chapter 34

1.6K 30 0
                                    

Kabanata 34

King's POV

"tang ina mo King, anong ginawa mo kay Maru!" sigaw ni Liam pagkataas niya sa kwarto niya. Pinaalis ko si Katie bago sumagot.

"umalis na ba siya?"simpleng tanong ko.

"gago ka!" Isang suntok ang napala ko sa pagtanong ko. susuntukin pa sana niya ako pero saktong dumating si shariphe.

"stop it!Mag-usap tayo ng matino, King, hindi porket ikaw ang leader ng grupo natin kaya mo ng paglaruan ang damdamin ni Maru,what's happening bro?" Umupo siya sa sofa. Hinila niya si Liam. Umupo ako sa gilid ng kama tsaka pinunasan ang dugo sa ilong ko.

"ano! explain, you insisted to invite katie dahil akala ko mag-aayos kayo, you said it. tapos may plano ka palang iba, wow, nasali pa kami sa ginawa mo." sigaw ni Liam.

"I'm doing it para sa kanya, I love her kaya ko ginawa iyon, hindi niyo naiintindihan ngayon pero sa tamang oras, malalaman at malalaman niyo rin, just let me do this."

"anong klaseng paliwanag iyan, ni isa hindi ko naintindihan at hindi namin maintindihan kung hindi mo sasabihin ng diretso, ang daming paligoy-ligoy." sabi ni shariphe. Tumayo ako.

"saan ka pupunta? hindi pa tayo tapos mag-usap!" sigaw nanaman ni Liam.

"I'm going home, I'm too tired" Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi nila. Lumabas ako sa bahay na iyon. sumakay ako sa kotse.

"I'm sorry Yuki" bulong ko habang nagmamaneho.

Yes, I have Leukemia. It's acute myeloid Leukemia. 

"we need someone's bone marrow, kailangan makakita tayo ng donor. We need it right away bago pa lumala ang sakit mo." Ang sabi ni Doctor santiago noong lumabas na ang resulta.

naramdaman ko ang mainit na likido sa aking pisngi. Tapos may sumunod pa. Tumutulo na ang mga luha ko.

"Fuck!" sinuntok ko ang manibela. dali-dali kong huminto sa gilid ng kalsada. sinabunutan ko ang buhok ko. Humahagulhol na ako.

Ngayon ko lang naramdaman ang sakit. I did not cry when the result came out last week. Hindi ako umiyak hanggang ngayon. i know I'm too young to die. and it's too unfair na paasahin si Yuki. Mamahalin ko siya pero iiwanan din lang.

wala pang nakakaalam sa sakit ko. I beg the doctor not to tell to anyone even my family dahil ayokong masaktan sila para sa akin. I chose to fight alone.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"king, are you okay? you look pale." tanong ng mama ko pagkauwi ko.

"I'm fine ma." Niyakap ko siya ng mahigpit. "thank you for everything ma, and I'm sorry"

"baby, anak, I always love you." sagot niya. hinalikan ko siya sa buhok bago tumaas sa kwarto.

inayos ko lahat ng mga papeles na kailangan sa office. Binuksan ko ang laptop then I booked a flight to US. Nakaplano na lahat. I'll leave everything to my secretary. I'll have my treatment abroad. 3 days from now, I'll be leaving. Nahiga muna ako sa kama nang may biglang may nagsisigaw sa labas.

"Alejandro, lumabas ka diyan, mag-usap tayo." Now, sinong sirang nagsusumigaw sa ganitong oras ng gabi.

"King, bumaba ka dito, may nanggugulo sa labas." sabi ng mama ko pagkataas niya sa room ko. Lumabas ako.

"Travier, anong ginagawa  mo dito?" Kunot noong tanong ko. Isang malakas na suntok ang sinagot niya sa akin.

"wow, suntok na pala ngayon ang sagot sa mga tanong" sabi ko Nakadalawang suntok na naramdaman ko ngayon.

"layuan mo si Katie, anak ko ang batang iyon, buntis na siya noon bago ka niya nakilala. and I'm the father, at wala kang karapatang kunin ang akin. Sa korte tayo magkikita kapag nagawa mo pang mahawakan ang anak ko!"pagbabanta niya. nagulat ako noong una pero nakabawi nang marealize ko ang mga pinagbabanta niya.

Gumaan ang pakiramdam ko, now, nabawasan ang mga taong iiwan ko. Ngumiti ako sa kanya.

"Thank you pare, para sa pagiging responsibilidad mo. akala ko magkakaroon ng gagong ama ang batang iyon," Nagulat siya sa sinabi ko. Inabot ko ang kamay ko.

"i just want peace" Inabot niya ang kamay ko.

"sana maging mabuti kang ama" tanging sabi ko bago ako pumasok sa loob.

The Last Moment (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon