chapter 8

2.2K 35 0
                                    

Kabanata 8

dahil sa awkward moment

Maaga akong pumunta sa school, I need to search something before everyone arrives. Five in the morning, nandito na ako.

“Kuya bawal matulog kapag umaga na,” nagulat si kuyang guard na malapit makatulog.

“miss Jang, ang aga mo naman yata,  nagsusungit nanaman ba ang manager mo?” tanong niya.

“Bumait na Kuya, natakot kay King,”

“buti naman hindi ka na pinapahirapan,”

“sige Kuya, may gagawin pa po ako kaya napaaga” sabi ko. Nagpaalam ako. Lahat yata ng guards kaclose ko. Kapag nakalimutan ko ang Id ko, pinapapasok ako. Hindi ko naman inaabuso, sadyang kapag nagmamadali ako nakakalimutan kong isuot.

Sumakay ako ng elevator pataas ng 11th floor. Nakakatakot pala kapag mag-isa mo sa elevator, ang daming pumapasok sa isip mong kababalaghan. Dali-dali akong lumabas, natakot ako doon ah. Pumasok ako.

‘Please observe silence’ nabasa ko sa pintuan.

Nasa library ako ngayon. Dumudugo ako kapag pumapasok ako dito.. take note,sa utak.. May kailangan akong hanapin na libro. Naghanap-hanap ako sa shelves. May bigla akong naalala, shelves..books.. THE KISS..

“Ah! Bwisit talaga, kailangan ko pang gawin ‘to dahil sa’yo!” sigaw ko.

“Miss, bawal pong sumigaw dito, nasa library po kayo, wala sa bar” sabi ng librarian.

“sorry” lumipat ako ng shelves. Dalawang beses na akong sinabihan ng ‘wala ako sa bar’,una doon sa restaurant, noong nagpaka-hero ang tatlo. It’s all King’s fault.

‘When you’re trap in an awkward moment’ title ng libro na nakita ko. Kinuha ko at binuklat.

“maybe this book will give me tips” sabi ko. Hiniram ko ang libro bago bumaba. Dumiretso ako sa ice cream parlor. Walang tao kapag umaga doon kaya doon muna ako magbabasa. May sarili akong susi kaya binuksan ko tapos sinara ulit. Mamaya pa ako magbubukas. Naghanap ako ng pwesto. Then I started reading.

awkward moments..

 kapag nakita mo ang ex mong may kasamang iba, pinakilala ka pa..boom panes! Astig ang author nito ah.

Kapag bumili ka ng napkin sa may kanto at lalake ang bantay..

Kapag nasa gitna kayo ng usapan at bigla kang umutot

Kapag nagkulangot ang boyfriend/girlfriend habang nag-uusap kayo.

Kapag nasa cr ka, naghihintay para lumabas ang tae’ Iww..saan ba ang patutunguhan ng awkward moment na ‘to. Binuklat ko sa susunod na pahina. I need something. May nahanap ako.

‘when a friend just kiss you in hot moments’ napaubo ako. Pinagpatuloy ko.

‘tips to face him/her after..

P.S. this is only for those who want their relationship to stay the same.

1.      Make sure, may kausap ka kapag paparating siya,kailangang tumatawa ka, tapos lumingon ka kapag nasa harap mo na siya.

2.      Batiin mo siya at sabihan ng joke.

3.      Kailangan may tumawa, pwede na iyong kasama mo.

4.      Humiram ka ng kahit anong bagay na pwede mong ibalik sa oras ding iyon. This is to make the situation normal.

5.      Hilahin mo siya sa kahit saang lugar na pwede kayong mag-usap

The Last Moment (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon