chapter 16

1.7K 31 0
                                    

Kabanata 16

The secrets are revealed..

“paano?” Nalilito na ako.

“Yuki, I am your twin sister. I’m Yumi.Naaalala mo ba noong nangyari ang insidente? Pinatay si papa, kinuha kayo ni mama? Tinago ako ni mama sa aparador sa kusina.Hindi mo ba maalala?”  Biglang sumakit ang ulo ko, Umupo ako sa sakit. Sinasabunutan ko na ang buhok pero hindi pa rin matanggal ang sakit.

“ah!” sigaw ko. Namimilipit na ako. Umupo na rin siya para daluhan ako.

“Yuki..” tawag niya.

Biglang dumating ang tatlo. Hindi ko alam kung paano nila ako natunton pero wala na akong pakialam ngayon. Pinupukpok na ng martilyo ang ulo ko sa sakit. Nakatalikod kami sa kanila.

“anong ginawa mo kay Maru?” tanong ni Liam kay Yumi. Hinawakan niya sa balikat si Yumi kaya napatingin siya sa tatlo. Biglang tumahimik si Liam. Alam ko..hindi rin sila naniniwala sa nakikita nila.

“Yuki, look at me” sabi ni King. Umupo na rin siya para tingnan ako. Binuhat niya ako.

“I’ll take care of her, make sure that woman will not run away” sabi ni King sa dalawa.

“YuKi..” tawag ni Yumi. Hindi ako makatingin dahil sa sakit.

“King..” tawag ko.

“shh,stay put” tinakbo niya ulit ako sa hospital. Kinabitan nila ako mga hindi ko mawari. Nag-usap sila tapos umalis. Nakatulog ako..

“mama..huwag mo akong iwan..” tawag ko sa mama ko.

“dito ka lang baby, titignan ko lang si Yumi.” Sabi niya bago ako iniwan. May putukan sa labas. Natatakot ako.  Tumakbo palapit si Yumi sa akin.

“Yuki, I’ll protect you” umiiyak rin siya.Yinakap niya ako ng mahigpit.Pumasok ang mama namin tapos kinuha si Yumi.

“mommy.. Yuki will be hurt” sabi ni Yumi sa mama namin.

“No, baby..she will be safe, kailangan mong magtago.” Hinila niya si Yumi palabas sa kwarto.

“ate yumi..” tawag ko. Bumalik si mama tapos tinago niya ako sa aparador sa kwarto. Biglang pumasok ang mga malalaking lalaki tapos kinuha kami ni mommy.Linagay nila ako sa loob ng luggage area. Pagkagising ko nasa loob kami ng isang bodega. Pumasok ang isang lalaki.

“anong kailangan niyo? Pera ba?” sabi ni mommy.

“hah, hindi namin kailangan ng pera. May prinsipyo kami.Ang kailangan namin hustisya. Tinanggal niyo ang mga empleyado sa pabrika at kompanya niyo. Nawalan kami ng trabaho, naghirap ang aming pamilya at namatay ang anak namin.Ngayon, ang paniningil kami.”Sabi ng lalaki.

“hindi namin kasalanan ang mga nangyari, kailangan naming magtanggal dahil nalulugi na ang kompanya. Napag-isipan namin ng mabuti, at alam naminna mahirap pero kailangan dahil iyon ang tamang gawin sa oras na iyon. Maraming mahihirapan sa sitwasyon kaya pinili naming magbawas ng mga trabahador.” Paliwanag ng mama ko. Tumawa ang lalaki.Nakakatakot siya.May hawak siyang baril.

“alam mo naman pala na maraming mahihirapan pero pinagpatuloy niyo pa rin, at huwag mo akong gawing bobo. Sinong mahihirapan?Kami? O kayong gahaman sa pera?” sabi niya.

The Last Moment (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon