6- ENTRY 5

193 37 24
                                    


3rd Year HS

February 11, 2005

I had a great night! Masaya pala talaga ang prom night. Buti na lang napilit ako ni mama sumali. Ayoko talaga dapat.

Parang first time kong nakitang mukhang matitinong tao itong mga kaklase ko. Nakakatuwa kasi ito yata iyong pinakaunang formal na “party” na napuntahan ko.

Ang pogi ng escort ko. Si Harry. Classmate ko rin siya, wala naman kasing nag-aya sa akin galing sa ibang section or sa seniors. Pero okay lang, kasi kay Harry sobrang kumportable na ako. Ang guwapo niya sa suot niyang tuxedo. Kaso kahit lalaking lalaki ang porma niya lumalabas pa rin talaga yung pagka mojer nitong kaibigan kong ito.

Ang lakas makakilig ng mga music!

Ang saya rin na isinasayaw ka ng iba maliban sa escort mo. Para kang nasa langit lalo na kung ‘yung nag-aayang sumayaw ay crush mo! OMG!

Naisayaw naman ako ng dalawa kong crush at super kinikilig ako kasi hindi naman ako nagpapansin o kahit ano pero isinayaw nila ako. Wala na akong paki kung required silang magsayaw ng girls o kung ano man ang mahalaga, we danced!

Mas nagkaron pa ng kulay ang gabi nung may nag-gate crash!

Grabe pagpasok nila lahat sila may maskara para siguro hindi sila makilala. Pero noong nakahalo na sila samin e tinanggal na nila yung mga takip nila sa mukha dahil hindi rin naman na sila mahahabol at kilala ng lahat ng mga teachers namin.

Nagkaroon ng commotion pero mabilis lang. Wala nang nagawa yung mga teacher namin.

Pinaghandaan rin nila ha. Ang guguwapo!

Naisayaw ako ng isa sa kanila.

Pumayag ako kasi sayang no, experience rin iyon. Dancing with stranger.

Natatandaan ko kung sino ‘yung nakasayaw ko. Siya iyong familiar face na nakita ko dati sa intercollegiate sport. Pero hinayaan ko na lang.

I never had a chance to ask his name kasi nakaramdam ako ng awkwardness at isa pa nasa 30 seconds lang yata niya akong isinayaw. After nun tumakas na rin sila paalis.

I’ve never been to college pero high school really rocks.

**********

I will never forget my first prom.

It feels magical.

Ang dami kong naranasang first noong gabi na iyon. Sobrang saya lang talaga. Very memorable.

Ang sakit ng paa ko dahil hindi naman ako sanay mag-heels pero tuloy tuloy pa rin ako sa paglakad at pagsayaw.

Noong isinayaw ako nung strager. Weirdness talaga ang naramdaman ko. A bit agitated kasi parang ang presko ng dating pero nag-go with the flow pa rin ako for experience sake ika nga nila.

Love @ 12th Sight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon