chapter 27

1.7K 27 0
                                    

Kabanata 27

the last chance..

Nagising ako dahil may nagpisil sa aking kamay.

"babe" boses pa lang niya alam ko na kung sino. Iminulat ko ang aking mga mata. Nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang adams apple.

"babe, I’m sorry" Putsa, ito nanaman, magsisimula nanaman. Sumasakit nanaman ang puso. "hindi ko alam na buhay siya hanggang sa nagpakita siya noong nakaraang araw. Hindi ko alam, Yuki. Paniwalaan mo naman ako. Nagsinungaling siya na namatay siya, and I know it hurts like hell na sa iyo niya iniwan ang kasalanan pero kahit kailan hindi ako naniwala." Nangingilid ang mga luha ko.

"King, iwan mo muna ako," pakiusap ko. Sa ngayon, hindi pa rin bukas ang isip ko. Pumasok si ate.

"Let her rest King" sabi ni ate. Tumungo lang si King tapos tumingin sa akin.

"babe, hindi ako susuko sa atin," hinalikan niya ang noo ko bago lumabas. Pagkalabas niya, bumuhos na ang luha ko.

"shhh, it will be alright," yakap ni ate sa akin. Ang sakit-sakit pa rin. Natatakot akong kung tatanggapin ko si King ulit ay paulit-ulit akong masasaktan dahil alam kong hangga’t hindi sumusuko si Katie ay magugulo at magugulo ang mundo namin dahil alam kong siya pa rin ang pipiliin niya dahil siya ang una.

"ate, mahal na mahal ko siya pero bakit ang sakit"

"I know, this is love, minsan kailangan nating masaktan dahil dito tayo natututo. Kung nararamdaman mong hindi mo na kaya, let it go, dahil hindi ko kayang nakikita kang nasasaktan. You are my little sister and If you're hurting, nasasaktan din ako, kambal tayo e." tama bang pakawalan ko si King?

'babe, hindi ako susuko sa atin'

naalala kong sabi ni King kanina. Gusto ko nang sumuko ng isip ko pero tang inang puso to, ayaw makiayon sa isip ko. paano ako susuko kung alam kong guguluhin pa rin ni King ang puso ko.

"pero kung sa tingin mo, you'll be happy with him, hindi ako kokontra, doon ka masaya e, kahit masakit, kayanin mo" dugtong ni ate.

Nakalabas ako ng ospital pagkalipas ng dalawang araw. Dahil sa depression and fatique kaya daw hindi ko kinaya ng katawan ko. Pagkalabas namin, nakita ko si King na may hawak na bulaklak. Tapos nakita ko si Liam na may hawak na I'm sorry na nakatarpaulin tapos si Shariphe na may hawak na babe. Lumapit si King.

"babe, please forgive me" lumuhod siya. Napanganga ako. Ang daming pasyente sa paligid.

"King, tumayo ka diyan" sabi ko. Nakakahiya.

"I won't, naiintindihan ko kung ayaw mo pa rin akong mapatawad ngayon, but please Yuki, don't be cold, you can punch me, saktan mo ako kaysa hindi mo ako pansinin," Nakita kong may luhang tumulo sa mata niya.

"king, kung nasasaktan ka, mas nasasaktan ako, hindi ko alam kung pagkakatiwalaan pa ba kita, nakikita mo ba na pareho na tayong nasasaktan? let's break up" sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko nasabi iyon kahit labag sa puso ko. Bigla niya akong niyakap sa tuhod ko.

"babe, no, I can't, I love you so much, hindi pa ba sapat na mahal kita? Katie was nothing, Kung iniisip mong mahal ko siya, no! tang ina, ikaw lang ang mahal ko, You are my everything Yuki" nababasa na ang pantalon ko sa mga luha niya.

Lintik na puso 'to, ang MAMON! bakit ayaw niyang makinig sa isip ko. Tumingin ako kina Liam at Shariphe na nakikiayon na rin kay King. Umiiyak na rin sila. Hindi ko na rin kayang nakikita siyang nasasaktan. Lumuhod ako..

"King, mahal na mahal din kita, pero mahalaga ang tiwala sa akin, And now, I can't trust you, You lied big time, pakiramdam ko kasi naging tridor ka. You loved her, at alam kong siya ang pipiliin mo, and I saw how you cried for her, and now she's back, how can I be so sure na hindi ka babalik sa kanya? King, masakit na ngayon kahit iniisp pa lang na ako rin ang masasaktan." umiiyak sa sabi ko sa kanya.

"babe, ikaw ang nauna, since i met you, ginawa ko ang lahat para walang lumapit sa iyo dahil alam kong hindi titigil ang mga lintik na lalake sa panliligaw sa iyo, when we were in highschool, tinakot ko lahat ng lalakeng lumalapit sa iyo. Alam ko napakaselfish ko pero wala akong magagawa kung ang puso ko ang nagsalita. You were part of my past and my present, at gusto kong sa hinaharap ikaw pa rin ang kasama ko." pinunasan niya ang mga luha ko.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at puso ko. Nag-uumapaw ang pagtibok nito. I'll give him the last chance his asking, and really the last time. Itatatak ko ito sa buong sistema ko.

at sa huling pagkakataon, if he gonna break his promise, ang isip ko naman ang papaganain ko..

The Last Moment (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon