chapter 5

2.4K 44 0
                                    

This chapter is dedicated to Mr. Resheinald Lopez, a friend, na lahat ng pinag-uusapan, lahat kinoconnect sa ari na nauuwi sa tawanan ng barkada.

Kabanata 5

He proves that he is a pervert

Pagkatapos sa auditorium, hinatid ako ni King sa room ko. Pumasok na rin siya.

“Krisha, nagkita ba kayo ni Liam ngayon?” tanong ko pagkakita ko sa kanya.

“Mabuti naman ako Maru, salamat sa pag-aalala mo sa akin, pagkakita ,Liam agad? Pwede bang kumustahin mo muna ako?” sabi niya. Anong meron ngayon at ang init ng ulo nito.

“nag-away ba kayo? LQ?” tanong ko.

“LQ? What’s that?” sagot niya. Pinalo ko siya sa ulo.

“maru naman! Masakit na nga puso ko, pinasakit mo pa ulo ko”

“ano bang nangyari?” tanong ko.

“Iyong magaling mong bestfreind, nakikipaglandian sa harap ng room nila, dumaan ako kanina doon at nakita ko silang dalawa ng maharot na babaing yon” sabi niyang nakangusu.

“anong nakita mo? Baka naman nag-uusap lang sila? Hindi mo lang narinig dahil base sa ugali mo, hindi mo pinapatapos ang usapan, conclusion na agad”

“ang sakit mong magsalita ha!, there is no point in staying, actions speak louder than word, nakita ng dalawang mata ko, they were making out” sabi niya.

“so anong mangyayari? Break na kayo?” sabi ko. Alam kong hindi ito basta-basta makikipagbreak, siya itong nanligaw kay Liam.. kaya kahit anong kalokohan ni Liam, susuyuin lang ng ilang segundo, bibigay na agad.

“I can’t stand him anymore, maybe we need to cool off” sabi niya. That’s the first.. history na yan.. I need to confront Liam, Maloloka na ako sa kadramahan ng babaeng ito at pasaway na Liam. Palagi nalang siyang hinahabol ni Krisha and he didn’t even care to stop. May girlfriend na nga pero nanlalandi pa rin..

Dumating ang instructor..discuss..discuss.. malapit ng matapos, luminga-linga muna ako, tumingin ako sa bintana..

“King? anong ginagawa mo diyan sa labas?” bulong na sabi ko sa kanya. As if maririnig niya.

“yes miss Jang? May sinasabi ka? You are distracting me.” Dead!

“I’m sorry ma’am,”sabi ko.

“Pakisagot ang problem sa harap” utos niya. Double dead! Bwisit ka talaga King. Tumingin ako sa labas. Tumatawa si King, nakaupo na siya sa damo dahil sa kakatawa. Ang saya mo!.. Pasubo ka talaga. Pumunta ako sa board, sinagutan ang accounting problem. Balik sa upuan. Nakita kong may linabas siya sa backpack niya. Bond paper tapos board pen. May sinulat siya.

‘LABAS KA MUNA, MAY SASABIHIN AKO’ nakabold na sulat niya. Ayoko nga, mapapahamak ako sa ginagawa mo. Nag-no sign ako. Nagplease sign naman siya. Hindi ko siya pinansin, tumingin ako sa harap. Pagkaraan ng ilang minute, may kumatok..

“Yes? Come in” sabi ni instructor. Dumungaw si King.. Nagulat ako, Tumingin ako sa labas, anong ginagawa niya dito? Tumingin siya sa banda ko tapos ngumiti. Umingay ang buong klase dahil sa presence niya.

“Mr. Alejandro, Anong kailangan mo?” tanong ni ma’am.

“can I ask Miss Jang to come out for a minute, may sasabihin lang po ako.” Sabi niya. Tumingin lahat ng kaklase ko sa akin. Anong tinitingin-tingin niyo?

The Last Moment (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon