sa pag-move out ko!
Ano?
Old stuff!
At dahil noong kabataan ko ay mahilig talaga akong magsulat, gumawa ng notes, at kung anu-ano pa basta related sa pagsusulat, napakarami kong mga papel, notebooks, diaries as in puro papel ang laman ng memory boxes sa loob ng kwarto ko.
Ang galing 'di ba? Salamat sa aking mama at papa! Dahil sa kanila na-itago pa itong mga ka-weirdohan ko noon.
Kahit nasa kinder pa lang ako noon mahilig talaga akong gumawa ng mga notes. Sabi nga ng mama ko tuwing papasok daw ako sa school nakikita niya sa refrigerator na may nakadikit na note like---
"Aalis na ako mama, I love you!"
"Si kuya kinain 'yong baon ko."
"Pakihanap po 'yong earaser ko."
"Sorry po nawala ko iyong crayons ko."
Simple things like that.
Ang pinaka paborito kong isulat ay iyong mga nangyayari sa akin araw-araw. Kahit 'di masyadong mahalaga sinusulat ko na rin. Wala lang trip ko lang talaga. Kahit nga iyong may dumaan lang na palaka sa harap ko 'di ko pinapalagpas.
Diary ang tawag nila doon pero ako, nung bata ako 'di ko naman alam ang konsepto ng diary na 'yan. Talagang nakahiligan ko lang magsulat.
Pero siyempre habang lumalaki mas nagiging complex na ang mga bagay. Natuto na akong hindi magsulat sa basta papel papel lang, magkaroon ng kaunting kahihiyan sa mga sinusulat basta marami akong natutunan at narealize growing up.
So eto na nga, habang nagsosort ako ng mga gamit, nakita ko 'iyong mga "notes" at pigtas pigtas na "diaries" ko nung kabataan days ko!
Take note, since grade school nakatago pa lahat. Siyempre nakatago rin 'yong pang high school at college.
Nakakatuwa!
So like everyone else will do, binulatlat ko lahat, binasa ko, pinagtawanan ko and guess what I've found!
Entries na hindi ko akalaing magiging parte at relevant pala sa future!
BINABASA MO ANG
Love @ 12th Sight (COMPLETED)
Krótkie OpowiadaniaSabi nila, dito raw sa mundo palaging may nakalaan para sa isang tao. Nasa iyo na iyon kung maniniwala ka o hindi. Basta ako naniniwala ako. Bakit? Dahil sa akin mismo nangyari ang noo'y "pantasya lang walang personalan" na natuloy sa matamis na to...