Huminto na ang kotse sa harap ng condo namin ni Jeann. Tulala parin ako. Simula ng sumakay ako sa kotse niya hanggang sa makarating kami dito, wala akong ibang inisip maliban sa kung nasaan ba ang isip ko kanina.
Napakarami ko ng katangahan sa buhay. Ayoko namang pati sa pag ibig maging tanga ako. Pero kung ibinibigay na ito ngayon ni tadhana which is, hiniling ko din naman, dapat ko na ba itong i-grab? Or wait, tama bang itong tanong na ito ang iniisip ko sa mga oras na 'to? Handa na ba ako? Handa na ba ang puso ko para sa ganitong pagmamahal? Wait ako ang sasagot sa sarili kong tanong ah, hindi. Hindi pa at hindi ko pa talaga naiintindihan ng lubos ang buong sitwasiyon.
"Hey, balak mo bang matulog sa kotse ko? Pwede naman alam mo, may kumot ako sa compartment. Kaya lang isa lang 'yon, are you okay sharing blanket with me?-"
Binigla kong buksan ang pinto ng kotse para lumabas kaya naman napaatras siya. "Anong ginagawa mo?" diretiyo kong tanong.
Napakunot naman siya ng kaniyang noo. "Ginagawa like what?" seryoso lang akong nakatitig sa kaniya. "Oh, I see! Bumalik ka ulit sa loob ng kotse."
"Ano?!"
"Tinatanong mo kung anong ginagawa ko hindi ba? Pagbubuksan kita ulit ng pinto. Sorry nakalimutan kong gawin 'yun kanina but we can do a take 2."
"Sir Keal, hindi po 'yun ang ibig kong sabihin."
"Wow. Bigla kang naging magalang. Akala ko ba hindi mo na ako tra-tratuhing boss pagtapos na ang shift mo?"
"Seryoso ka ba?"
"Sa?"
Nasapo ko nalang ang noo ko dahil sa sinagot niya. "Ano ba 'tong iniisip ko. Thank you sa paghatid Sir. Goodnight po."
Sinasabi ko na nga ba. Hindi pa talaga ako handang pumasol sa kahit anong relasiyon. Ngayon pinaasa ko lang ang sarili ko. Edi nasaktan ko lang din ang sarili ko. I define love in my own words pero ni maski nga pala ako hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng salitang ito. Leche.
"I'm serious. Gusto kita Frances. Sorry kung minamadali ko ang lahat. Naisip ko lang na ayoko lang magsaya pa ng oras dahil sigurado naman na ako sa nararamdaman ko. I love you and it's true." sambit niya habang nakayakap mula sa likuran ko.
Agad namang umakyat ang init sa mga pisngi ko na parang gusto ng sumabog ng buong katawan ko. Hindi ako ready sa ganitong eksena! Hindi ko kailan man napanaginipang may ganitong lalaki na yayakap mula sa akin sa likuran habang bumubulong ng mga matatamis na salita diretiyo sa aking tenga.
Hindi ko rin alam kung ano bang ire-react ko. Dahil hindi ko pa naman naranasan kailanman ang ganitong bagay. Lagi ko lang napapanood sa mga pelikula pero hindi ko alam kung paano ba gawin ang ginagawa ng bidang babae sa tuwing may ganito silang eksena ng kaniyang bidang lalaki.
"Aantayin ko ang sagot mo. Anytime. Goodnight for now. And sleep tight." siya na ang kumalas sa pagkakayakap at humalik sa uluhan ko.
Habang ako eh nanatiling nakatayo at prinoproseso pa ng isip ko ang mga nangyayari. How could someone say I Love You easily? Hindi ko alam na pwede pala maging ganito kabilis ang pag ibig. O baka talagang dumating na finally ang inaantay ko at si Keal 'yon?
Nakarinig nalang ako ng malakas na busina na sinundan agad ng mabilis na pagtakbo ng sasakyan ni Keal kaya bumalik na ako sa tamang pag iisip ko. Nilingon ko ito at akma sanang sisigawan at hahabulin pero narealoze kong mamahaling kotse yun na may apat na gulong samantalang ako eh isang cheap lang na tao na may dalawang paa at dalawang kamay. At isang puso na sa wakas eh tumibok for the first time para sa ibang tao.
"Okay leche goodnight." bulong ko nalang sa sarili ko at lumutang na naman ang utak ko habang iniisip kung ano ba ang lasa ng halik kapag ikakasal ka na.
BINABASA MO ANG
A Thousand Kisses Before Goodbye
RomanceA Thousand Of Kisses To The One You Truly Love Only To That One Person No More No Less No Fools No Stupidness