Prologue

1 0 0
                                    

Sabi nila, mamahalin mo ang isang tao kahit na hindi ka masusuklian nito.

Mamahalin mo ang isang tao kahit na ang puso nito ay hindi sayo.

Mamahalin mo din daw ang isang tao hanggang sa huling hininga mo.

Pero mapapanatili mo ba ang pagmamahal mo sa kaniya ng hindi nagmamahal ng iba?

Mapaninindigan mo kayang maging tanga kahit nasasaktan ka na?

Lalaban ka ba kahit na talo at nahihirapan na?

Sabihin na nating mahal mo siya "Habang-Buhay" pero anong laban niyan kung ang buhay ng tao ay may katapusan, may hangganan.

Anong magagawa mo kung kahit sa huling hininga mo sa mundo, hindi ikaw ang mamahalin at hahalikan niya?

Na kahit isang halik mula sa labi niya ay hindi mo man lang makukuha.

Hindi ako naniniwala sa "Happy Ever After" pero sa,

"True Love Kiss To The One You Truly Love." Oo.

Dahil pwede kang magkagusto sa ibang tao, pero isa at isa lang ang mamahalin mo hanggang dulo. "Dalawa mahal?" Hindi rin ako naniniwala diyan. Dahil maaaring naaawa ka lang sa isa, o gusto mo lang siyang makitang masaya. Isa lang ang puso, so paanong dalawa o higit pa ang mamahalin mo? Kahibangan na 'yun kung maituturing.

"We'll Make Thousand Kisses Before Our Goodbyes."

Pero pa'no kung kahit isa ay hindi mo magawa. Magiging meaningful pa kaya ang pagmamahal mo, kung hindi mo mahahalikan ang labi ng tunay na minahal, mahal, at mamahalin mo? Kung mapunta ka man sa ibang tao, magagawa mo kayang lokohin ang sarili mo? Kung kilala at kilala ng puso mo ang tunay na tinitibok nito.

Lalaban ka ba hanggang dulo? O matutunan mong sumuko?

"Te Amore, Saranghae, I Love You, Mahal Kita."

Isang Tao sa Isang Puso, at Isang Puso para sa Isang Tao.

No more.

No less.

No fools.

No stupidness.

__________







Note from the cloud:

Dahil common na ang mga ganitong stories siyempre hindi ako papayag na maging plain at katulad to ng iba para naman hindi kayo mabored. Siguro lalagyan ko ng mga unexpected scene at mga kababalaghan like maging aswang -yung bida ganun. Hehe. Pero it's up to you kung babasahin mo ito, natripan ko lang kasi magsulat ng ganito kasi I feel unlove. Charot. Wala lang akong puso so k thnx bye. (unedited. insert kajejehan.)







Story by @eight








I am a Cloud

A Thousand Kisses Before GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon