Chapter 5:Fairies Kiss

2 0 0
                                    

Bakit ang awkward ng hangin na hinihinga namin sa paligid ngayon? O ako lang since ako ang bida ng kahihiyang ito?

"Ahh... hindi ba m-may pasok ka pa Jeann?" pagsisimula ko na ng sasabihin.

Kanina pa nagsimula ang shift ko pero simula ng pumasok kami dito sa loob ng restaurant ni Sir Keal at naupo sa lamesang ito, wala na kaming ibang ginawa kung hindi magparamihan ng pag inom ng tubig at sinong hindi maaawkward contest.

Ewan ko naman bakit hindi kami iniistorbo ni manager eh nakikita naman niyang hindi ako nagtratrabaho sa oras ng shift ko kahit andaming customer sa paligid. Ngayon pa siya nahiyang magsungit kung kailan kailangan na kailangan ko. Hayyss. Leche, ano ba 'tong sitwasiyong kinalalagyan namin ngayon? Okay pa ba 'to? Malamang hindi.

Kasi, bakit kailangan ng malaman ni Jeann ang tungkol sa amin ni Keal agad-agad? I mean, wala pa ngang kami, officially. Maski kaming dalawa malabo pa ang intindi namin sa "love life" daw namin tapos eto, makikidagdag pa si Jeann sa labuang nangyayari.

"Right, nakalimutan ko na. Aantayin kita sa unit Frances. Ingat ka sa pag uwi." pag tayo ni Jeann pero pansin kong hindi pa rin niya inaalis ang matatalim niyang matang nakatama kay Keal. Tapos sa akin naman niya pinatama 'yung mata niya kaya na-double Keal kami. Wow, ang korni mo Frances. Sa ganitong sitwasiyon ahh? Talaga?

"Okay sige, ihahatid na kita palabas." alok ko at tumayo din.

"Hindi na-"

"Hindi ka ba sasabay mag dinner sa amin?" naputol ang pagsasalita sana ni Jeann dahil sa pag aalok ni Keal.

Napatingin naman kaming dalawa ni Jeann sa kaniya at pinanlakihan ko ng mata ang lecheng ito. Hindi ba niya gets ang sitwasiyon?! Hindi ito ang tamang sitwasiyon para makipag-dinner kasama si Jeann. Dapat malinaw muna sa aming dalawa kung ano ba talaga kami! Leche talaga 'tong lecheng ito.

"Manahimik ka!" pag galaw ko ng bibig ko ng walang boses para iparating sa kaniya ang hindi niya ma-gets.

Pero hindi niya 'yun pinansin at nginisian niya lang lalo ako. O 'di ba, leche talaga. Walang'ya.

"Sounds good. Plano din namin ni Frances 'yan kaya ituloy na natin. Total, mukha namang masarap ang menu niyo dito." patay na. Humanda ka sa aking Keal ka. Matri-triple Keal ka kapag humarap ka ng mag isa sa akin.

Lumipas na naman ang oras namin sa lamesang ito kung saan namayani na naman ang katahimikan at kamatayan. 'Di pala. Wala pang kamatayan. Maya-maya siguro.

Walang umimik sa amin. Wala kahit isang nagtangka. Hindi si Jeann. Hindi ang lecheng si Keal. At mas lalo namang hindi ako dahil hindi ko gustong mapasama lalo ang sitwasiyon. O sabihin nalang nating ayokong mailagay ang sarili ko sa mas awkward na sitwasiyon. Tumutok nalang ako sa pagkain ko total naman hindi pa ako nanananghalian.

Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na tapos na pala silang kumain. Sa sobrang tutok ko kasi sa pagkain at hindi ko na iniisip na kasama ko ang dalawang ito, naiwanan nalang akong mag isang kumakain. Mabuti nalang at nabusog ako kung 'di, baka hindi na ako tumigil. Eh sa gutom ako. Magbabayad naman ako ahh.

"Mauna na ako Frances. Nice meeting you, Keal." pagpapaalam ni Jeann na inihatid na namin palabas ng restaurant.

Tumango naman si Keal bilang sagot. Bastos ang leche. Pero lagot siya ngayong wala na Jeann.

"See you mamaya." pagkaway-kaway ko kay Jeann na sinagot naman niya ng pag ngiti saka na siya sumakay ng kotse niya. Hinatid pa siya ng mga mata namin ni Keal bago tuluyang mawala sa paningin namin.

Sa pagkakataong 'yon, mabilis kong sinunggaban ng tadiyak ang leche na kaagad naman niyang idinaing. Napahawak pa siya sa binti niyang tinadiyakan ko.

A Thousand Kisses Before GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon