Chapter 6:Secrets Are Like Lies

1 0 0
                                    

Keal's Pov

"Sino po siya?" tanong ko kay mama ng makatayo na ako sa tabi niya.

Inakbayan naman niya ako at sabay naming sinalubong ang isang matangkad na lalaki na may kasama ring batang sa tingin ko eh kasing edad ko lang. Isinarado nila ang pinto at tumayo sa tapat namin. Nakangiti 'yung matanda pero 'yung batang kasama niya eh nanatiling walang emosiyon.

"Anak, siya ang magiging kuya mo simula ngayon. At ang daddy niya ay ang magiging daddy mo na rin."

Tumingala ako para tignan si mama habang nagsasalita siya. Kitang-kita ko kung gaano siya kasaya ngayon. Masayang-masaya ang mga bagong ngiti sa labi ni mama. Kaya naman ngumiti din ako at tumingin naman sa bago kong magiging papa at kuya. Hindi ko pa gaanong naiintindihan ang mga nangyayari. Pero ang lagi kong alam na bilin ni papa bago siya mawala, dapat lagi kong nakikita si mama na masaya.

"Hello po papa. Hello kuya. Ako po si Keal. Magandang araw po. Salamat po sa pagpapasaya ninyo sa aking mama."

Pagkatapos ko silang batiin, lumakad paabante ang batang magiging kuya ko na sabi ni mama. Akala ko sasalubungin niya ako ng yakap pero dire-diretiyo lang siyang naglakad hanggang sa malampasan ako pagkatapos matabig ng malakas.

"Markes!" sigaw sa kaniya ng magiging papa ko at sinundan naman namin siya ng tingin. "Pasensiya ka na hon. Binibitbit pa kasi nung bata ang tungkol sa pagkamatay ng mama niya. Hayaan mo, kakausapin ko." lumuhod si papa at hinawakan ako sa magkabilang balikat saka niya inilapit ang kaniyang maamong mukha. "Keal, anak. Pagpasensiyahan mo na muna ang kuya mo ah? Pero mabait si Markes. Sigurado akong gustong-gusto ka rin niyang maging kapatid." ngumiti si papa.

Kay mama naman ako napatingin ng lumuhod din siya para makausap ako ng malapitan. "Keal, samahan mo muna ang kuya Markes mo para tulungan siyang makalimot. Nahihirapan pa siyang tanggapin ang mga bagay ngayon at kailangan niya ng bestfriend. Pwede ba, be friends with kuya and then help him be happy again?" muling nakangiting sabi ni mama na may bahid naman ng pag aalala sa kapatid ko.

Matamis kong ginitian si mama bilang sagot ng pagsang ayon. Nagpaalam ako sa kanila at sinindan naman si kuya sa taas para sa utos ni mama na makapagpapasaya sa kaniya.

♡-♡

"Hindi kita kapatid. Hindi ka anak ni daddy. Kaya wala akong pake sayo. Sa inyo ng mommy mo. Dahil inaagaw niyo si daddy sa amin ni mommy. Umalis ka na!" sigaw sa akin ni kuya Markes habang nandito ako sa sahig at umiiyak dahil sa mga iniinda kong galos at pasa na mula sa pag aaway namin sa mga nakalipas na araw.

Tinalikuran ako ni kuya Markes at mapwersang ibinagsak ang pinto. Sunod akong nakarinig ng pagkalantog ng mga bakal na tila kadenang pumupulupot sa door knob.

Mabilis akong tumakbo papalapit sa pintuan pero huli na ang lahat. Naikulong na ako ni kuya Markes dito sa loob ng madilim naming bodega. Hindi ko alam kung wala nga bang pake sila mama at papa sa akin tulad ng sinabi ni kuya Markes o sadiyang malakas lang ang buhos ng ulan at ingay ng mga kulog kaya hindi nila marinig ang malakas na sigaw ko ng paghingi ng tulong.

Tanaw ko rin sa malinaw na bintana ang paghampas ng sanga ng mga puno dahil sa malakas na hangin at mga matutulis na pagguhit ng kidlat sa madilim na langit. Wala akong ibang nagawa kung hindi piliting isarado ang mga mata ko at takpan ng palad ang magkabila kong tenga.

A Thousand Kisses Before GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon