chapter 22

1.6K 29 0
                                    

kabanata 22

The start ot something new

Krisha's POV

"will you marry me Krisha?" tanong ni Liam. This was the words I wanted to hear from him  a long time ago, when we were together. And now, I'm hearing it from him kung kailan ikakasal na ako sa iba.

Will I give him a last chance?

or

hahayaan ko lang siyang mawala..

Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko..

masyado na akong mapagbigay, alam KO! dahil masyado na akong nasaktan! pero eto pa rin ako, hindi pa rin sumusuko.

"I'll give you a last chance and-" Niyakap niya ako ng mahigpit.

"I promise, I won't hurt you again"

"Huwag puro pangako, gawin mo" sabi ko.

"aray, ang higpit ng yakap mo" reklamo ko dahil masyado na akong nasasakal. Maybe this time around, Hahayaan ko naman na siya ang manghabol..

habulan lang naman ang mangyayari.

Shariphe's POV

"ano! bakit ba kasi sinama mo ako?" kasama ko ngayon si Grail. Kinulit niya ako para samahan siyang bumili ng regalo ng kapatid niya. Hindi ko alam kung bakit kami nagkasundo, after noong nagpanggap kaming magsyota.

"wala akong mahila e, kaya naisipan kong ikaw nalang. Boyfriend naman kita diba?" sarcastic na sabi niya. Umaabuso ang babaeng ito.

"in your dreams" sabi ko.

"wow, nahiya naman ako sa'yo, ang gwapo po masyado" sabi niya.

"oo, ito ang patunay" turo ko sa mukha ko.

"haha, nasaan? saang banda?" patuyang sabi niya.

"titigan mo kasi" for a moment, our eyes met..

iyong tipong, paubusan ng tingin.. walang imikan. Maya-maya, umiwas siya ng tingin.

putek, bakit nailang ako..

"o, hawakan mo" hagis niya sa paper bag niya.

"hindi mo ako katulong" hinagis ko sa kanya pabalik ang bag. Tapos iniwan siya dahil awkward pa rin.

"gago ka a, napaka-ungentle man mo!" habol niya. Linibot namin ang buong mall.

"wala ka pa ring nakikitang regalo?" tanong ko.

"e kung meron sana e titigil na tayo sa kakalakad" sabi niya. Ang sarap iuntog no?

"baka feel na feel mong kasama ako?" sabi ko.

"haha, feeling mo, nagtitiis lang ako"

"o, uwi na ako" sabi ko tapos lumiko na kunwaring uuwi na.

"hep, joke ko lang, ikaw nga pinakamasarap kasama e" masarap? what a word..

Maya-maya, naramdaman kong huminto siya, inayos ang heels niya tapos parang pilay na naglalakad.

May nakita akong, stall ng flat sandals, pumasok ako tapos sumunod siya.

"bading ka ba?"tanong niya.

"halikan kita diyan eh,"

"iww ka," sabi niya. hindi ko siya pinansin. Huminto ako sa may kulay blue.

"Ui, pareho tayo ng taste a" sabi niya.
"isukat mo nga" utos ko.

"Ha?"

"bopols, sabi ko isukat mo" ulit ko.

"bakit ko naman isusuot yan?" Nakakairita na talaga. Kinuha ko nalang ang display. Lumuhod ako. Tinanggal ang heels niya at pinasuot ang flat sandal. Tiningala ko siya. Nakatunganga lang.

"Shariphe" sambit niya sa pangalan ko. sakto lang sa paa niya.

"Miss, pwede pakibalot" tawag ko sa sales lady.

"anong size po sir?"

"iyan mismo" sabi ko.

"please wait sir" sabi niya. Binayaran ko tapos hinila siya palabas.

"Isuot mo" sabi ko.

"you don't have to buy that for me, may pera ako" sabi niya. Anak ng.. pagkatapos kong bilhin iyan pa sasabihin niya.

"regalo ko sa'yo" sabi ko.

"talaga?" nasiyahan pa. Kailangan palang regalo para tanggapin niya.

LUmapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

stars

stars

stars

I see stars.. 

The Last Moment (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon