chapter 17

1.8K 31 0
                                    

Kabanata 17

Ang nakaraan..

Dahil may pasok ngayon, pumasok ang dalawang graduating, sina Liam at King. sinamahan kami ni Shariphe sa ampunan.

“Sister” yinakap ko ang tumayong ina ko. Hindi kasi ako swinerte noong bata pa ako. Walang gusting umampon sa akin. Hindi ko alam kung dahil mataba ako at matakaw. Lumaki akong ang mga padre at madre ang mga magulang ko at mga kapatid ko ang mga nasa ampunan.

“Maru,” niyakap din niya ako ng mahigpit.

“magandang umaga po” bati ni Shariphe. Ngumiti si sister.

“Magandang umaga rin po” bati ni Ate Yumi. Tumingin si sister Angela sa kanya. Bigla siyang namutla.

“Sister, si Ate Yumi po, kambal ko..ipapaliwanag ko nalang po sa inyo mamaya. May mga kailangan lang po akong malaman na hindi ko kayang itanong noon” Huminga siya ng malalim.

“ano bang gusto mong malaman Maru?”

“Walapo bang sulat noon ang nang-iwan sa akin dito? Sa panahon pong iyon, may isip na po ako pero hindi ko pa rin po maalala kung paano ako napunta dito”

“ang tanging nasa bulsa ng suot mo noon ay isang papel, sandali lang” umalis siya tapos bumalik hawak ang damit pambata. Naalala ko. ito ang suot ko noong nangyari ang insidente.

“Nalabhan ko iyan dahil sa maraming dugo. Natakot kami noong dumating ka dito, Nakahandusay ka lang sa labas. Ito ang papel ..” kinuha ko tapos binasa ang nakasulat.

‘iiwan ko sa inyo ang batang ito, Shami Yuki Maru Jang ang pangalan niya. Palakihin niyo siya. Alam kong nasa mabuting kamay siya. Kung maghanap siya paglaki niya, ipaintindi niyo nalang na wala na ako.’ Ito lamang ang nakasulat.

“walang pangalan ang nagsulat, ang tanging naalala ko lang ay tinawag siyang Mang Tado” sabi ko.

“Maru, ang mahalaga lumaki kang maayos, iyon ang isipin mo, at ngayon may kaamag-anak kang makakasama mo” sabi ni sister.

Kumain muna kami tapos pinaliwanag kung paano kami nagkita ni Ate. Pagkaraan ng ilang oras, umalis kami.. Ang sumunod na pinuntahan namin ay ang dating bahay namin. Nasa harap kami. Naibenta ito ng mga magulang namin bago pa sila namatay kaya iba na ang nakatira ngayon. Nagpaalam kami sa may-ari kung pwedeng tignan lang namin. Pumayag naman siya.

Ang daming nabago, pumasok ako sa kwarto kung saan kami kinuha ng mama. Bumalik ang mga ala-ala ko dito. Dito kami naglalaro ni Ate ng bahay bahayan. Dito ang kwarto naming dalawa.

“Yuki, naalala mo bang palagi tayong nag-aaway kung sino ang may ari ng teddy bear sa kama?” Natawa ako. Oo, naalala ko.. Pareho kasi ang mga laruan namin pati mga damit namin.

“Ate, ang saya natin noon, si mama, si papa.. minsan nakikitulog dito” sabi ko.

Lumabas kami ng bahay na iyon dala ko ang mga ala-ala sa tahanang iyon. Pumunta kami sa lugar kung saan pinatay si mama.. Pumasok kami sa bodega kung saan kami kinulong.

Biglang sumakit ulit ang ulo ko..

“ah!” sigaw ko.

“Maru..huwag pilitin kung hindi mo pa kaya” sabi ni shariphe.

“Yuki..after ng insidente, hindi ako pinapunta dito, hindi ko nakita si mama. After ng nangyari, biglang naglaho ang mga kamag-anak natin. Nagsialisan ng bansa dahil kinakahiya nila ang pamilya natin. Dahil masisira daw ang reputasyon nila kung kukunin nila ako. Iniwan nila ako dito.  Sa awa ng Diyos, may kumuha sa akin. Si mang Garry, isa siyang pulis. Pero mahirap sila at maraming anak kaya ipinunta niya ako sa isang ampunan,doon ako inampon ng mga koryano at pinunta  sa korea.” Mahabang paliwanag niya.

The Last Moment (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon