chapter 4

2.9K 53 0
                                    

Kabanata 4

Ang drama ni King Alejandro

Pagkatapos ng pagiging super hero ng tatlo, iniwan ko silang tulala. Kung nasa Israel lang tayo, nuclear bomb ang pinasabog ko pero dahil nasa Pinas tayo, missile bomb muna. Sumusugod kasing hindi inaalam ang nangyayari.

Kumain muna ako sa labas bago umuwi, naisip ko si King, hindi pa pala nagdidinner. Linabas ko ang phone para tawagan siya. After ng ilang ring, sumagot siya.

“Anong kailangan mo mahal na prinsesa, pagkatapos mong magwalk out,tatawag ka nalang? Umaabuso ka na, akala mo ba palalagpasin ko ang pagiging maldita mo at-”

“bakit may reklamo ka? Pinapaalala ko lang na may natitira pa akong pitong utos para sa’yo” putol ko sa sinasabi niya. Maldita?hah, paano pa kaya pag mas malala pa ang gawin ko?ano ng tawag doon? Natahimik siya.

“Kumakain ka na ba? Kumain ka na..” sabi ko.

“inuutusan mo ako? Pwes ibawas mo iyan sa natitirang utos mo!” pinatay niya ang phone.

“hello King!muchacha!” shit!binabaan niya ako. Galit na binulsa ko ang phone ko.

“ano?! Hindi kita inutusan! Bwisit ka..anong pakialam ko kung hindi ka kumain?ha!” sigaw ko.

“miss, may kausap po kayo? Nasa restaurant po kayo, wala sa bar, at saka bawal po ang lasing dito” sabi ng waitress.

“Hindi ako lasing! At saka bakit pati dito may discrimination? Asan ang kasulatan na bawal ang lasing na kumain ? anong article? Tss..meron ba sa bibliya,anong chapter? Ha! I can’t believe this” sigaw ko sa waitress. Nagulat siya. TUmungin ako sa paligid. Shami, ano ka ba, ang eskandalosa mo talaga. panindigan mo iyan.

“sinasabi ko lang ang nararamdaman ko, I have all the right to speak, o bayad, keep the change” malakas na sabi ko. Hindi ko na tinapos ang pagkain ko tapos lumabas ng restaurant. I shall not return..

Kasalanan mo King ito. Nakakinis talaga. Inisip ko ang apat na utos ko. Bakit parang napunta sa wala? Una, emergency iyon pero nakita niya akong nakahubad, pangalawa iyong inutusan ko siyang bumili ng napkin at pagkain pero hindi siya bumili ng pagkain kaya kami lumabas, napahamak naman ako. Pangatlo, I ask him to shut up na ikinagalit niya at nauwi sa ika-apat na utos na hindi ko naman talaga inutos. Ano ba yan!ang gulo! Ikaw nga ang muchacha at ako ang kamahalan pero bakit parang nabaliktad? Nakakainis talaga.

Naglakad ako sa pauwi, malapit naman na basta iba ang daanan kong kalsada baka maabutan ko pa ang mga humabol sa amin. Palapit pa na ako nang may nakita akong babaing naglalakad tapos biglang natapilok. Muntik na ang matawa sa itsura ng pagkakatapilok niya. Naputol ang heels ng isang sandals niya. Malapit na ako sa kanya. Lalagpasan ko nalang siya na parang walang nakita..

“miss, can you please help me?” tawag niya. Lakad lang..huwag mong pansinin, baka mamaya kunwari lang iyan at kasabwat pala ang gang na kumikidnap tapos ibebenta ang lahat ng laman mo o di kaya gawin kang disco girl na nakahubad at worst kung wala ka ng kwenta papatayin at itatapon lang sa mga buwaya.

“Miss, please? I think nasprain ang paa ko” maarteng sabi niya. Ano ba shami! Gumagana nanaman ang konsensiya ko. Lumingon ako, mukha namang mabait pero ganoon naman ang pasikot nila diba? Bahala na..

“kaya mo bang tumayo?” tanong ko. Pinilit niyang tumayo.

“masakit ang kaliwang paa ko” sabi niya. Kumapit siya sa akin. Hawak niya ang naputol na heels.

The Last Moment (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon