"TUMIGIL KA! TIGIL!" nagulantang naman siya dahil sa sigaw ko. Eh kahit ako nagulat eh. Akala ba niya maiisahan niya ulit ako? Leche siya kung gano'n. "Akala mo makakaisa ko ulit sa akin?! LECHE!!" sigaw ko at kinuha 'yung box ko saka tuluyan ng inihampas sa mukha niya. Gusto mo ng ginto ah. Pero mabait ako kaya tanso lang.
Padabog kong binuhat 'yung kahon ko at tuluyan na siyang tinalikuran. Leche kasi siya eh. Hindi marunong magseryoso pag seryosohan. Seryoso kaya ako duon sa mga sinabi ko. Leche. Sayang ang mga words of wisdom ko. May pa-quote pa naman ako.
"Hey Mama France!"
Napalingon naman ako agad dahil sa itinawag niya sa akin. "ANO?! LECHE KA TALAGA AH!" singhal ko pa.
"Will you always be there to cover my ears from my fears?" maamo niyang pagtatanong. Seryoso na kaya siya?
"Anong punto niyan?" usisa ko.
"You know. Staying by my side. Forever?"
" I already told you, don't live covering your fears. At mas lalong 'wag kang umasang may Batman na laging sasagip ng araw mo. Don't expect anything to others because they will only disappoint you. 'Wag kang aasa sa kamay na ilalahad ng iba. Meron ka rin naman. Dalawa pa." nginisian ko pa siya at iwinagayway ang dalawang palad ko kahit may bitbit akong kahon. "Gamitin mo 'yung sa 'yo. Dahil sa 'yo 'yan."
Nginitian ko nalang siya at saka na tuluyang tinalikuran. Nabigyan ko ba siya ng malinaw na sagot sa tanong niya? Hindi ko naman siguro siya nainsulto noh?
♡-♡
"Bakit late ka?! Ganyan ka ba talaga ka unprofessional sa trabaho mo?!"
Boses niya agad ang bumungad sa tenga ko. Kung alam ko lang na siya pala ang tumatawag edi sana 'di na ako nag effort na sagutin 'di ba? Naistorbo pa ang pagtulog ko leche.
"Boss ba kita? May trabaho ba ako sa 'yo? BAKIT KA NANG IISTORBONG LECHE KA SA KALAGITNAAN NG PAGHIGA KO SA KANA HA!!" sigaw ko pabalik sa kabilang linya. 'Di ba nga, masamang galitin ang bagong gising.
"You're my employee. So basically, boss mo na ako. SO DON'T YOU SHOUT AT YOUR BOSS IN PHONE AT LALO NA SA PERSONAL! Subukan mo lang."
"Ha? Dapat ba akong matakot do'n?" nagkusot na ako ng mata dahil 'di ko na maibabalik pa panigurado 'yung tulog ko. "'WAG MO RIN AKONG SIGAWAN DAHIL UNANG-UNA SA LAHAT, HINDI TAYO CLOSE! PANGALAWA, HINDI KITA BOSS! PANGATLO, HINDI MO KO EMPLEYADO! PANG APAT, 'DI AKO TUMATANGGAP NG SAHOD SA 'YO! PANG LIMA, WALA AKONG BENEPISYONG NAKUKUHA SA 'YO! PANG ANIM, WALA AKONG PINIRMAHANG KONTRATA SA 'YO! PANG PITO, WALA AKONG TINANGGAP NA TRABAHO GALING SA 'YO! PANG WALO, HINDI AKO NAGTRATRABAHO SA RESTAURANT MO! PANG SIYAM, ULIT-ULITIN MO 'YUNG UNA SA LAHAT!!" sunod-sunod kong bira. "LECHENG UMAGA!" binaba ko na ang tawag.
Leche!!! Nasira 'yung tulog ko kainis!! Sa pagkakatanda ko lang ah, nag resign na ako sa restaurant niya, oo nag apply ako doon pero nag resign din ako agad! Ni hindi nga ako nagtrabaho du'n ng maski isang oras eh. So ano 'tong itinawag niya sa akin na late to your work, late to your work?! At tinawag pa ako ng leche na unprofessional ah.
Ako ata ang pinaka-professional sa trabaho na makikilala niya sa buong buhay niya!
At teka, paano niya nakuha ang phone number ko? Itinabi niya ba ang resume ko? Lecheng stalker. O siguro, dinial niya number niya sa cellphone ko. Total naman magaling siyang manikwat ng cellphone eh. Ex-convict nga.
Manyak na, holdaper pa.
"LEEEECCHHHEEEEEEE!!!!"
*beep-beep*
BINABASA MO ANG
A Thousand Kisses Before Goodbye
RomanceA Thousand Of Kisses To The One You Truly Love Only To That One Person No More No Less No Fools No Stupidness