Chapter 8:You Know When It's Time To Say Goodbye

1 0 0
                                    

"Sige na umalis ka na. Gusto ko makita kitang umalis muna." pagtataboy ko kay Keal na inihatid ako dito sa tapat ng condo namin. Katatapos lang namin sa paglalakad galing playground. At ramdam ko parin 'yung halik niya sa labi ko na sa tingin ko eh huling beses na.

Ganon talaga 'yon noh? Sa huli mo lang talaga malalaman ang halaga ng isang bagay kung kailan oras na nito para mawala sa buhay mo. Kaya naman pala laging nasa huli ang pagsisisi.

"Hindi, ikaw muna. O gusto mo ihatid pa kita hanggang sa loob ng kuwarto-este unit niyo?"

"Keal ano ba!" pinanlakihan ko siya saka naman siya bumulalas ng tawa. "Hahahahaha. Leche ka talaga. Sige na mauna ka na." sinabayan ko nalang din ang pagtawa niya.

"Hindi. Ayoko star-"

"Star?"

"Naisip ko lang na ito na ang magiging callsign natin since gustong-gusto mo ang nga bituin. Gusto mo rin bang magkaroon ng anak kasing rami ng star?"

"Sira!"

"HAHAHAHA!"

"Lumayas-layas ka na nga sa harapan ko! Baka gusto mong makakita ng mga bituing umiikot sa ulo mo?!" paninindak ko sa kaniya.

"Hindi. Hindi hangga't hindi nakakapasok ang star ko-"

"Keal naman!"

"Okay sige. Chill lang. Kung tatawagin mo din akong star, aalis na ako."

Inirapan ko naman siya. "Not a chance." madiin kong sagot.

"Star... baby star. My star..." paglalambing niyang sabi para pilitin akong sabihin ang korni niyang callsign na imbento.

"Iih! Keal naman! Umuwi ka na please 'wag ng makulit?!"

"Star. Star... star, star, star. My twinkle, twinkle little star. How I wonder what you are. How beautiful are you up above. Do you see me, staring at you every night?" paulit-ulit niyang banggit saka pa kumanta na pinalitan niya ng sariling lyrics. Napaka-creative ha. In fairness.

"Keal." pagseseryoso ko ng mukha pero patuloy niya parin kinanta ang imbento niyang lyrcs para patuloy akong pilitin. "Keal!"

"Star?"

"Okay! Uwi ka na star. Please." sumuko narin ako. "Aissh! Korni mo talagang leche ka!"

"Okay my star. Goodnight star. Sweetdream star. Don't look at other star okay star? And don't twinkle for other eyes too."

Bigla lang ako may naalala matapos niyang sabihin 'yon. Kaya nabigyan ko siya ng malungkot na ngiti. Mabuti nalang at hindi na niya pinansin 'yon at tinotoo na nga niyang aalis siya. Pinanood ko siyang hanggang siya ay makalayo. Bakit nasasabi niya ang mga bagay na 'yun sa akin pero siya mismo ang hindi makagawa?

Simula nong unang araw na magsinungaling siya sa akin, iniisip ko kung kailan ba niya balak magpakatotoo sa akin. Araw-araw akong nag aantay at tinitiis ang sakit. Hangga't kaya ko, gusto kong siya mismo ang magsabi ng mga bagay na 'yun at marinig ito galing mismo sa mga labi niya.

A Thousand Kisses Before GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon