Grade 6February 13, 2002
Grabe, sobrang nakakapagod ang araw na ito pero ang saya saya ko! Nakita ko ‘yung crush kong 1st year! Ka-tandem sila ng school namin sa First Aid competition. Grabe! Sobrang swabe niyang gumalaw! Hindi na ako makapaghintay grumaduate sa grade school. Pagsisikapan ko talagang makapasok sa school niya para mas madalas ko na siyang makita!
Peroooo, siyempre hindi naman patatapusin ng pagkakataon na forever akong happy sa araw na ‘to. Meron at meron pa rin talagang magpupumilit sumiksik sa busy mong schedule ng pagpapakasaya para sirain ang araw mo. Paano ba naman, nakita ko iyong nakatalo sa akin dati sa news writing! Kahit ‘di ko tanda ang pangalan nun hinding hindi ko makakalimutan yung mukha niya. Mukha pa rin siyang binabad sa suka! Mabuti na lang talaga nandoon si Erik my love!
**********
HAHAHAHAHA!
Well, it’s not the first entry na may nakita akong crush pero ito iyong gusto kong basahin. It’s a bit mature na kasi dahil papunta na ako sa teen dito eh.
I remembered the feeling of having a puppy love. Bet na bet ko talaga si papa Erik noong mga panahon na ‘yun jusko! Kaya kahit nahihirapan na akong mag-balance ng acads at extracurricular activites ko e pilit kong sinisingit iyang pag-fifirst aid na ‘yan kasi very active siya doon! Doon ko lang siya nakikita ng madalas.
Grabe, iyong tingin ko talaga sa kanya noon siya na ‘yung pinaka guwapo sa balat ng earth. Paano ba naman, ang tangkad niya, chinito tapos ang puti pero hindi maputla. Siya ‘yung tipong namumula kapag naiinitan. OMG! Nakakatunaw!
Ramdam ko iyong emotion ng eleven-year-old self ko doon sa second paragraph!
Basag good vibes nga naman!
Well, for me it’s still true. Bihira nangyari sa buhay ko na hindi nabasag ‘yung good mood ko sa isang buong araw. Palagi talagang may sugo ang kampon ng mga kabalbalan sa paligid.
Grabe ang paghold ko ng galit, ang tagal! At ‘di pa talaga nakamove on!
Imagine, that day noong unang beses kong nakita ‘yung nakalaban ko na ‘yun, siguro mga maglulunch time na nun. Hay nakoooo forever ko na siyang nakita! E nung mga una naman ‘di ko talaga siya napapansin.Kakaloka, iba talaga kapag nagagalit. Lahat napapansin.
Nakalaban namin iyong group nila sa tig-isang set ng bandaging at carry. Sa kabutihang palad, sa parehas na category e kami ang panalo. So feel na feel ko naman ang revenge noon kaya yata hindi ko na rin siya napansin masyado at nagfocus pa ako kay papa Erik.
Kami din ang nanalo sa mga rescue with scenarios like CPR etc sa grade school division so waging wagi na talaga ang feels ko noon! Jusko napakasama ko pala!
When I graduated grade school, sobrang excited akong pumasok dahil doon ako mag-aaral sa school ni Erik my love kaso ang ending, nag-migrate ang family nila sa ibang bansa!
Pag mamalasin ka nga naman.
BINABASA MO ANG
Love @ 12th Sight (COMPLETED)
Kısa HikayeSabi nila, dito raw sa mundo palaging may nakalaan para sa isang tao. Nasa iyo na iyon kung maniniwala ka o hindi. Basta ako naniniwala ako. Bakit? Dahil sa akin mismo nangyari ang noo'y "pantasya lang walang personalan" na natuloy sa matamis na to...