Chapter 26

1.5K 25 0
                                    

Kabanata 26

I can't breath

"miss, gising, bawal matulog dito," may yumugyog sa balikat ko. Iminulat ko ang aking mga mata. Ang daming mga tao sa paligid. Nakakahiya! nakatulog ako dito ng isang gabi! mabuhay! Isusulat ko ito sa kasaysayan.

"pasensya po ate" sabi ko sa naglilinis na babae. Umupo muna ako tapos nag-ayos. Binuksan ko ang cellphone ko. 50 missed calls, sina ate, at King ang tumawag. Binuksan ko ang messages. Puro nasaan ako.. Pinatay ko ulit. Uuwi ako.

Pagkabukas ko ng pintuan..

"Yuki, saan ka natulog? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag namin" tanong ni ate. Hindi siya pinansin at pumunta ako sa kwarto. Nagpalit ng damit.. sinundan niya ako.

"alam mo ba na hindi kami natulog? tapos si King hindi umuwi, Hinanap ka niya, tapos pabalik-balik dito para tanungin kung umuwi ka" sabi niya. Tama pala ang ginawa kong matulog sa park. Ang sakit ng katawan ko.

"saan ka ba pumunta?"

"sa park"

"ano! sa park ka na tulog? ayos ka lang ba?" tanong niya.

"masakit likod ko" sagot ko.

"yuki, let's talk " sigaw ni King sa labas. Nataranta ako.

"Yuki, explain it to me" hinawakan niya ang balikat ko. Naramdaman ko ang init ng mata ko. Bwisit na luha ka, ayaw magpatalo.

"ate, lahat ng ginawa ni King ay para sirain ako, si katie ang minahal niya, when katie died, umalis siya para makalimot tapos bumalik siya para maghiganti sa akin, because I was the reason she died" gumaralgal ang boses ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni ate.

"e gago pala siya, buhay na buhay naman yang katie na yan, ano 'to? gaguhan?" galit na galit na sabi niya. Bigla siyang lumabas. sinundan ko siya pero sa may pintuan lang ako, ayokong makita si King.

"Yumi, I need to talk to your sister, pakiusap.."

"Lintik King, kakausapin? bakit King, sasabihin mong mahal mo siya? hihingi ka ng sorry? Akala mo ba robot ang kapatid ko? for goodness sake, you left her for 1 year, isang taong nagdusa siya sa akala niya kasalanan niya.putsa, lumayas ka, kahit nandito siya, hinding hindi ko siya papalabasin" sumilip ako. Papasok na sana si ate pero pinigilan siya ni King.

"please, just let me see her" Linagpasan niya si ate. Papasok siya. Binilisan kong tumaas sa kwarto tapos kinandado. alam ko duwag ako, pero ayokong masaktan. Ako ang nakipagkalas dahil alam kong sa huli ako rin ang maiiwan. Kay Katie pa rin siya babalik.

"Yuki.." sigaw ni King sa baba. narinig ko ang pagtaas niya. Tumakbo ako sa may pintuan para siguraduhing nakalock. ang lakas ng pagkatok niya.

"Yuki, please, kausapin mo ako, I can't take this, Listen to me babe" pakiusap niya sa labas. Nakasandal lang ako, nangangatog na ang binti ko.

"please King, nasasaktan na ako, itigil na natin ito" I can't breath..Hinawakan ko ang dibdib ko.

"ate!" sigaw ko. Naninikip..

"Yuki, open the door.." tawag ni King. Binuksan ko, I need help..

"King, anong ginawa mo?" galit na tanong niya kay King.

"ate, I can't breath" sabi kong lumuluha. Nakaupo na ako sa sahig. Dumilim ang paningin ko..

The Last Moment (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon