chapter 25

1.7K 27 0
                                    

Kabanata 25

the end of it..

Yuki's POV

Pakshet na damit ito, hindi maayos ayos.. Tumingin ulit ako sa salamin.

"YUki, tapos ka na bang magbihis?" tanong ni ate Yumi. Yes, umiwi siya para sa graduation ko. Pagkatapos ng puyat at gutom na pinalipas ko para sa thesis, makakatapos na rin. Ang saya ko. Everything is perfect, a perfect ate, friends, and a boyfriend.

Tumatawag si Shariphe

"shariphe?" sagot ko sa tawag niya.

"congratulation princess, sa wakas graduate na tayo" sabi niya. OO, kabatch ko siya e.

"yuki, can I come in?" Ang lintik kong puso, nagwawala nanaman sa boses pa lang ni King. I am so inlove..

"come in" sagot ko. Inayos ko ang suot ko. Nakangiti siya. Pinasadaan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"ang ganda ng asawa ko" sabi niya. Natatawa talaga ko, hindi ko alam kung joke lang ba niya ang pagtatawag niya sa akin ng asawa but i love it. Kinuha niya ang kamay ko at may nilagay na sa may pulso ko.

A bracelet.. may pangalan ako na nakasulat doon..

"ang ganda" sabi ko.

may konting handaan pagkatapos ng seremonya sa bording. Luminga-linga ako. Nasaan na si KIng? Lumabas ako. Nakita kong may katawag siya phone.

"I can't come, It's her graduation-," tapos hindi yata pinatapos ng katawag niya si KIng sa pagsasalita. Bumuntong hininga si King.

"sino iyon?" tanong ko. nagulat siya sa pagsulpot ko. Parang natutuliro siya.

"ha? wa-la, just a friend" sagot niya. Inakbayan niya ako tapos pumasok kami. Dumeretso siya sa kusina para tulungan si ate sa paghanda sa pagkain.

"ang saya mo ngayon Liam" sabi ni shariphe kay liam.

"okay na kami ni Krisha" sabi ni Liam. Kwinento niya kung paano sila nag-ayos. I am happy for him. Si shariphe nalang ang wala pang steady lovelife. Paano ba yan..

Maya-maya,  sumisigaw si Lorie sa labas.

"ah! multo!" sigaw niya.

"huwag niyong pansinin iyon, baliw talaga iyon" sabi ni Reshybell. Pumasok si Lorie na humihingal at takot na takot.

"may..may.. mul- mul- multo sa labas" bulol na sabi niya. pakshet nababaliw na nga.

MAy biglang pumasok na babae na nagpatayo ng aking mga balahibo. Napatayo ako sa kinauupan ko.

"katie?" nanginginig na tawag ko. Is this for real? totoo ang nakita ko noong isang linggo? siya ang nakita ko? Buhay siya?

"Yes Yuki, how are you?" iyon lang iyon? how am I? isang taong nakonsenya, sinisi ang sarili, tapos parang wala lang?

isang malaking PAKSHET!

How dare her lie that she's dead!

"you're a bigtime liar, Katie" sabi ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Tumawa siya.

"how does it feel to be guilty?" hah! ang lakas niyang tanungin ang naramdaman ko sa isang taon!

"masaya ka pa sa ginawa mo ha bitch?" sigaw na rin ni Lorie.

"shut up, huwag kang makialam" sabi ni katie kay Lorie.

"Hoy babae, wala ka sa teritoryo mo, nandito ka sa pag-aari namin kaya alamin mo kung saang lugar ka, huwag kang gago, ang lakas ng loob mong magpakita dito" sigaw ni Reshybell. Tumawa si Katie ng malakas.

"idiot, hindi mo pag-aari ang bahay na ito, you're just renting," sabi ni Katie.

Lumabas sina ate at King galing kusina.

"anong sinisigaw niyo?" tanong ng ate. Nagulat siya kay KAtie.

"who's she? may bisita ka?" tanong niya. She didn't knew.

"Katie.." tawag ni King.

TUmingin ako kay King. Nagulat din siya kay Katie..

"what are you doing here?" mas nagulat ako sa tinanong niya. Alam niyang buhay si Katie?

Alam niya!

"you knew?" mahinahon kong tanong. Hindi siya sumagot. Tumingin ako kay Katie na nakangiti lang. Lumapit ako kay King.

"alam mo? shit King! sumagot ka!" sigaw ko.

"yuki.." amo niya sa akin. Ngumiwi ako at lumayo sa kanya. He fucking knew pero hindi niya manlang pinaalam! Ang saya niya! Hindi ko napigilan at nasampal ko siya sa pisngi. Naluha ako sa ginawa ko.. nagulat si ate sa ginawa ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya tumakbo akong umalis.

"Maru" sigaw nila sa loob.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nakatsinelas lang ako at nakashorts.

"Yuki.." tawag ni KIng. Hindi ko siya pinakinggan. Nahabol niya ako. Hinawakan niya ako sa kamay.

"don't you ever dare touch me!" sigaw ko. Ang sakit isipin na gigagago ng akala mong perfect na boyfriend, ng isang naging kaibigan..at sa mismong graduation ko pa! pakshet lang!

 siguro si katie ang katawag niya kanina..

"ano, masaya ka na ngayong buhay pala siya? nagkabalikan na ba kayo? congratulation ha! ngayong bumalik na siya, pwede mo na akong ibasura, nandiyan naman na siya" ang sakit isiping naging panakit butas lang ako..

"yuki, nagkakamali ka ng iniisip, ikaw ang mahal ko" hindi ko pinakinggan. Sarado ang puso ko ngayon.

"putang ina yang pagmamahal na yan,let's stop it here" bigla kong sabi.

"what do you mean?" nalilitong tanong niya.

"let's end, ngayong bumalik na siya, I am letting you go" ang sakit sakit pero kailangan ko siyang pakawalan. Mas magmukha akong tanga kapag naghabol pa ako. Binilisan kong pumara ng taxi at sumakay. Bumuhos ang kanina pa nagtitimping mga luha ko.

"miss, okay lang po kayo?" tanong ng driver.

"ang sakit kuya" sagot ko. Ibinuhos ko ang sama ng loob ko sa kanya.Bumaba ako sa may park.

"kuya, bayad ko po" abot ko sa pera.

"okay lang miss, bumili ka nalang ng panyo" nagpasalamat ako kay manong driver, dahil sa kanya gumaan ng konti ang loob ko.

Umupo ako sa may bench.. Gumagabi na pero ayoko paring umuwi. alam kong marami pa akong ipapaliwanag kay ate pero hindi pa ako handang sagutin ang mga tanong niya. Papalubog na ang araw.. kasabay na ba nito ang paglubog ng aking puso ko?

The Last Moment (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon