Sa loob ng dalawangput-walong taong pamumuhay ko dito sa mundo, araw-araw kong nasasaksihan ang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang tao.
Bawat sandaling kasama nila ang minamahal nila, nagniningning na parang bituin ang kanilang mga mata.
May tamis ang bawat ngiti, makulay na tawanan, at punong-puno ng kaligayahan ang kanilang mga puso.
Kahit saan ata ngayon sa mundo natin, makakakita ka ng mga taong nagmamahalan, na hindi na iniintindi ang iniisip ng mga tao. Iba't-Ibang klase ng pagmamahalan. Maraming uri narin ng istorya ng pag ibig ang nasubaybayan ko.
Nariyan ang, mga N class, sila 'yung mga magkasintahan na normal lang ang sitwasiyon, normal ang ibigan, normal ang awayan, at normal lang din kapag nagkahiwalayan. Ang boring 'di ba?
Andiyan din naman ang mga AN Class kung tawagin ko. Abnormal na pagmamahalan, abnormal na samahan, at abnormal na sigawan. Kumbaga, sila ang magkasintahan na abnormal ang pagsasama, kasi, kahit maraming problema, tawa lang sila ng tawa. Abnormal 'di ba? Pagmamahalan daw kase ang bumubuhay sa kanila.
BN Class. Mga below normal ang pagmamahalan. Sila 'yung uri ng nagmamahalan na parang hindi. Parang magkaibigan pero may ibang namumuong samahan. Akala mo Bestfriend, 'yun pala, sila ng dalawa. O kaya, akala mo sila, mag Bestfriend lang pala. Nakakakilig ba?
Bukod sa tatlong uri ng N Class na 'yan, may iba pang uri ng mga pagmamahalan ang nasaksihan ko na. 'Yung mga third wheel na halos maging assistant na, 'yung mga Hopia na sing-bait ni Santa, 'yung mga alkansiya na laging nakatago at nakatabi para andiyan pagkailangan na, at 'yung mga mandirigma na hahamakin ang lahat, masungkit lang ang puso ng kanilang sinisinta.
At may apat na 'Kami' naman akong depinisiyon base sa makikita mong samahan ng dalawang tao. Ang "Merong Kami" na lubos talagang nagmamahalan, mga "Walang Kami", pero araw-araw naglalandian, 'yung mga "Kunwari Kami" na panakip at panandaliang kasiyahan lang at mga "Parang Kami" na kung umasa, sobra-sobra, kaya nasasaktan sila ng bonggang-bongga.
Alin man sa mga 'yan, wala pa akong experience. Dahil ako 'yung tipo ng babae na, magmamahal lang kung kailan ko mararamdaman nang may minamahal na ako at mahal ako ng mahal ko.
Dahil ayokong maranasan na masaktan lalo na kung unang beses ko pang magmamahal, at baka mapunta pa sa maling tao na hindi naman pala seryoso.
Nagpapasalamat naman ako sa nasa Itaas at hindi pa ako nakakaramdaman ng pagmamahal. Ewan ko ba. Maganda naman ako, matalino, maabilidad, talented at kung ano-ano pang magagandang adjectives. Kahit nga sinong gustuhin ko panigurado, mabilis na mahuhulog ang loob niya sa akin. Pero kahit anong gawin ko, wala talagang kahit isang tao ang nagpapatibok ng puso ko. Akala ko nga tibo ako pero sinubukan ko narin kung maiinlove ba ako sa babae, ang kaso, hindi talaga. Kahit sa unggoy sinubukan kong mainlove, sa bagay, at sa kalikasan. Pero wala atang time ang puso ko na umibig ng kahit na sino. Tumitibok lang siya para mabuhay ako at mabuhay at para mabuhay. Sinabi ko na bang tumitibok lang ito para mabuhay ako?
At dahil nawawalan na ako ng pag asang makahanap ng tamang tao para sa akin, pinaghahandaan ko ng tumandang dalaga. Kahit ata puppy love, one sided love, crush love, friends love o kung ano pang uri ng love wala ako. Baka nakatadhana talaga akong mabuhay at maging isang Madre.
Ayoko man, no choice na. Atleast kapag nasa simbahan ako, merong mga kaibigan doon na mag aalaga sa akin. At may magpupunta sa libing ko kapag namatay na ako. May makakasama din akong tumawa, umiyak at paglingkuran ang Panginoong Diyos.
Hindi na magiging masaklap ang future ko, kaya naman, wala ng rason para malungkot pa 'ko. Isa pa, siguro nakatadhana din ang buhay ko para maging Breadwinner ng aming munting pamilya, ako ang nakapagpatapos sa tatlong lalaking kapatid ko na sa kakapalan ng mukha, nagsilayas at nagsi-asawa na, ako din ang nagpapaaral ngayon sa dalawang bunsong kambal namin na babae at lalaki, at ako ang gumagastos ng pagkain, pambayad ng tubig, kuryente, at kung ano-ano pang kailangan para sa bahay.
BINABASA MO ANG
A Thousand Kisses Before Goodbye
RomanceA Thousand Of Kisses To The One You Truly Love Only To That One Person No More No Less No Fools No Stupidness