10- ENTRY 9

178 33 20
                                    

4th Year College

September 9, 2009

Tinulungan namin ni Larra si Harry sa thesis niya. Kailangan niyang magpasagot ng 1000 students sa survey sheets na ginawa niya.

Last week pa namin ‘to ginagawa. Nagkikita kami tuwing may free time kami tapos sabay sabay kaming namimigay ng survey sheets sa mga students na hindi naman namin kilala. Masaya siya in a way. Marami na kaming nakilala na taga ibang college.

Kapag lahat naman kami walang free time, pinaghahatian namin ‘yong mga sheets, kanya kanyang lakad na lang.

Ang bayad, nililibre kami ni Harry ng merienda o kaya isang meal. Ayaw naman namin ni Larra kaso ang pilit ni Harry so kami naman, go lang. Libre eh.

Tumutulong din pala sa amin iyong boyfriend ni Larra. Si Gab. Tsaka iyong friend ni Gab na nagpaparamdam sa akin. Matagal na. Si Russle.

Nagpapa-good shot si Russle kasi nakita siya ni Harry na may kasamang ibang babae sa isang restaurant at ang sweet sweet daw nila doon. As if namang hindi sasabihin sa akin iyon ni Harry. So ligwak na siya sa akin noh. Kahit pa maglupasay siya wala na akong paki sa kanya.

Bakit ganoon? Lahat na lang ng lalaki niloko ako? Loyal ako mga pre! Mabait, tsaka magaling magluto! Magugustuhan ako ng mga nanay niyo mga ulul!

Anyway…

Habang namimigay kami, naubos ko na iyong sa akin so lumapit ako kay Larra para tulungan pa siya doon sa hawak niya. Noong time na iyon may kuya na nagsasagot ng survey tapos medyo ine-entertain siya ni Larra para naman hindi masyadong awkward. Ambush type kasi ang style namin so marami talagang hindi nakakatanggi.


Sumingit ako ng slight tapos nanghingi ako ng ilang survey forms. Napatingin sa akin si kuyang nagsasagot napalakas naman kasi iyong interruption ko, napatingin din ako ewan ko ba. Nginitian ko siya pero mabilis lang iyon like two seconds lang. Ang bilis niya kasi inialis iyong tingin niya sa akin.

Lumayo na ako after kong makuha iyong forms tapos narealize ko si kuya, siya iyong nakita ko sa Admin before noong bagong salta pa lang ako sa university. Nakasabay ko siyang magbayad ng tuition fee.

Well, tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Akala ko kasi malapit na siyang grumad noon. Hindi pa pala.


**********

Haay! Naalala ko iyang Russle na iyan. Ang kapal! Girl friend niya pala iyong nakita ni Harry na kasama niya.

Tapos dumidiskarte siya sa iba? Ang tanga ko talaga. Bakit ba hindi ko natutunugan kung taken ba o may ibang babae iyong mga nanligaw sa akin noon.

Reyna yata ako ng in denial?

Oh well… Past is Past.

Love @ 12th Sight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon