chapter 29

1.6K 29 0
                                    

Kabanata 29

may anak siya..

King's POV

Tinitigan ko ang mahal ko, yakap niya ang kumot. Hinaplos ko ang pisngi niya. Pinikit ko ang mga mata ko. Hiniling ko na sana sa bawat paggising ko sa umaga, siya ang una kong makikita. Hinalikan ko siya sa noo bago bumangon. Naligo muna ako bago lumabas sa kusina. Habang nagluluto ako, may kumatok sa labas. Pagkabukas ko, nagulat ako sa nakikita ko, Si Katie, may hawak na sanggol. Sumakit bigla ang ulo ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko.

"Katie, anong ginagawa mo dito?" Tumingin lang siya sa sanggol. Tapos tumulo ang mga luha niya.

"King, this is the reason why I left you for one year, nahiya ako sa mga sasabihin ng mga tao," Tumingin siya sa mga mata ko.

"What the hell are you saying? Ano nanamang pakulo ito? Katie, hindi mo ba naiintindihan na hindi na kita mahal, hindi na!"sigaw ko sa kanya. Biglang umiyak ang sanggol na hawak niya.

"King, i was pregnant when I left you"

"tell that to your fucking boyfriend" turo ko sa kanya. Hindi ko na mapigilan ang galit ko. Humagulhol siya.

"King-" lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang siko ko. Tumingin ako sa sanggol na hindi pa rin tumatahan sa pag-iyak. "King, hindi mo ba nararamdaman? Ikaw ang ama, anak mo siya,he's your son!" nagmamakaawang sabi niya. Hindi ko matanggap, oo, may nangyari sa amin pero hindi na siya virgin ng makuha ko siya. Nalilito ako, pagkalingon ko sa may hagdan, nakita ko si Yuki na umiiyak..

Yuki's POV

Pagkagising ko, wala na si king. pagbaba ko, nakita ko si Katie na nakahawak sa siko ni King. Sa lahat, ikinabigla ko ang hawak niyang sanggol.

"Ikaw ang ama, anak mo siya!" sigaw ni Katie.

Hindi ako makagalaw, parang nakapako ako sa hagdan. Hindi ko magalaw ang mga paa ko. Kung nanaginip ba ako? Tama ba ang mga naririnig ko? May anak si king. Nanginig ang mga tuhod ko kaya napakapit ako sa may hagdan. Hindi ko na makita ang mga mukha nila dahil sa luha ko.

Tinitusok ang puso ko, ang nararamdaman ko ngayon ay parang pusang ligaw. Nanliit ako sa sarili ko, Pagkatapos kong ibigay kay King lahat ng pagkatao ko, madadatnan ko lang na may anak siya. Pinunasan ko ang mga luha ko. Tumingin ako kay King. Tinulak niya si Katie at patakbong lumapit sa akin.

"babe-" sinampal ko siya. Nanginginig ako sa galit.

"masaya ka na ba? ha! King, masarap ba? Natikman mo lang ako, sinuka mo agad ako! puta King, maniniwala na sana akong ginagawa mo lahat ng ito dahil mahal mo ako pero may nauna ka pa palang nalasahan, mapait ba iyong akin o sadyang mas masarap sa kanya-" Naramdaman ko ang palad niya sa pisngi ko. Ngayon, hindi haplos kundi isang malakas na sampal. Napatawa ko sa ginawa niya. Ito ang unang beses na ginamitan niya ako ng dahas.

"yuki-"hahawakan niya sana ako pero pinigilan ko siya.

"huwag na huwag mo akong hahawakan, you suck King, iyong konting-konting tiwala ko, hindi ko na alam kung may natira, that child of yours, you better care.. whatever!" Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang mga gamit ko. Pagbaba ko, nakita ko si King na karga at tinatahan ang sanggol. Isang malakas na sampal sa akin na may anak siya. Dumaan ako sa fire exit..

Naalala ko noong nag-uusap sina Travier at Katie, noong itinulak ako ni Katie sa pool. ang sabi niya she's pregnant, ang akala ko kay Travier, pero nagkamali ako, ang tanga-tanga ko kung bakit hindi ko naisip na posibleng may nangyari sa kanila. Ang sakit masyado, hindi lang sa pride kundi tagos na tagos sa buong pagkatao ko. I'm out of his life now, ngayon ang mag-ina naman niya ang papasok sa buhay niya.

The Last Moment (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon