Chapter 2:Ear Of Fears

1 0 0
                                    

Someone's Pov

"Ito ba ang gusto mo? Hindi mo na ba talaga ako titigilan? Simula nalang nung pumasok ka sa buhay ko ulit, wala ng nangyaring masaya sa buhay ko! Tumigil ka na. Umaasa akong ito na ang huli nating pagkikita." patalikod na ako sa kaniya ng bigla na naman niya akong dakmain at ihampas sa pader. "Ano ba! SINABI KONG TUMIGIL KA NA!"

"Sandali! Sa tingin mo naniniwala ako sa mga sinasabi mong hindi ka naging masaya sa akin no'ng pumasok ulit ako sa buhay mo? Ha?! Ako pa ang pagsisinungalingan mo, talaga?"

Nanlilisik na naman ang mga mata niya, lumabas na naman sa mukha niya ang malademoniyong anyo niya na nasa loob-loob lang ng kaniyang katawan simula ng ipinanganak siya. Naitago niya lang ng mabuti kaya hindi ko ito o ng kung sino man, agad makikita sa unang tingin.

"Nasasaktan ako ano ba?!! Bitawan mo ako kung hindi tatawag ako ng taong kakaladkarin ka dito palabas!" pananakot ko sa kaniya at masuwerte namang may naaninag akong isang taong naglalakad na palandas sa amin.

Napalingon kaming pareho sa taong 'yon.

"Babalikan kita. 'Wag ka ng magsisinungaling ulit sa akin ah?"

Umaliwalas ang katawan ko ng marahas niya akong bitawan at dali-dali siyang tumakbo palayo sa akin.

Ang 'walangyang 'yon, magbabayad siya.

♡-♡

France's Pov

"Aalis ka na?" tanong ni Jeann habang nag aayos ako ng sarili.

"Nakita mo ba 'yung wallet ko? Ang alam ko naiwanan ko 'yun dito kagabi ahh." pagtatanong ko din sa kaniya dahil aligaga ako sa paghahanap ng wallet ko.

"Nandiyaan sa drawer ko sa tabi ng kama, akala ko kung kanino kaya itinago ko muna. Bakit hindi mo subukang lagyan ng litrato mo 'yang wallet mo para may clue 'yung makapulot niyan kung sakaling mawala mo ulit?" inihapag ni Jeann ang mga niluto niyang umagahan para sa aming dalawa.

"Kailangan pa ba? HAHA! Hindi naman gano'n kadaming kayamanan ang nakalagay dito kaya kung mawala 'to, panigurado, iwawala lang din ng makapulot." natatawang sagot ko sa kaniya.

"Loka-loka ka talaga. Halika na, mag almusal na muna tayo. Sabay narin tayong lumabas at may lalakarin din kasi ako." pag aya niya at sumunod naman ako.

"'Nga pala Jeann, may narinig ka bang maingay na nagsisigawan o nag aaway atang mga tao dito sa tapat ng unit mo kaninang madaling araw? Parang naririnig kong nagkakasakitan na sila kanina ehh."

"Huh? Aaahhhh, baka 'yung mag asawa diya'n sa katabing unit natin, alam mo na. Mag asawa problema. Sa tagal ko dito, nasanay nalang ako sa pag aawayan nila gabi-gabi, hanggang sa umagahin na sila. Sanay narin ang mga tao dito sa condo na naririnig at minsan nakikita pa sila."

"Mmm, ehh bakit hindi pa sila sinisita ng manager nitong condo?"

"Ewan, magulo ang kuwento nila. Baka may malakas silang kapit o kaya kakilala nila 'yung may ari nito. Hayaan mo na, 'wag mo nalang pansinin dahil panigurado, stress lang dala niyan. Toxic. Bilisan mo na diyan at ng 'di tayo abutan ng mabigat na traffic."

Tumango naman ako at kinuha ang wallet ko sa drawer niya.

"Nga pala France..." pagsisimula niya ulit ng sasabihin. Tumungo naman ako sa lamesa para kumain na din.

A Thousand Kisses Before GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon