Chapter 7:One Moon, Billions Of Stars, Thousand Kisses

0 0 0
                                    

"Cheers!" sigaw ng leche na akala mo eh masayang magbabarkada kami na kalalabas lang sa trabaho. Nilingon niya kami isa-isa. Alam kong pansin niya ngayon kung paano kami tumitig sa kaniya ng may pagdududa. Kaduda-duda naman kasi talaga siya. Kaya tama lang at maramdaman niya 'yon para maging aware siya. "Walang may gusto? Okay. Kj niyo naman. Cheers na nga lang sa akin." pakikipag usap niya sa sarili niya at ininom ang baso niyang kanina ay nakaangat.

Ewan lang ah, pero napaka-weird niya kasi. Kung ibabase mo sa itsura niya, hindi siya 'yung tipo ng tao na maingay at gustong makipagusap sa tao. Hindi siya ganong tipo na madaldal at masiyahin katulad ng ipinapakita niya ngayon. Ramdam ko kasing pinepeke niya lang ang kung ano mang ipinapakita niya ngayon eh.

"Kumain na kayo. Ihahatid ko na kayo pagkatapos. Bilisan niyo lang para hindi tayo gabihan masiyado." alam kong pinatutukuyan ni Keal si Markes doon sa sinabi niya. Na parang pinamamadali niya kami para maiwanan na namin ang siraulong kasama namin.

"Tapos na ako." abiso ni Jeann sa aming lahat. Mukhang ganon din ang pagkakagets niya sa pahiwatig ni Keal.

"Ako din. Ang sarap ng pagkain. Nabusog ako." pag sang ayon ko rin naman at binitbit pareho ang shoulder bag namin ni Jeann.

"Good. Now let's go. Thanks for the treat bro. Mauna na kami. Enjoy your dinner." pag tayo ni Keal kaya sumunod na din naman kaming tumayo ni Jeann ng biglang ibagsak ni Markes ang kamay niya sa lamesa. Sa ingay na ginawa non, nagsipagtinginan ang mga tao sa amin.

"Ako ang magdedecide kung kailan matatapos ang date namin ni Jeann. Pero kung atat na atat na kayong dalawa na matulog, iwanan niyo si Jeann. Dahil marami pa kaming pag uusapan. Right Jeann?" seryoso niyang pagsasalita saka sunod niyang dinapuan ng matang nanlilisik si Jea na may kasamang nakangising pag ngiti. Sa maikling salita, nakakatakot siyang demonyo.

Naramdaman kong humigpit ang pagpisil ni Jeann sa mga kamay ko at nang mapatingin ako sa mukha niya, kita ko doon kung paano niya pigilan ang galit sa likod ng lungkot at takot. Ramdam kong galit siya pero 'yung nakikita ko sa mukha niya eh pang aawa sa sarili na wala siyang ibang magawa para makawala mula sa isang kadena. Kaya iniiyak nalang niya iyon sa loob-loob niya at pilit itong pinipigilang sumabog. Galit siya, pero mas pinangingibawan niya ang kaniyang takot.

"Mag c-cr lang ako." nag iipit labi niyang sabi saka niya binitawan ang mga kamay ko.

"Ikaw na bahala dito." abiso ko kay Keal saka agad na sinundan si Jeann papuntang cr.

Ano ba kasing klaseng pananakot ang ginagawa ng lalaking 'yon sa kaniya?! Parang isang sikretong walang gustong mag bunyag.

Nakarating na ako sa cr at dahan-dahang pumasok dito dahil sa mga napapansin kong galing loob na may pinagbubulungan. "Jeann?" hindi niya sinagot ang tawag ko kaya naman paulit-ulit ko siyang tinawag hanggang sa makarinig ako ng pagpipigil na mga iyak at paghikbi.

Doon ko sa pinakadulong cubicle ko natunugan 'yon. Lumapit ako dito para sana buksan ito pero agad na lumabas si Jeann doon saka ibinagsak ang pinto. Mabibigat ang mga hakbang niya at ngayon hindi na niya pinipigilan ang kaniyang pag iyak. Tumungo siya sa harap ng salamin saka ito binato ng heels niya dahilan para mabasag ang maliit na bahagi nito.

"MAMATAY KA NA! AAAAAHHHHH!!!" sigaw niya at sunod-sunod na sumigaw ng pag atungal habang nakaharap sa salamin at sinasabunutan ang sarili.

Dahil sa gulat ko sa inakto niya, hindi ako agad nakagalawa kaya naman napanood ko lahat kung paano siya sumabog. Unang beses ito. Makontrol si Jeann pagdating sa emosiyon niya. Kapag kaharap niya ang taong kinaiinisan niya, kinkontrol niya ang galit niya sa pamamagitan ng mahinahong pagsasalita ng sarkastiko. Pero ngayon, ito ang unang beses kong makita na mawala siya sa kontrol at magwala ng ganito. Nakakatakot, pero mas nakakaawa dahil ramdam ko ng buo ang sakit na inilalabas niya. Lahat ng inipon niya sa matagal na panahon, sabay-sabay niya ngayong inilalabas.

A Thousand Kisses Before GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon