Keal's Pov
"Nailigtas mo sana sila mama at papa noong araw na 'yon. Kung hindi lang dahil sa halang ang kaluluwa mo. Kung hindi ka lang sana makasarili. Minahal ka nila pero 'yun ang isinukli mong halimaw ka." sumbat ko sa kaniya matapos kong maalala ang pinakamasakit na pangyayaring 'yon sa buhay ko na hindi ko kailanman makakalimutan dahil kasama kong mababaon 'yon sa sarili kong libingan.
"Eh ang kaso, ayoko silang iligtas. Kayo. Sabi mo nga, halimaw ako." tila ba proud niya pang puri sa sarili. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi siya gustong tanggapin ng impyerno pag namatay na siya. Dahil wala namang kaluluwa ang kausap kong 'to eh. "Saka 'di ba nga, hindi ko kailanman hiniling na mahalin niyo ako bilang pamilya niyo, paulit-ulit naman tayo bunso eh. At alam mo naman, noong araw na 'yon, wala talaga akong balak na iligtas kayo. Swerte mo nga ikaw ang nabuhay sa inyong tatlo eh. Sana ang mama mo nalang. Para magkaroon ako ng katulong sa bahay. Hindi ikaw, na wala namang silbi sa akin."
Mabilis akong dumampot ng maipangbabato sa pagmumukha niya. Malakas lang siya kay satanas kaya nagawa niyang umilag.
"Mukhang gustong-gusto mo ng tapusin 'to kapatid."
"Buti naman alam mo. Hindi na ako makapag antay pang panuoring ibaba ang kabaong mo sa hukay at unti-unting kainin ng lupa ang nabubulok mong katawan't kaluluwa." hindi ko na kontrolado ang emosiyon ko dahilan para mawala sa isip ko ang tungkol sa pagligtas kay Frances. Pag tapos na kami ng demoniyong ito, pangako France, hahanapin kita para mailigtas. Hindi kita bibiguin. "Ano, tapusin na natin 'to ngayon, Kuya." binigya ko ng diin ang huling salita bilang labas naman sa ilong ko na tawagin siyang ganon.
"Sige ba. 'Wag kang mag alala. Mabilis lang 'to. Mga 2 minuto okay na ba?"
"2 minuto? Hindi sapat 'yon para sa ilang taong ninakaw mong oras sa amin ni mama. Pati narin ng sarili mong papa. Demoniyo ka. Dapat sayo, hindi na alisin pa sa impyerno. Walang kapatawaran para sa mga nagawa mong hayop ka! Hindi ka dapat kaawaan. Hindi sapat ang 2 minuto lang para sa kasalanan mong katumbas na ng buong buhay mo."
"Oh, akala ko ba gusto mo ng matapos ito?"
"Matatapos nga, pero hindi magiging ganon kadali. Ano ka? Demoniyong sinuwerte?"
"Siguro nga. Ikaw ba? Sa pagiging anghel mo sinuwerte ka na? Pwes ngayon, ibibigay ko ang malas mo." inilabas niya ang isang maliit na device mula sa kaniyang bulsa. At hindi ko gusto ang agad na itinakbo ng isip ko. "3 minuto. Total naman nagkasilbi ka sakin kahit minsan. Hindi ko naman kakalimutang may pinagsamahan tayo, hindi katulad mo-"
"ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO?!!"
"KEAL! BOMBA!" pareho nga kami ng iniisip ni Jeann pero ayokong maniwalang totoo nga ang mga iniisip namin.
"Shh! Obvious naman eh, kailangan pa talagang isigaw?" tila wala lang sa kaniya na kahit siya eh pwedeng mamatay kung magpapasabog siya ng bomba ngayon. "So, Keal. Bunso. Timer start now na ha?-"
"Markes itigil mo 'to!-"
"Toot. Napindot ko na. Pero nasaan kaya ang bomba? O baka, nakanino kaya?"
Tama nga ang itinatakbo ng mga bagay sa isip ko. Halos manlumo ako ngayon iniisip ko palang. Alam kong sobra ko ng nasaktan si Frances ngayon palang at kung mapahamak pa siya ng dahil sa akin ulit, hindi ko alam kung kakayanin pa bang bitbitin 'yun ng konsensiya ko. Namatay ang mga magulang ko dahil sa akin. Ngayon isang buhay pa ng taong nagmamahal sa akin ang mawawala. Lecheng sumpa 'to.
BINABASA MO ANG
A Thousand Kisses Before Goodbye
RomanceA Thousand Of Kisses To The One You Truly Love Only To That One Person No More No Less No Fools No Stupidness