Keal's Pov
"Anong balak mong gawin?" pabulong na tanong sa akin ni Jeann. Nahihiya daw kasi siyang marinig siya ni Frances. At naiintindihan ko naman kung bakit ganon. Pero kung may dapat mas mahiya sa amin, ako 'yon. Dahil sinira ko pareho ang samahan ng dalawang babaeng matagal ng magkaibigan. At ang sa amin ni Frances. Sinira ko ang pagmamahal niya para sa akin. "Kailangan tumawag na tayo ng pulis. Hindi na malalaman ni Markes 'yon."
"Hindi." madiin kong sagot habang patuloy sa pagmamaneho. "Hindi ko hahayaang masaktan si Frances." diretiyo ang tingin ko sa daan habang iniisip kung gaano kasasakit ang mga iyak ni Frances ngayon. Dahil sa kagag*han ko. Sorry. Frances. Sana mapatawad mo pa ang lecheng kagaya ko. At hayaan mo sana akong ayusin lahat ng ito. Pangako, aayusin ko 'to.
"Keal..." imik ni Jeann saka ako napatingin sa kamay ko na unti-unti niyang pinipisil. "Natatakot ako." sunod-sunod na bumagsak ang mga luha niya at pilit pinigil ang mga pag hikbi. "Sorry..."
Hindi ko naman ginusto ito eh. Ayokong nakikita silang pareho na umiiyak pero, ako pa ngayon mismo ang dahilan kung bakit parehong may luha sa kanilang mga mata. Tama ka France. Leche nga ako. Siguro pinagsisisihan mo ngayon na pinapasok mo pa ako sa buhay mo.
"Wala kang dapat ihingi ng tawad. Ako ang may kasalanan dito kaya ako ang nararapat na lumuluhod at umiiyak para sa kapatawaran. Malapit na tayo." gusto kong bumitaw mula sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Pero hindi ko magawa. Kaya hindi nalang ako humawak pabalik para kahit papaano man lang magamit ko ang konsensiya ko. It's the least I can do para hindi ko na patuloy pang masaktan si Frances ng palihim.
"Markes!! France!!" sigaw ko pagkapasok na pagkapasok namin ni Jeann sa abandonadong building kung saan kami itinuro ng gps mula sa location ng phone ni Frances.
"Keal..." ramdam ko ang takot sa boses ni Jeann. Parehong takot mula sa posibleng pagkakaharap nilang dalawa ng demoniyo kong kuya o 'di kaya ang harapin ang bestfriend niya na ngayon ay nasa hindi magandang sitwasiyon.
"Ayos lang. Manatili ka lang sa likuran ko." habilin ko sa kaniya ng maramdaman ko muling humawak siya sa kamay ko at katulad ng kanina pinilit ko nalang isa-walang bahala.
"Bunso! Andito na pala kayo! Dito sa taas, dali! Andito kami ng ex mo. Sakto kayo ang pinagkukuwentuhan namin ngayon." pagsasalita niya pero alam kong hindi sa akin nakaturo ang mga mata niya. "Hi Jeann. Nice to see you."
Tumindi ang mga paghikbi ni Jeann at ramdam ko ang mas lalo niyang panginginig sa takot. Kaya wala na akong choice at hinawakan na rin ang kamay niya upang mapakalma ito kahit papaano.
Sinalubo niya kami ng nakangisi nang dumating na kami dito sa ikalawang palapag na dinungawan niya kanina. Agad akong lumingon-lingon sa paligid para hagilapin ang kaniyang mukha at masigurong nasa maayos siyang kalagayan.
"Mabuti naman at nakarating kayo bago may masaktan. At mukhang sinunod niyo ako ah. Walang pulis. Gusto ko rin na isinama mo ang girlfriend ko dito bunso. Ibabalik mo na ba siya sa akin? Ayos lang, madali naman akong kausap. Swap kumbaga." pakikipagusap niya sa akin habang umiikot sa paligid at itinatabi ang kung ano-ano lang na bagay. "Oh, mukhang may hinahanap ka ah. Muntik ko ng makalimutan, tayong tatlo lang pala ang andito. Gusto muna daw magpahinga ni Frances saglit dahil napagod siya sa pakikipagkuwentuhan sa akin. 'Wag kang mag alala kapatid, makikita mo rin siya."
"Hayop ka. Tapusin na natin 'to. Nasaan siya?! Anong ginawa mo sa kaniyang tar*ntado ka?!!" naghihimutok kong sigaw na nag eecho naman sa paligid ng gusaling ito.
BINABASA MO ANG
A Thousand Kisses Before Goodbye
RomanceA Thousand Of Kisses To The One You Truly Love Only To That One Person No More No Less No Fools No Stupidness